Chapter 3: Assist

88 27 9
                                    

Amber's POV

Present day...

Napagkaalaman ko na bago pa mangyari ang mga ito ay merong namatay na former classmate sila Andie noon. Her name's Mariel Perera. Sabi na nga din ni Andie na namatay na ito bago pa man ako dumating, in short pamalit lang ako sa classroom na ito. Siguro kahit sa mundo rin na ginagalawan ko, isa lang akong replica ng taong nawala sa kanila.

Napabangon ako nang biglang tumunog ang phone ko na nasa tabi ko lang sa kama.

Isang unknown number. Sinagot ko ito at nagulat nang biglang sumigaw ang nasa kabilang linya.

"AMBER! Si Andie 'to! May urgent meeting tayo."

~*~

Papunta ako ngayon sa malapit na coffee shop. Sabado ngayon at tumawag sa akin si Andie para daw sa pag-uusapan namin na tungkol sa dati nilang classmate na si Mariel. Ayaw ko sanang sumama pero mapilit si Andie at sinabing ako daw ang pinaka-kailangan sa meeting.

Nakakainis, itong araw kasi sana ang araw ng pagpapahinga ko dahil bukas ay Linggo at may papasukan akong part-time job para may pera akong maipapambili ko ng pangangailangan sa pang-araw-araw.

Pero mukhang ang Sabadong ito ay hindi ako makakapagpahinga at pakiramdam ko pa ay magtutuloy-tuloy na ito dahil sa mga nangyayari sa classroom namin.

Nakarating na ako sa coffee shop na sinasabi ni Andie. Nakita ko siya sa loob nito na kumakaway-kaway pa sa akin. Nakita kong katabi niya sina Daniel at ang iba pang class officer na may kaniya-kaniyang ginagawa.

"Good Mornin', Amber."

Tinanguan ko lang si Mr. President na nakangiti sa akin bago umupo sa upuan na kinuha lang nila sa kabilang table. Ramdam ko namang pasobra lang ako sa kanila ngayon dahil pati ang upuan ko ay kinuha lang sa ibang table. But let's not be negative, siguro kaya pasobra dahil special ako.

"Finally, our squad is complete now!" Masayang hiyaw ni Andie, "now I'm going straight to the point."

Squad? There's no squad that I'm in. Ni hindi nga ako talagang pumayag na sumali dito. Napilit lang talaga ako.

Bago pa man siya makapagsalita ulit may waiter na naglapag ng mga inorder nilang kape sa mesa namin. Nang mailapag na nito ang mga inorder ay agad rin itong umalis.

"As I was about to say, dahil Sabado ngayon..." Tumawa muna ang bise na parang baliw bago pinagpatuloy ang sasabihin, "we're going to throw a slumber party tonight! The whole class is invited. Isn't that great?!"

Napabuntong-hininga naman kaming lahat sa sinabi niya. Seriously? Slumber party tapos mamaya nang gabi? Ano siya, hilo?

"Unbelievable." Bulong ni Fiona sa sarili niya bago uminom sa kape niya.

"Wait, why are you throwing a party? Hindi ako pwedeng magslumber party mamayang gabi dahil bukas din ng umaga pagkagising na pagkagising ko ay may pupuntahan pa ako." Pag-angal ko sa slumber party ni Andie.

Kj na kung kj pero pera muna pambuhay ng sarili ko ang inaatupag ko. Tatlong trabaho ata 'tong papasukan ko bukas, aba.

"Easy, Amber." Natatawang sabi ni Daniel. "Meron kaming dahilan kung bakit kailangan nating gawin ito."

Saglit na may kinuha si Daniel sa bag niya na nasa likod niya bago humarap ulit sa akin. Nilapag niya sa mesa ang isang picture na black and white.

Lumapit ako dito at 'di ko mapigilan ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang kabuuan nito.

"Teka? Si Ryza Alisoso 'yan 'di ba?" Gulat na tanong ni Russell. Kinuha nito ang litrato at tinignang mabuti, "hala, si Ryza nga!"

"Shhh!" Pinatahimik ni Andie si Russel, "'wag ka ngang maingay!" Sabi pa n'ya. 'Kala mo naman 'di maingay.

The Last Section | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon