Chapter 3: The Disccusion

21 3 0
                                    

Eloira Pov:

Napamulat ako ng may maramdaman akong pares ng mata na nakatitig sa akin.

Napaupo ako ng tuwid ng makitang gising na rin siya. Naiilang ako sa klase ng tingin na ipinupukol nito sa akin.

"Your Eloira right?"
Tanong nito sa akin habang hindi pa rin tinatanggal ang kanyang titig.

Napatango na lamang ako at napayuko. Nahihiya ako sa kaniya at hindi tumitigil sa pagtibok ang puso ko ng bigkasin niya ang pangalan ko.

Parang hinaplos ng maamo niyang tinig ang puso ko. Bakit kaya nararamdaman ko ito?

Kilala niya rin pala ako. Ibig sabihin hindi naman pala ako invisible sa kaniya.

"Whats happening? Where we are? Bakit nakaposas ang mga kamay natin? At bakit ganito ang suot ko?"
Sunod-sunod na tanong niya. Ramdam ko ang frustation sa tinig niya.

Ang pagkalito, pagkabahala at pagkatakot. Kahit pala lalaki nakakaramdam rin ng takot.

Hinarap ko ang mga nagtatanong niyang mga mata.

"Kier, hindi ko alam kung nasaan rin tayo. Wala akong ideya kung anong kailangan nila sa atin."
Paliwanag ko dito. Napabuntong-hininga na lamang ito.

"Wait Kier, wala ka bang maalala kung ano ang huling pangyayari bago ka mawalan ng malay?"
Pang-uusisa ko dito. Ngayon lang ata ako nagkalakas ng loob na magsalita sa harap niya.

Hindi naman masama ang magtanong diba?
Kailangan ko rin makahanap ng impormasyon tungkol dito.
Kung anong klaseng gamot iyon.

"Honestly yes, i don't remember anything. Bakit? Ikaw may naalala ka ba?"
Balik na tanong niya sa akin.

"Wa-la rin."
Tumayo na ako at lumapit sa likuran niya. Tingnan ko ang relo niya.

Mag-aalas otso na pala ng umaga. Hindi pa kami nakakapag-almusal. Nagugutom na rin ako.
Mabuti na lamang at kahapon ang last mensuration ko. Hindi ako mahihirapan maglakad ngayon.

"What are you doing in my back?"
Inis na sambit nito.

Tsk! Kahit kailan napakasuplado. Ewan ko ba bakit sa kaniya pa ako nagka-crush.

Sabagay wala nga palang mata ang puso pero kahit ganun may taste naman yung puso ko dahil ang guwapo ng napili niya.

Naks lumelevel up iyong pagka-crush ko sa kanya.
Hindi ko maiwasan mapailing. Kung ano-ano na iyong naiisip ko ngayon.

"Wala. Tinitignan ko lang kung kaya kong iunlock. Baka sakaling makatakas pa tayo dito."
Dahilan ko dito.
Sinulyapan ko muli ang relo nito at pasado alas otso na.







"Grade 12 students please proceed in the meeting room right now."

"Grade 12 students please  proceed in the meeting room right now."

"Grade 12 students please proceed in the meeting room right now."




Boses ni Maam Cza-cza iyon. Anong kailangan niya?

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang dalawang armadong lalaki.
May mga nakasukbit rin na shotgun sa kanilang balikat.




"LABAS!"



Sigaw ng lalaki.
Naalala ko ang tinig na iyon. Siya iyong nagrereklamo na mabigat si Grace.

Marlon ata ang pangalan nito. Napatingin ako sa aking katabi. Nag-uumpisa na siyang maglakad. Sumunod na lamang ako sa kaniya.

Bomb Capsule (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon