AMBER'S POVAfter the talks with Daniel, we decided to talk to Jervis and Karl right habang 'di pa sila nabobored sa nilalaro nila. Kanina palang naririnig na naming sumisigaw si Jervis dahil siguro nananalo na siya sa nilalaro niyang Tekken 7 at si Karl naman tulala lang sa couch habang kumakain ng piattos.
Parang wala lang nangyari para kay Jervis ang sigla-sigla niya. Imbes na malungkot para pa nga siyang nanalo ng sandamakmak na lottery car.
Nilapitan sila ni Daniel.
"Hey, can we talk for a second?" Not that we are disturbing them but this is what they came for, right?
"Oh, sure." Sagot ni Karl pagkatapos ay sinenyasan niya kaming maupo. Pinause naman ni Jervis ang nilalaro niya at nilapag sa sahig ang controller bago nakangiting humarap sa akin.
Pathetic.
"Karl, Jerv, alam naming natutulog kayo sa mga oras na 'yon but care to share who is the first one to find out the corpses of our classmates?" Tanong ko kaagad sa kanila. Nangunot naman ang noo ni Jervis habang si Karl naman ay mabilis na itinaas ang mga kamay niya.
"I was awaken by loud noises na parang may kumakalabog at mga gamit na nababasag and also from a girl's scream turns out it was Shine's, nataranta naman ako kasi mukhang nangangailangan siya ng tulong dahil sa tunog ng pagsisigaw niya. Gigisingin ko sana si Ramel na nasa tabi ko nakahiga pero nagtaka ako dahil may nakita pa akong isa pang taong nakahiga katabi nita. Nakakapagtaka dahil natulog akong kami lang ni Ramel ang magkatabi sa sahig pero si McJames ay natutulog rin sa tabi niya. I mean, ayaw niya ba sa kama matulog? Mas komportable kaya doon."
Naiintindihan ko naman ang mga kinekwento niya. Napatingin ako kay Daniel na seryosong nakikinig kay Karl at sunod naman na napatingin kay Jervis na nilalaro ang mga daliri niya habang nakatingin rito.
"Ginising ko kaagad si Ramel na katabi ko nagulat nalang ko nang may para akong basang tela na nahawakan at 'yon nga, Ramel was already dead. Nagsimula rin no'ng mga segundo na 'yon na umalingasaw ang napakasangsang na amoy, sa takot ko ay tumayo ako at nilapitan si McJames na katabi lang ni Ramel na akala ko'y mahimbing na natutulog pero napasigaw nalang ako sa nakita ko. McJames' throat was slitted." Lumunok muna si Karl ng laway niya bago magsalita ulit.
"Dahil sa sigaw ko nagising si Jervis, natagalan pa kaming puntahan kayo dahil gulat na gulat at takot na takot kami sa mga nangyayari."
Tinanong ko lang naman kung sino unang nakakita sa mga patay pero mukhang binigay niya na lahat ng detalye.
"Plus, natakot kami na baka nasa labas pa 'yong killer at hinihintay na lumabas kami. Pero naisip naman namin na hindi nagaabang ang killer dahil nga may nangyari sa itaas at naisip namin na baka naroroon ang killer." Pagdadagdag ni Jervis.
Bumuntong-hininga siya at tumingin sa sahig. Napatingin din naman ako sa sahig.
Nice acting skills. But let's see who does it better.
'Di na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na nilapitan si Jervis. Hinawakan ko siya gamit ang dalawa kong kamay sa palapulsuhan at kamay niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil napaatras siya.
With my blank stares tinitigan ko ang mga mata niya. Kinunot ko ng kaunti ang noo ko, paawa epek kumbaga.
"Jerv, me too and Daniel are sad and scared, but don't worry, matatapos rin natin ito with the help of these real deals. Matatapos rin ang mga 'to." Malungkot na sabi ko sa kaniya. "So don't worry, as long as Andie is alive there will be hope because she's the one who has good plans."
Ngumiti siya ng mapait sa'kin.
Malungkot man ang mga ngiting pinapakita niya pero hindi madaling itago ng mga mata mo ang tunay na nararamdaman mo. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya.
BINABASA MO ANG
The Last Section | UNEDITED
Bí ẩn / Giật gân'Sunod-sunod silang papatayin.' Isang Junior High School transferee si Amber Andrade galing sa bansang Japan. Sa tingin n'ya hindi ordinaryong dalaga ang nakaka-ramdam lagi ng kaba at takot sa mga negatibong sinaryong luma-lapag sa kan'yang mapanlin...