3rd Pov:
Sunod-sunod na katok ang naririnig niya sa labas ng pintuan. Binuksan niya ito at iniluwa nito ang makisig na binata.
May malalaking pangangatawan at may nakakatakot na aura. Mabuti na lamang at sanay siya dito.
Hindi siya kailanman natakot sa kaniyang kaharap dahil matagal na niya itong kilala.
Nilapitan niya ito at sabik na niyakap."I miss you Kuya, Kumusta na kayo ni Ate Cza-cza?" Malambing na saad niya sa kayakap.
"Okay naman kami bunso. Masaya ang ate Cza-cza mo dahil natupad na rin ang matagal na nating plano. Pero pwede bang papasukin mo muna si kuya baka may makakita pa sa atin dito."
Bulong nito sa kaniyang kapatid."Ay sorry kuya. Excited much lang." Napahagikgik pa ito habang pinapapasok ito sa loob ng kwarto.
Ngayon ay nasa loob na sila at nakapamaywang naman ang dalaga.
"Kuya akala ko ba start na ng laro na inihanda natin sa kanila? Bakit may isang araw pa na pwedeng magsaya sila?" Nakabusangot na sambit niya sa nakakatandang kapatid.
"Tumawag kasi ang kapatid ni ate Cza-cza mo. Bigyan daw muna natin ng pagkakataon na maging masaya sila." Natatawang saad nito sa kaniya.
"Ibig sabihin ay handa na rin siyang harapin sila? Kailan siya babalik kuya excited na akong makita sya."
Tumatalon-talon pa ito na hindi maitago ang saya."Baka bukas o mamayang gabi daw bunso, pero syempre hindi siya magpapakita sa mga kaklase mo. Gusto niya lang na masaksihan ang paghihirap na daranasin nila."
Nasisiyahan na saad nito."Woooohh! Naeexcite na rin ako kuya.
Sana dumating na ang bukas.
Pumayag naman si ate diba na sa akin manggagaling ang tatlong pangalan ng papapatayin natin. Iyon yung wish ko sa kanya kuya eh.
Hey bro sino ang gusto mong unahin natin?"
Baling niya sa lalaki na abalang nakatutok sa laptop nito."Im busy little sis. Choice mo iyan. But i guest unahin natin si Darren. Mukang may nalalaman na iyong weirdong yun." Seryosong saad nito.
"Wag muna bro. Mas okay ngayon diba? Mas mababaliw sila kakaisip. Mas mapaparanoid sila."
Natatawang tugon ng dalaga."At tignan mo bro. Nagkagulo pa sila kanina. Hahaha! halatang-halata si Marlobie na may kinalaman rin siya.
Hmmp. Huwag muna sila. Nag-eenjoy pa ako sa kanila."
Hindi mawawala ang ngisi ng dalaga sa kaniyang labi"Sige na bunso mag-isip kana. Kaya nga ako pumunta rin dito para malaman kung sinong uunahin natin sa kanila."
"Hmmp.. May kinaiinisan talaga ako na mukha. Kapag nakikita ko kumukulo ang dugo ko.
Akala mo kung sinong mabait may tinatago namang landi sa katawan." Napairap pa ito habang sinasabi ito."So little sis who is that lucky girl?"
Saad nito habang nakatitig na sa kaniyang kapatid na itinigil muna ang pagtytype sa laptop."Bunso hindi ako pwede magtagal dito. Baka may makakita sa akin na kaklase ninyo. Ayoko naman magalit ang Ate Cza-cza niyo."
Napatingin na ito sa kaniyang relo."Okay fine kuya. Nakapagdecide na ako. I want too disappear that girl.
The one only Mae Santos. At gusto ko ganito ang mangyayari sa kanya."May ibinulong ito sa binata. Hindi mawawala ang malademoyong ngiti sa kanilang dalawa.
Kawawang Mae hindi siya kailanman maproprotektahan ng kaniyang mga kaibigan dahil kahit sila ay hindi makakaligtas sa kamatayan.
Wika nito sa kaniyang sarili."Mae Santos? Interesting. Oh sige makakaabot sa ate Cza-cza ninyo. Kailangan ko ng umalis at kailangan ninyo pa rin magpanggap na wala kayong alam. Huwag ninyong hahayaan na may makatakas sa kahit sinuman sa mga kaklase ninyo. Sige na aalis na ako. Huwag kayong gagawa ng eksena na ikakasira ng plano. Naiintindihan ninyo ba si kuya?"
BINABASA MO ANG
Bomb Capsule (Ongoing)
Mistério / Suspense"May bomba sa katawan ninyo na magiging dahilan ng inyong Kamatayan." Eloira Gracia_Disgrasya