Amber's POVAfter the quick alliance with Daniel the freak, we gathered up questions to ask. I made sure that from the questions we made there'll be no hints of clues of what we really planned to do. At this first work with Daniel we will only make sure that he tells all the truths.
"So here's what we're going to do." We found a small map of the abandoned building that we'll be using for the small talks with Daniel.
I encircled all the possible exits and entrances, just to make sure when the plan's corrupted.
"Woah, I didn't know Amber can draw." Rinig kong bulong ni Fiona kay Riza. Nag-tsk lang si Riza sa kaniya.
To be honest, si Andie talaga ang nagdrawing nito dahil siya ang may alam ng layout ng building. Ako lang nagplano ng mga bagay-bagay.
A while ago, Andie and I made the questions while Riza and Fiona prepared the back up plans. While Andie and I are doing our job with Daniel, the two of them will be the ones on the ambush atleast when Daniel tried to attack us. We can't be sure if he's not with Shine when we talk to him later.
"So, as you can see, the stairs are scattered all over the building and we'll have to walk a long wah to get to the top, the fourth floor. Hindi naman natin pwedeng gamitin ang elevator dahil wala namang gano'n sa mga abandonadong building." Panimula ko.
"Oh, it's just like a TV station. TV stations are built like this to make it harder for terrorists to take control of them." Sabi ni Fiona habang tinuturo ang mga hagdanan.
Ang hagdan ng first floor paakyat ng second floor ay nasa likod ng lobby. Ang paakyat naman ng third floor ay nasa bandang kaliwa ng building. Ang paakyat ng fourth floor nasa dulong bahagi ng hall sa third. Layo-layo ito at tama nga si Fiona, ganito nga ang design sa mga TV stations.
"Dalawa ang hagdan ang meron sa first floor paakyat ng second floor at gagamitin natin itong nasa likod ng lobby, ang pangalawa namang hagdan ay nasa tabi nitong comfort room." Pagbibigay alam ko sa kanila sabay turo sa comfort room. "Pang emergency lang ito dahil mas malapit ang isang 'to sa exit door sa likod ng building doon tayo magkikita-kita mamaya kapag may nangyaring 'di maganda."
Sabay-sabay silang tumango sa akin. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko.
"Sa second floor, liliko ka pakanan at didiretsuhin mo ang hallway at doon sa dulo makikita itong hagdan paakyat ng third floor. Tapos sa fourth floor, kung saan tayo kakausap kay Daniel, may janitor's room dito banda sa gawing kanan kapag nakaharap ka sa hagdan. Sa loob niyan may kwarto paakyat ng rooftop. Gusto kong magdala kayo ng magagaling sa atin sa pag blend sa environment."
"Ha? Kailangan pa no'n?" Tanong ni Riza.
"Gusto kong may magvoice record at mag video ng patago. Hindi naman kami pwedeng magdala ng cellphone dahil napag-usapan na walang kahit anong dala kundi sarili lang namin." Paliwanag ni Andie.
"I know someone who's an expert when it comes to spying." Fiona grin.
"Edi tara puntahan natin. Do'n nalang natin sa kanila pag-usapan 'yung ibang gagawin." Excited na sabi ni Andie at pinulot lahat ng gamit namin na nakalapag sa lamesa.
~*~
"Tao po! Nandiyan po ba si Yezel?" Tanong ni Fiona sa bumukas ng pinto na kinakatukan namin.
Kasalukuyan kaming pumunta sa bahay ng isa pa naming kaklase, si Yezel. Fiona recommended her. Expert kuno daw. Wala naman na kaming masiyadong oras para maghanap ng professionals kaya subukan na namin ito.
"Ahh, mga kaklase ba kayo ni Yezel? Nasa kwarto niya 'yon nagkukulong, busy ata sa bagong article na ilalabas niya sa school newspaper." Sabi ng may bahay.
BINABASA MO ANG
The Last Section | UNEDITED
Mystery / Thriller'Sunod-sunod silang papatayin.' Isang Junior High School transferee si Amber Andrade galing sa bansang Japan. Sa tingin n'ya hindi ordinaryong dalaga ang nakaka-ramdam lagi ng kaba at takot sa mga negatibong sinaryong luma-lapag sa kan'yang mapanlin...