MGG 1
"Aphrodite! Ang ganda ganda ng umaga ko, kaso nakita na kita wala na panget na!" boy 1
"Kung anong kinaganda ng pangalan mo, Kinapanget mo naman!" Girl 1
"Tama na nga yan girl! Baka nasasaktan na si aphrodite. Dyosa kaya iyan" Girl 2
Ilan lang yan sa mga bulung bulungan na narinig ko habang naglalakad ako sa corridor. Kalagitnaan na ng school year. Konting tiis nalang Aphrodite
"Umalis ka nga dyan sa dinadaanan ko aphrodite, Hindi ka nakakaganda sa dadaanan ko e" Sabi ni Gaia. Gaia Buenaventura. Kung tutuusin, walang wala lang ako sa taong 'to. Kumbaga kung siya nasa pinakatuktok ako konti nalang nasa pinaka ibaba na. Matalino, maganda, mayaman. Pero kung sa ugali naman masasabi kong mas lamang ako sakanya. Hindi kasi ganon kagadahan ang ugali nya.
"Tama na yan, Gaia. May kailangan ka sakin diba? Tara na" Sabi ni Nyx. Nyx Thomas. Isa pa 'to sa mga pinakamataas na tao dito sa school na 'to. Siya si Nyx Thomas, ang anak ng may ari ng eskwehalan na 'to. Ang Thomas High. Gwapo, Mayaman, Matalino, at Suplado pero madaming nagkakagusto sakanya. Sa gwapo nito ay gugustuhin ko na din magkagusto sakanya pero hindi. Hindi dapat pero hindi naman sya ang tipo ko. Inirapan nalang ako ni Gaia tsaka umalis na sila ni Nyx.
Pumunta ako sa Library namin para magbasa, Break time na namin ngayon. Kulang na yung pera ko kaya naisipan kong wag nalang kumain. Kinuha ko ang unang librong napansin ko. Pumunta ako sa lugar kung saan mas kokonti ang tao at mas tahimik. Mas gusto ko 'to. Mabuti nalang at wala kami masyadong iqquiz.
"you gave me a forever within the numbered days and I can't tell you how thankful i am for our little infinity” Pagbabasa ko sa usong usong the fault in our stars. Maganda 'tong story na 'to. Kumbaga, wagas na pagmamahalan.
Dumating ang uwian at hindi na ako nagtagal sa school. Syempre ano pa bang bago, Nabully na naman ako ng mga classmates kong matataas ang tingin sa sarili. Wala na akong magagawa doon. Mabuti nalang at habang naglalakad ako palabas sa campus namin ay walang nangyaring masama. Tumingin ako sa langit at sobrang dilim nito. Para bang uulan sya ng di oras. Habang naglalakad ako, hindi ko namalayan na may kanal pala kaya nahulog ako don at kung mamalasin nga naman ay mali pa ang pagkakahulog ko.
Nakatingin sa kawalan habang tinatangay ng malakas na hangin ang aking magandang buhok. Charot lang. Naglalakad ako pauwi saamin ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya eto ako ngayon at basang basa sa ulan. Kung mamalasin ka nga naman oh. Nabalian na nga ng buto, Naligo pa sa ulan! Pero ayos lang yon, mahina na din naman tulo ng gripo sa bahay libreng ligo na 'to.
Ako si Aphrodite Pysche Meneses with a Smith. Laping pitong taong gulang na at nakatira sa skwaters area. Hindi kami mayaman. Halata naman sa tinitirahan namin ng aking magulang at dalawang nakababatang kapatid. Obviously, Panganay ako. Ako na din ang syang nagpapaaral sakanila.
Anak ako ng nanay ko sa isang British. Mampipikot na lang ang nanay ko ng Britanyo ung iiwan pa kami. Hahaha pero kahit ganon ang buhay masaya kami.
Itsura ko? Yung buhok ko ay parang kulay orange na kuminsan ay nagmumukha ding brown. Mahirap ipaliwanag. Ginger ang tawag nila saakin dahil na rin sa kulay ng buhok ko. Ang abnormal ng buhok ko diba. Hindi ko naman magawang magpakulay. Pangkain nga ay kinakapos kami makapagpakulay pa kaya ako ng buhok! Edi nagutom naman ang pamilya ko.
May berde din akong mata. At mga freckles sa mukha. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging itsura ko. Sabi ng nanay ko lahat daw ng katangian ng tatay ko ay kuhang kuha ko. Sabi din naman ng nanay ko ay maganda ako pero hindi ko malaman kung saang banda.
"I'm home!" Sigaw ko pagkapasok sa aming munting mansyon. Ang ganda ganda talaga ng mansyon namin. Mabuti nalang at walang tumatamang malakas na bagyo sa lugar namin kung hindi panigurado akong sa kalsada ang ending namin!
"Ate naman, kala mo naman nasa mansyon maka 'I'm home'" Siya si Sean. Ang Pangalawa kong kapatid na lalaki. 7 taong gulang na 'to. Hindi kami tunay na magkapatid. Anak siya ng nanay ko sa pangalawa nyang asawa. Si Crisostomo, Iniwan din nya ang nanay ko at naghanap ng ibang asawa. Mabuti na nga lang din yon at umalis na din ang mokong na 'yon! Puro pasakit kaya bitbit saamin non.
"Ate pasalubong?" Siya naman si Sheila ang bunso naming kapatid. 5 taong gulang palang. Nung panahon na bumabalik si crisostomo saamin nabuo nila itong si Sheila. Ewan ko ba sa nanay ko. Ang daling mapikot. Pero mahal na mahal ko 'yon kahit ganoon. Lumuhod ako para mapantayan ko si sheila, dahil sa edad nyang yon ang liit liit nya.
"Sorry Sheila, wala pasalubong si ate. Naabutan kasi ako ng malakas na ulan at hindi na ako nakabili." Pagdadahilan ko dito pero ang totoo ay wala akong natirang pera sa baon ko ngayon dahil sa dami ng binayaran ko. Mabuti nalang at sabado bukas para makapagtrabaho ako ng mas matagal.
Pumasok ako sa kwarto ko este namin para makapagpalit ng dami dahil papasok na ako sa trabaho ko. Sa isang Coffee Shop lang sya. Lumabas din ako kaagad para magpaalam. Sakto naman na naabutan ko si mama.
"Ma, Papasok muna ako ha. Naubos na po kasi ung ipon ko. May pangkain pa po ba 'tayo? Utang muna po kayo kay manang selya kung wala na po. Sa swelduhan ko nalang po kanyo babayaran. Kayo na po munang bahala dito ha." Sabi ko kay mama. "She, sean, una na muna si ate ha. Kayo muna bahala dito kay mama"
"Sige anak, magiingat ka ha." Niyakap ko si mama at umalis na. Habang naglalakad ako sa eskinita, hindi ko mapigilan ang hindi magisip. Ano ba talaga ang itsura ko? Ganoon ba talaga ako kapangit para ganunin nila sa eskwelahan? Ni wala nga akong kaibigan e. Puro libro nalang madalas kong kaibigan. O kakausapin nila ako kapag may kailangan sila.
Sabagay, sino bang may gusto kumaibigan sa isang babaeng galing sa skwaters. Isang babaeng anak ng isang british pero sa kasamaang palad hindi na kilala. Tumingin ako sa salamin na nakuha ko sa bahay namin. Nakabraid lang ang buhok ko, may mga baby hair na nakalaglag at syempre kahit pagabi na, kapansin pansin padin ang kulay ng buhok ko. Kapansin pansin din ang mata ko. Ulit, sa pagdedescribe ko sa sarili ko. Siguro nga ay hindi ganon nila nagugustuhan ang itsura ko. Siguro kaya wala kong kaibigan ay dahil sa panget na ako. Mahirap pa kami
At ito, ang storya kung paano ako tinawag na ginger girl.
-
A/N: No prologue sorry. Try ko lang ulit gumawa ng bagong story. Sana may magbasa.
BINABASA MO ANG
My Ginger Girl
General FictionThis is a story of a Girl named Aphrodite Meneses. A girl with ginger hair.