Chapter 4: Free Day

13 2 0
                                    

Eloira Pov:

Pinagmasdan ko ang lahat tapos na kami kumain liban kay Grace na nilalantakan ang mga tira.

Kahit kailan talaga itong babaeng ito napakatakaw.

May espasyo pa kaya ang mga pagkain sa katawan niya? Para kasing wala na eh.

Habang pinagmamasdan ko ang lahat ay nagtama ang paningin namin ni Mica.
Siya ang unang bumitaw ng tingin.

Hindi na ako nito pinansin at ipinagpatuloy na rin ang pagtingin sa iba.

Kilala si Mica na party girl sa klase. Close rin sila ni kuya Eugene.

Sina Desiree, Kurt, Jecylyn, Rebecca, Byron, at Lucy ay nauna na ng tumayo.

Pinapasunod nila ako para daw sa pagpupulong nila.
Tingin ko hindi naman ako kawalan sa kanila.

Nagsisimula ng magsitayuan rin ang iba. Naunang tumayo si Veronica at hinila nito si Andrei. Sumunod naman si Audrey at sa gilid sila nag-usap.

Si Tintin naman at April ay tumayo na rin. Pumunta sila sa dulong bahagi kung nasaan ang ref at binuksan nila ito.

Tuwang-tuwa naman nagtatalon si April at kumuha sila ng tig-iisang chocolate. Akalain mo iyon may imbak pala silang chocolate?

Kung tutuusin para lang kaming nasa ordinaryong bahay kung wala lamang masamang plano ang aming guro para isa-isa kaming patayin.

Si Mica naman ay tumayo na rin kasabay si kuya Eugene. Nginitian pa ako ni kuya Eugene bago ito lumakad. ginantihan ko na lamang ito ng matamis na ngiti.

Close lahat ni kuya Eugene ang lahat ng mga kaklase namin at siyempre isa rin ako dito. Siguro dahil namimis ko na ang kuya ko kaya komportable ako sa presensiya niya at sobrang bait rin niya.

Siya ang taga-advice namin kapag may mga problema kami. Siya ang nagtatakip sa sinuman kapag may ginawang kasalanan ang isa sa amin.

Si Reese naman ay nakapulupot sa braso ng kaniyang bf na si John Carhl. Napatayo na rin ang dalawa at sumunod naman sina Letlet at Anne habang nagdadaldalan.

Hawak-hawak pa nila ang mga prutas na kinuha nila sa lamesa. Hindi man lang mababakas ang takot sa kanila.

Tinotoo talaga nila na mag-enjoy ngayon. Na parang ordinaryong araw lang ito.

Sina Nestor at Errol naman ay nag-akbayan. Para bang miss na miss nilang dalawa ang isat-isa.

Kilala ang dalawa na iyan na mga maloko. Palaging naguguidance dahil sa mga kalokohan nila.

Nang tumayo naman si Richie ay niyakap nito ang bff niyang si Jaybie.

Nagtitili pa ang mga ito habang maluha-luha. Kung tutuusin mas maganda pa sila sa totoong babae.
Mas babae pa sila kumilos at pumorma.

Si Ace naman ay lumapit kay Marie. Nakatulala lamang si Marie habang akay-akay siya ni Ace. Ang pagkakaalam ko ay childhood friend ang dalawang ito.

Hindi mo kailanman mapaghihiwalay ang dalawang iyan dahil kung saan si Marie mapunta ay nandoon rin si Ace.

Si Wilson naman ay lumapit kay Mae at hinawakan ang kamay nito. Hinalikan niya rin ito sa pisngi.

Ang pagkakaalam ko ay may relasyon na silang dalawa. Kilala si Mae na one of the boys sa grupo nila. Nakipag-apiran siya kay Leonard, Jr, Henry, at Frankie.

Nginitian niya pa ang matalik na kaibigan na si Frankie. Sobrang close ng anim na iyan kaya kapag binubully si Mae ni Veronica todo rescue ang limang kalalakihan.

Bomb Capsule (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon