Amber's POV
"Ayos na ang lahat, Amber." Dumating sila Fiona kasama si Riza at Yezel. May dala silang laptop at mga damit na susuotin ng mga magkukunwaring pulubi.
Kumpleto na kaming lahat dito at hindi manlang ako nasabihan na meron pa silang isasama.
Sinama kasi ni Edward ang dalawa niya pang kaibigan at kaklase namin, si Francis at Patrick. Akala ko ba naman si Arvy lang 'yung pasabit ngayon?
"Here. These are called earpiece kung 'di mo alam," may inabot sa'kin si Riza, "mahal ang pagawa ko d'yan kaya siguraduhin mo lang na maibabalik mo sa'kin 'yan ng buo." Pagbabanta niya sa'kin, na para bang 'di talaga ako katiwa-tiwalang tao.
Hanggang ngayon malaki pa rin ang galit niya sa'kin. Hindi na ba mababago e alam na naman niya na hindi ako ang killer? Sabagay, matagal na ang samahan nila ni Shine kaya siguro hindi niya matanggap na baka ito pa ang dahilan ng kamatayan niya sa hinaharap.
"It is worked with a small mic with 2 meters range. So, you can tell us something when we are within that meters away." Dagdag pa ni Riza.
"Woah! In just 1 night?" Sabi ni Andie ng may pagkamangha.
It must have cost fortunes kung sa isang maliit na ganito ay may mic at speaker na.
"H'wag niyo ng alamin kung saang lupalok ng bansa ko 'yan pinagawa at kung magkano." Walang ganang sabi ni Riza. Hindi na namin siya pinansin dahil nakakahiya naman kung itatanong pa namin siya. Halata namang mamahalin e.
Nilagay ko na ito sa kanang tenga ko at gano'n din ang iba. Komportable ito sa tenga hindi tulad ng mga earphone dahil mas maliit ito.
Pinasuot na ni Fiona sa kanila ang mga damit pero hindi ito sapat para magmukha silang pulubi. Hindi dugyutin ang itsura, mayayaman kasi.
Riza and Fiona wore their homeless 'costume' as a disguise, ginulo 'yung mga buhok, nilagyan din sila ng mga uling-uling para mukhang natutulog lang talaga kung saan-saan. At tinapunan ng kung anu-anong mababahong bagay at ito namang si Arvy ang arte pa.
Aalis na kami lahat-lahat pero itong si Arvy nag-iinarte parin sa amoy at suot niya.
"Can I just wear my shoes, please?" Pagmamakaawa nito kay Andie habang hawak-hawak ang dalawa niyang sapatos at tinapat ito sa mukha ni Andie.
Pero busy si Andie sa pagbabasa sa mga tanong na ginawa namin na inilista sa isang maliit na papel.
"I'm not sure, ask Amber." Naiiritang sabi ni Andie habang kumakamot sa ulo niya.
Tumingin sa'kin si Arvy pero mukhang natakot siya sa'kin.
Lumapit si Fiona sa kaniya at hinablot nang mabilis ang hawak niyang sapatos.
"Sorry! Shoes are not allowed. Homeless people can't afford to buy converse shoes, Arvy." Sabi ni Fiona at saka nilagay ang mga sapatos sa dala-dala niyang paper bag.
"Come on let's gather up." Tawag ni Andie sa lahat.
Nang masigurong lahat ay nandito na, gumawa kami ng bilog para mas maayos tingnan.
"Yezel and the homeless dwarves. You go first and do your job well." Seryosong utos ni Andie. Pero nagreklamo lang ang mga lalaki dahil sa itinawag niya sa mga ito.
"Riza and Fiona, do not call the police without my instructions or Amber's, understood?"
Tumango lang si Fiona at Riza, "Huli kaming pupunta doon." Riza muttered.
Pagkatapos ni Andie magpaliwanag ay nagkaniya-kaniya na ang lahat sa pagpunta sa lugar na pinag-usapan.
Mabilis kaming nakarating dahil hindi naman gaanong malayo iyon at isang sakay lang naman ang kailangan upang makarating doon.
BINABASA MO ANG
The Last Section | UNEDITED
غموض / إثارة'Sunod-sunod silang papatayin.' Isang Junior High School transferee si Amber Andrade galing sa bansang Japan. Sa tingin n'ya hindi ordinaryong dalaga ang nakaka-ramdam lagi ng kaba at takot sa mga negatibong sinaryong luma-lapag sa kan'yang mapanlin...