Ang kwentong ito ay pawang katuwaan lamang ng mga sumulat na sina neidxa at trojanietj. Karamihan sa mga karakter dito ay nakaka-halubilo halos araw-araw ng mga sumulat, ngunit ang mga kaganapan, lugar o panahon ay pag-aari lamang ng kanilang mga imahinasyon o ang mga ito ay purong hindi sinasadya.
Plagiarism is a crime.
All rights reserved. 2019
PANIMULA
🎭
3rd person P.O.V.
"May transfer tayo."
"Babae? Paniguradong magbestfriend kami kung babae 'yan."
"Baka naman lalaki. Jowain mo nalang."
"Shut up."
Nanahimik ang buong classroom nang pumasok ang first subject teacher sa klase−Mrs. Petalio. The teacher was followed by a short-haired girl. Hindi pamilyar ang walang kaemo-emosyon na mukha nito sa mga estudyante kaya naman napagisip-isip nila na ito ang bago nilang magiging kamag-aral.
"Everyone, this is Ms. Amber Andrade." Inilagay ng guro ang kamay n'ya sa balikat ng bagong estudyante. Humarap ang guro sa dalaga, "please introduce yourself." Sabi ni Mrs. Petalio.
Naghintay ang mga estudyante na magpapakilala ang bagong nilang kamag-aral ngunit hindi ito nagsalita. Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga estudyante kaya naman, "Alright. Ms. Andrade is a transfer student from Japan so maybe she can't introduce herself in English or Tagalog." The teacher laughed but the students stayed silent, "well, you may take your seat anywhere on those vacant seat." Itinuro ng guro ang dalawang bakanteng upuan sa harapan.
Dali-dali namang umupo ang bagong estudyante sa bakanteng upuan sa dulo, tabi ng bintana.
"Nakakaintindi naman ata siya ng english pero 'di marunong magsalita."
"Baka pipe siya. Hahaha."
"Hahaha. Siguro."
"Or maybe she's a creep, I'm taking my words back that me and her would be best friends."
"Okay! Enough with the talks. Let's start our first lesson for the second grading." The teacher announced and the class finally started.
Habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo ay biglang tumayo ang bagong estudyante. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan at hindi maipinta ang ekspresyon nito sa kaniyang mukha. Natigil ang lahat sa ginagawa nila at napunta sa kaniya ang atensyon. Hindi nagtagal, bigla nalamang ito namilipit at nagsisigaw sa sakit.
"Anong meron? Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ng guro, lalapit na sana s'ya sa dalaga ngunit tumakbo agad ito palabas ng kwarto.
Tumayo ang ilan at sumilip sa bintana, nagtataka sa nangyari.
"Miss Vice Pres., sundan mo nga siya." Utos ng guro na agad namang sinunod ng bise sa klase.
Hindi na ito isina-isip ng guro at ipinagpatuloy na lamang ang pagka-klase ngunit nandu-doon pa rin ang pagta-taka ng mga estudyante at ang guro sa dalaga. Nagsimula na-naman silang nagbulungan na parang mga bubuyog pero agad itong natigil nang bumalik na ang bise president kasama ang dalaga.
🎭
"Ano kayang nangyari ano?"
BINABASA MO ANG
The Last Section | UNEDITED
Mystery / Thriller'Sunod-sunod silang papatayin.' Isang Junior High School transferee si Amber Andrade galing sa bansang Japan. Sa tingin n'ya hindi ordinaryong dalaga ang nakaka-ramdam lagi ng kaba at takot sa mga negatibong sinaryong luma-lapag sa kan'yang mapanlin...