Chapter 2 : Death

113 25 10
                                    

Andie's POV

2 days before the first killing...

Nakangiti kong binabati pabalik ang mga estudyanteng bumabati sa akin habang dumadaan ako sa hallway, kahit 'di ko kilala nginingitian ko. Some are gossiping and some are throwing their fake smiles at me. Those plastic trashes.

'Di ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa gilid ko.

"Alam niya na ba?"

"Mukhang 'di pa. Tingnan mo parang wala lang nangyari."

Wala naman akong naintindihan sa pinag-uusapan nila kaya umasta nalang ako na parang walang narinig.

Malapit na ako sa classroom namin ng makita ko si Mrs. Flores nagmamadali. Tinawag ko siya pero mukhang 'di niya narinig dahil maingay dito. Tumakbo ako papunta sa kaniya.

"Mrs. Flores! What's the rush?" Napatingin ako sa pawisan niyang noo at 'di mapakaling mata.

"W-wala lang 'to. Andie, p-pumasok ka na, sabay na t-tayo." Nauutal-utal niya pang sabi habang palingon-lingon sa likod niya. Napansin ko rin ang mabibigat na pag-hinga niya.

Magtatanong pa sana ako pero mabilis itong naglakad papasok ng classroom. Sumabay na rin ako at nanibago sa nakikita't naririnig ko. Sa karaniwang araw maingay at magulo ang buong klase pagpasok na pagpasok mo pero ngayon sobrang tahimik at halos lahat nagbubulungan lang kung magsalita. Sobrang down ng atmosphere.

"Andie, have you heard the news?" Malungkot na tanong sa akin ni Louiellabelle, classmate ko.

"Anong balita?" Bigla akong hinila ng isa ko pang classmate, si Shine.

"'Wag kang umastang parang walang alam, Ms. VP. I know you already know about this." Namamaga at namumula ang mata nito para bang kakagaling lang sa pag-iyak. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa uniporme ko kaya dahan-dahan ko iyong tinanggal.

"Woah, woah! Kalma lang, Shine, 'di pa katapusan ng mundo." Mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak sa'kin at tinakpan ng dalawa niyang kamay ang mukha niya.

"It's already the end of my world, Andie! Wala na si Mariel at walang nakakaalam kung paano siya namatay! How could I be calm?!" Natulala at napatigil ako sa mga sinabi niya. Teka? Mariel's dead? Since when?

"Kanina lang madaling araw, Andie." Malungkot na sabi niya na para bang nababasa ang mga nasa isip ko. "Dapat alam mo ang mga bagay na 'to, Ms. Vice President, ikaw pa naman 'yong binoto ko."

Nagsimula nanaman siya sa pag-iyak at padabog na umupo sa upuan niya at sabay na pinatatahan ng mga kaibigan niya.

W-wait. How did Mariel died? Magkasama lang kami kahapon at normal lang naman ang lahat.

Nagsalita na sa harap ng classroom si Mrs. Flores kaya naman nagsi-upo na kami sa upuan namin. Ikwinento niya ang nangyari sa kamag-aral namin na si Mariel at gaya nga ng sinabi ni Shine walang nakakaalam kung paano ito namatay? Ano 'to, mahika lang? Hindi posible 'yon! There must be something happened kaya ganon na lang kung paano itago ang pangyayari sa amin.

~*~

Kanina pa nag-uwian at kasalukuyan kong hinihintay dito sa bus stop si Mr. Class president Daniel Fabillar. Hindi ko siya naka-usap kaninang mga class hour dahil busy na naman ito sa mga bagay kasama ni Mrs. Flores na hindi ko naman trabaho, it might be something to do with the SSG Council. Maya't-maya'y napapatingin ako sa relos ko sa kaliwang kamay ko.

Ang tagal naman ng baklang 'yon. It's already 5 o'clock at kanina pa akong 4:30 naghihintay sa kaniya dito sa bus stop. Hindi na ko makapagtimpi kaya sa panglimang pagkakataon ay tatawaganan ko na ulit sana siya nang biglang nagpop-up ang isang message notification galing sa kaniya.

The Last Section | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon