Chapter 1: The Party

22 2 0
                                    


Eloira Pov:

Urghhh!!!
Kanina pa ako namimilipit sa sobrang sakit ng puson ko. Sinusumpong nanaman ako ng dysmonarhea.

Hindi dapat ako pupunta sa thanksgiving party na ito dahil alam ko naman na hindi ako mag-eexist sa mga kaklase ko.

Pinilit lang naman ako ni Rebecca - isa sa mga itinuturing kong kaibigan na pumunta dahil nakaugalian na ng section namin ang ganitong senaryo na kapag magtatapos ang taon ay idinaraos namin ang thanksgiving party sa aming paaralan.

Halos noong  grade 11 kami at maging ngayong grade 12 ay kami-kami parin ang magkakasama. Konti pa lamang kasi ang senior high na nag-enrol sa school na ito.

Kaya siguro isang section lang kami. Kami rin ang kauna-unahang batch ng senior high sa Pilipinas simula ng maisakatuparan ang K-12.
Ito ay dagdag dalawang taon sa high school.

Ang advantage lang namin na nag-aaral sa dating pampublikong paaralan ay may voucher na ibinigay ang gobyerno. Kaya maaari kaming makapag-aral sa pampribadong paaralan sa tulong ng aming  voucher.

Katulad na lamang ng Lebron University kung saan ako pumapasok ngayon. May elementary, high school, senior high at college sa eskwelahan na ito ngunit mas gugustuhin ko pa na bumalik sa public school.

Mas may natutunan ako samantalang dito kapag may pera ka pasado ka. Lalo na at voucher holder ang iba sa amin katulad ko. Kahit na hindi ka magpasa ng project at kahit magcutting ka ay ipapasa ka nila.

Wala silang pakialam kung pumapasok ka ang mahalaga lang sa kanila ay ang pera na nakukuha nila sa bawat estudyante. Kaya nagiging barumbado ang mga estudyante dito dahil sa kapabayaan nila.

Isa kasi ito sa mga sikat na eskwelahan sa Maynila kaya napagdesisyunan ko na pumasok dito ngunit sa ngayon ay pinagsisisihan ko na dito pa ako nag-aral.

Isa lang naman ang hindi ko pinagsisisihan iyong nakilala ko siya. Ang naging matalik kong kaibigan ngunit kahit kailan hindi ko na siya makikita pa.

Pinayagan rin kami ng Head ng senior high na mag-thanks giving party kahit na december 30 na ngayon dahil siguro nadala ni ma'am sa charm si Sir. Ugodgud ang head ng senior high.

Hindi naman kasi maikakaila na napakaganda ni ma'am Cza-cza kahit na 30+ na ito. Para kasi itong nasa 20+ pa lang dahil siguro baby face siya.

Nakakabata pala ang palaging nakangiti?
Simula ng naging adviser namin si ma'am Cza-cza ay halos araw-araw dumadalaw si Sir Ugodgud sa room namin.

Nagpapacute si tanda. Akala mo naman magugustuhan siya ni ma'am. Si ma'am na nga nagsabi na loyal siya sa boyfriend niya.

1st year high school pa lang daw siya ay masugid na manliligaw niya ito hanggang sa sagutin na niya.

Minsan nakakabisado ko na iyong love story ni ma'am. Ikaw ba naman bago siya magturo ay ikwekwento niya pa kung saan sila nagsimula at kung ano-ano pa.

Kulang na lang buong talambuhay niya ikwento niya. Wala naman akong magawa kundi makinig na lang.
Pag-usapang pag-ibig talaga minsan hindi ako nakaka-relate.

Siguro dahil wala pa iyon sa isip ko. Nagkaka-crush naman ako pero hanggang doon muna pero ang makipag-relasyon? Pass muna ako diyan. Gusto ko muna makapagtapos at makaahon sa hirap.

Nakaupo lang ako dito sa dulo habang nakayuko. Namimilipit na talaga ako sa sobrang sakit. Kailangan ko ng umuwi para makapagpahinga.

Kapag kasi ganitong namimilipit ako inaakit ako ng kumot, unan at kama ko upang matulog. Gusto ko na talagang umuwi.

Bomb Capsule (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon