Chapter 2: Where am i?

19 2 0
                                    

Eloira Pov:

Nagising ako dahil parang lumulundag-lundag ang buong paligid.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata.

Natatakpan ng mahaba kong buhok ang aking mukha kaya hindi ko maaninag kung nasaan ako.

Hahawiin ko na sana ang aking buhok ngunit nagtataka ako kung bakit hindi ko maigalaw ang aking mga kamay.

Ngayon ko lang napagtanto na nakaposas ang aking kamay sa likuran. Ano bang nangyayari? Isa ba ito sa masasama kong panaginip?

Kinurot ko ng buong diin ang aking mga daliri  sa likuran ngunit ganun na lang ang pagtataka ko na nasasaktan ako sa aking ginagawa.

Hindi ako nananaginip dahil totoo ang lahat ng ito. Ganun na lang ang kabang nararamdaman ko ng matiyak na nasa reyalidad pa rin ako.

Nagpalundag-lundag ang aking inuupuan na para bang lubak-lubak ang aming dinadaanan.

Pasimple kong ginalaw ang aking ulo upang ang ibang hibla ng aking buhok sa mukha ay mawala. Kahit papaano ay naging malinaw na rin ang aking paningin.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Ngayon ay mas malinaw na sa akin na nakasakay kami sa isang bus. Nasa pinakadulong bahagi ako at halos lahat ng kaklase ko ay nandito.

Pero papaano kami nakasakay sa bus na ito? At saan nila kami dadalhin at bakit kailangan pa nakaposas ang aming mga kamay?

Bakit hindi pa rin sila nagigising? Hindi kaya dahil iyon sa gamot na ininom nila?

Kailangan kong malaman ito dahil kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag.

Bakit feeling ko may masamang mangyayari sa amin. Na parang nanganganib ang aming buhay.

Pasimple akong dumungaw sa labas. Makulimlim na at puro puno ang nakikita ko. Hindi ko alam kung madaling araw na ba o maggagabi na.

Hindi pamilyar ang lugar na aming tinatahak. Wala rin akong makitang ibang sasakyan at mga karatula kung nasaan kami.

Kahit mga buildings ay wala rin. Tingin ko ay hindi na ito sakop ng Maynila. Para kaming nasa malayong probinsiya.

Lumingon ako sa aking katabi. Mahimbing itong natutulog. Siguro ay kung sa ibang pagkakataon ay lubos akong masisiyahan dahil katabi ko ngayon ang lalaking matagal ko ng hinahangaan.

Si Kier Patrick Villanueva. Ang pinaka guwapo sa buong unibersidad. Na kahit mga kolehiyo ay humahanga sa kaguwapuhan nito.

Medyo masungit nga lang ito at ilag sa kababaihan. Ang mga kaibigan lamang nito ang pinapansin. Hindi naman ako umaasa na mapapansin niya ang isang katulad ko.

Bigla akong naalarma ng may marinig akong yapak ng paa. Sa tingin ko ay papunta ito sa aming direksyon. Sa dulong bahagi ng bus.

Ipinikit ko ang aking mata at nagkunwaring natutulog. Halos tumakas ang aking puso sa sobrang kaba.

Nanginginig rin ang aking mga kamay. Mabuti na lamang at nasa likuran nakaposas ang aking kamay kung hindi baka makita niya ang panginginig nito.

Naramdaman kong huminto siya malapit sa amin. Na para bang pinagmamasdan niya ang lahat.







*Ring*Ring*Ring*






"Hello sweety? Yes malapit na kami. Siguradong matutuwa ka dahil matutuloy na rin ang ating plano."

Mababakas ang saya sa tinig niya.

"Yeah, kumpleto sila. Huwag kang mag-alala dahil hindi sila basta-basta magigising dahil sa mabisang gamot na iyon. Okay mamaya kana tumawag. Bye."

Bomb Capsule (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon