Eloira Pov:
Pagkalabas namin ng pintuan ay halos lahat kami ay nasa labas na. Napalabas rin siguro ang iba dahil sa ingay.
Pinagmasdan ko kung ano ang kaguluhan na nangyayari ngayon.Si Veronica at Mae. Sinasambunutan ni Veronica si Mae. Nakahiga na ngayon si Mae sa lapag at nakadagan sa kaniya si Veronica.
Gigil na gigil na sinasambunutan niya ito. Hindi naman makatayo si Mae at makagalaw dahil sa malakas na puwersa ni Veronica.
Pinipigilan ni Marlobie si Veronica at pilit na itinutulak ni Frankie si Veronica upang makatayo si Mae.
Nabuhat naman siya ni Marlobie ngunit hindi gustong magpapigil ni Veronica. Naglalaban pa ito sa mga bisig ni Marlobie.
Habang si Mae naman ay napayakap kay Frankie. Napahagulgol ito sa kaniya. Puro kalmot ang kaniyang leeg at braso. Gulo-gulo rin ang buhok nito.
Dinuro-duro pa ni Veronica ito habang pinagmumura. Galit na galit ito kay Mae na hindi ko alam kung ano bang pinag-awayan nila.
Lumapit naman si Wilson kay Veronica. Galit na galit ang mukha nito. Kilalang magkababata rin si Veronica at Wilson. Si Wilson ang itinuturing nitong matalik na kaibigan.
"Veronica enough! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo! Sinaktan mo pa ang girlfriend ko!" Galit na galit na sambit ni Wilson.
"So ako nanaman ang mali sa mata mo Wilson." Napatawa na lamang ng mapakla si Veronica.
"Hindi mo ba alam na niloloko ka lang ng babaeng iyan at ni Frankie!" Turo niya sa dalawa na gigil na gigil.
"Wilson nakita ko lang naman sila na naghahalikan. Hanggang ngayon ba bulag ka pa rin sa katotohanan?"
Hindi makapaniwalang tanong niya dito.Napatahimik naman si Wilson sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Ano Mae hindi ka pa rin ba aamin huh? Kitang-kita ko kung paano kayo maglandian!
Respeto naman! Kakabreak lang ng tao nilalandi mo na agad?
Ganun ka ba talaga ka desperada makuha siya? Ano sino pa ang bibiktimahin mo. Si Henry? Si Jr? O si Leonard? Napakakati mo Mae. Kung kani-kanino ka nagpapakamot!"
Gigil na sambit nito."Enough Veronica! Tumigil kana. Baka makalimot ako na kaibigan kita!"
Galit na galit na sigaw ni Wilson.Hindi makapagsalita si Veronica na para bang hindi siya nakapaniwala sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Mae totoo ba ang sinabi ni Veronica? May relasyon ba kayo ni Frankie?"
Walang emosyon na tanong nito.Halos mapuno ng katahimikan dito sa hallway ng second floor.
"JUST ANSWER MY DAMN QUESTION!"
Halos kilabutan ako sa pagsigaw nito.
Ngayon ay sobra ng galit ito.
Lalong napalakas ang iyak ni Mae. Humarap ito at tinignan si Wilson."I-m so so-rry Wil-son. I don-'t de-serve yo-u. I ha-ve an af-fair of my best friend. I-m so-rry."
Mangiyak ngiyak na sambit nito.Halos lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.Hindi pala chismis ang sinasabi ni Veronica.
Mabilis ang lahat ng mga pangyayari. Ngayon ay nagsusuntukan na si Frankie at Wilson. Todo awat ang mga kalalakihan sa kanila.
Walang gustong magpatalo. Lalong lumakas ang hagulgol ni Mae. Hindi niya rin alam kung paano awatin ang dalawa.
Nang halos mapagod sila sa pagsusuntukan ay mabilis na pinaghiwalay ang dalawa.
Sina Henry at Leonard naman ay nakahawak sa kamay ni Wilson. Pinipigilan nila ito na sumugod muli.
BINABASA MO ANG
Bomb Capsule (Ongoing)
Misterio / Suspenso"May bomba sa katawan ninyo na magiging dahilan ng inyong Kamatayan." Eloira Gracia_Disgrasya