Chapter 7: The girl outside

5 0 0
                                    

Eloira pov:

Nakadungaw lamang ako dito sa bintana ng kuwarto namin. Kanina ko pa pilit binubuksan ito pero hindi ko magawa.

Hinawi ko na lang ang kurtina nito upang matanaw ang labas.

Madilim na ang kalangitan.

Ang liwanag lamang sa labas ang nagsisilbi nitong ilaw.

Napansin ko rin ang malaking gate dito at natatanaw ko ang labas ng bahay puro matatayog na puno ang makikita lamang sa labas.

Marami rin mga armadong lalaki ang nakapalibot sa labas.

Malaya man kaming gumalaw dito sa loob ngunit hindi kami malayang lumabas dahil tiyak mapapaaga ang aming buhay.

Ito ang unang araw ko na ipagdiriwang ang bagong taon na hindi ko kasama ang aking mga mahal sa buhay.

Iyong kahit na konting salo-salo lang ay masaya na kami dahil ang mahalaga ay kompleto kaming lahat na sasalubungin ang panibagong taon.

Nangangamba akong salubungin ang panibagong taon bukas dahil ito na ang umpisa ng aming kamatayan.

Alam kong hindi nagbibiro si ma'am sa kaniyang mga plano. Ang plano niyang ubusin kami.

Nakapagpalit na rin ako ng damit.

Tama nga si Rebecca kompleto ang pangangailangan namin. Kanina ay may nakita rin akong uniform .

Ang uniform namin na iyon ay katulad ng uniform ng Grade 12 student sa Lebron University.

Sinuri ko ito dahil baka may kahina-hinala sa damit na ito ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.

Hindi ko lang malaman kung saan namin iyon gagamitin.

Mag-aaral rin ba kami dito?

Pinakain rin nila kami ng tanghalian kanina. Masasarap na pagkain ang hinain nila sa amin at mamaya daw ay sama-sama naming icecelebrate ang new year.

Parang wala ako sa wisyo para mag-celebrate.

Tsk!

Gusto lang naman nila icelebrate ang kamatayan namin para bukas.

Kanina ay pinipilit ko si Kier kung ano iyong ayaw niya na pagkain para nga makapagdumi siya kaso ayaw niya sabihin sa akin.

Namumula na naman ang mukha niya. Nahihiya ata siya pag usapang pagdumi.

Wala namang masama doon ah? Lahat naman tayo nagbabawas. Iniiwasan niya pa ako ngayon.

Naiinis na rin ako sa kaniya. Hindi naman para sa akin iyong ginagawa ko para iyon sa kapakanan niya at sa kapakanan ng lahat.

Para matanggal na ang bomba sa katawan nila.

Lahat sila nasa labas ng kuwarto. Ako lang ata ang nagmumukmok dito.

Pinagmasdan ko muli ang labas ng may maaninag ako na ilaw na galing sa isang sasakyan.

Isang itim na kotse.

Binuksan nila ang malaking gate at pinapasok ito.

Kanino naman ang kotse na iyon?

Nakita kong huminto na ito at unti-unting bumukas ang pintuan nito.

Hindi ko alam pero unti-unti nanaman akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Nakababa na ito ngunit hindi ko maaninag ang mukha nito.

Ang suot nito ay nakapaldang uniform na katulad ng suot namin sa Lebron University.

Para itong kapwa ko estudyante sa aming paaralan ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit suot niya ito?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bomb Capsule (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon