Chapter 6 : An Ally or An Enemy?

64 21 18
                                    

Amber's POV

It's been 3 days since the confrontation at sa tatlong araw na iyon walang ni isa ang namatay sa klase namin. Sa tatlong araw din na iyon nalaman nalang namin na sinuspende ang klase namin. Alam na ng buong paaralan ang nangyayari sa amin, sa classroom namin, and the higher ups are doing their best to hide our secrets.

Pero pakiramdam namin ay isinasawalang-bahala ng paaralan ang mga nangyayari. Siguro ba ay dahil nasa last section kami? I agree we don't have the brains pero hindi naman kami tanga para hindi maramdaman ang pagsasawalang-bahala nila sa amin. Of course we are humans too, merong nararamdaman.

They're really selfish. Ang sabi sa tarpaulin na naka dikit sa gate ng school ay No.1 priority ang mga estudyante sa paaralan pero anong tawag nila sa sitwasyon namin ngayon? Gano'n na ba kami kawalang kwenta sa kanila? Kung ayaw nilang ipaalam sa labas ng school ang nangyayari dito then that only means one thing. Inaalagaan nila ang pangalan ng paaralan.

Ang sama nila.

The kids are dying. Everyone are dying at hindi nila inaaksyunan ito. Pinababayaan lang nilang maubos kami at hindi nila pinapaalam sa pulisya just to save the school's name. Mas mahalaga pa ang reputasyon nila kaysa sa buhay ng mga estudyante. Are they out of their minds?

Nakakatangina para sa isang kagaya ko na nakakawitness ng walang katapusang patayan. Fuck this whole shit! Fuck the higher ups! Fuck this school! Fuck their reputations! Fuck everything!

Now I know why some teenagers want to leave Earth. It's just because life here is cruel.

Kasalukuyan, inimbitahan ako at si Fiona ni Andie na kumain sa labas. Nagtaka nga ako kung bakit si Fiona ang sinama niya at hindi si Daniel but then I remembered that Daniel has something to deal with the school's higher ups tungkol sa mga nangyayari sa'min as the class' president.

Anyway, Andie wanted to discuss about something like a change of plan. 'Yung planong matagal na naming pinag-usapan... naming dalawa lang. May mga bagay daw na kailangang baguhin.

I don't know why all of a sudden she will change the plan. Maybe because of the threat the killer has sent us? Or maybe because the killings has stopped ever since Jervis' ear was cut off. I got the feeling that Jervis is still alive and breathing, but not saying he was fine.

"So, why so sudden?" Fiona asked Andie as she took his seat. Kakain kami ngayon sa hindi kilalang Japanese restaurant, kahit ako 'di kilala 'to e.

"I miss you both." Sagot ni Andie sabay pout.

Nandiri naman si Fiona sa sinabi at ginawa ni Andie pero alam kong nagjojoke lang ito kaya nanatili lang ako walang reaksyon. Pero aaminin ko nandiri ako do'n ah.

"Stobh it! Are you giving me an instant headache?!" Reklamo ni Fiona at may pahawak-hawak pa sa ulo niya.

"Joke lang! 'To naman 'di na mabiro, kaporket na nominate ka lang as 'Year's Best Female Student' sineseryoso mo na kaagad ang lahat ng bagay." Pakunwaring hinampas ni Andie si Fiona sa braso nito bago umupo sa napili niya upuan.

Nagpatuloy ang kulitan nila na parang walang mabibigat na problemang pinapasan hanggang sa dumating si Riza dala ang mga pagkain na inorder namin.

Yes, kasama namin si Riza at siya na ang nagvolunteer na oorder ng pagkain namin. Kahit labag sa kalooban kong isama siya ay wala na akong magagawa dahil si Andie ang nag imbita dito at ililibre niya lang ako. And yes, I came for the free foods. May duty pa 'ko sa computer cafe na pinagtatrabahuhan ko mamayang hapon kaya gusto ko sanang sulit-sulitin ang buong tanghali sa unit ko kaso mapilit si Andie. Sakto wala pa akong sweldo sa kahit anong trabahong sinasideline-an ko kaya walang pera pang kanain.

The Last Section | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon