MGG 2

205 8 0
                                    

MGG 2

Nakarating ako sa Midnight Coffee Shop na pinapasukan ko. 7pm ang duty ko at may isang oras pa ako para magpahinga. Kinuha ko ung hiniram kong libro sa library ng school. Eleanor & Park. Sa tingin ko naman ay maganda iyon. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nakapasok sa Thomas High gayong wala naman kaming pera. Syempre para saan pa ang scholarship. Isa din ako sa Dean Lister kaya hindi ko kayang sirain ang tiwala nila saakin. Sinimulan kong basahin ang Eleanor & Park. Habang binabasa ko 'yon naisip kong may pagkakahawig pala kami ni Eleanor. Dahil tulad ko, Eleanor is also a red-haired girl. Kakaunti palang ang nababasa ko ng tawagin na ako ng boss namin. 7 na pala. Ang bilis lang lumipas ng oras.

"Aphrodite, Tara dito! Tingnan mo ung mga 'yon o. Ang gwapo gwapo" Siya si Diana Santos. Isa sa mga close friend ko dito sa MCS. Maganda sya kung tutuusin, iba ung ganda nya hindi ung gandang magsasawa ka agad. Bestfriend na din ang turing ko sakanya pero hindi tulad ko na swinerte dahil hindi sya nakapasok sa Thomas High. Tiningnan ko kung sino yung tinuturo nya. Saktong pagtingin ko sa direction nila ay ang pagtingin naman din nila sa may counter. Kung hindi ako nagkakamali, grupo yon nila Nyx. Ang malas ko naman.

"Ah, Oo gwapo nga iyang mga yan. Sa school sila nagaaral." Sabi ko naman dito. "Ung isang lalaking nakataas ang buhok at naka white v-neck shirt ay si Nyx Thomas. Suplado yan pero nararamadaman kong mabait naman sya. Yung naka polo naman na blue, ay si Phoenix Jones, Makulit yan tapos masayahin. Mabait din yan. Minsa na nyan akong tulungan sa school nung inaaway ako. Yung black shirt naman at may red hair ay si Sphynx Beaufort. Half french Half fries jokee. Siya na ata ung pinaka masungit sakanila at hindi mo makakausap dahil sa sobrang tahimik at mysterious. Napakahirap din nyan pangitiin dahil hindi ko pa sya nakikitang ngumiti" Pagdedescribe ko sakanila kay Diana. 

"Ang hot naman nila. Hihi. Sige na, Aphrodite kunin mo na ung mga order nila." utos sakin ni Diana kaya wala ako nagawa kundi sundin sya. Sa cashier kasi sya nakatoka at ako sa pagseserve. Habang papalapit sakanila ay kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ni Sphynx ay hindi ko mapigilan kabahan ng sobra.

"Hi, Goodevening sir. Can I take your order?" Sabi ko sakanila at hindi ko pinahalatang kinakabahan ako. 

"Hi Ginger, Ikaw pala yan. Part time Job?" Tanong saakin ni Phoenix sabay ngiti. Siya na din ata ung pinakamabait sakanila. Siya kasi ung madalas pumapansin sakin na walang halong pangaasar. Ngumiti ako sakanya at simpleng tumango. Ngumiti naman ito pabalik dahilan kung bakit lumabas ung dimples nya. Binigay nila sakin ung order nila at bumalik na ako sa counter para iabot naman ni Diana ung order nila sa chef. Hindi lang naman puro coffee or drinks dito sa MCS, Kumbaga kung may main dish may main drink at iyon ung coffee. We also serve heavy meals and light meals. Nang inabot na sakin ni Diana ang inorder nila ay bumalik ako sakanila para iserve sakanila ang pagkain nila.

"Thanks Ginger, Bakit hindi mo kami samahan?" Sabi naman ni Nyx. Tama nga ako mabait nga sya. Ngumiti ako sakaniya at umiling.

"Hindi po pwede samin yon. If you'll excuse me, mauna na po ako tawagin nyo nalang po kahit sino sa waiter namin kung may kailangan pa po kayo. Enjoy your dinner sir" Pinasadahan ko sila ng tingin at napansin ko si Sphynx na binabasa ang Eleanor & Park. Mahilig din pala sya magbasa ng love story. Wala sa itsura nya ha. Umalis na ako bago pa niya ako mapansin. Takot ko lang sakanya. hahaha.

Pinagmasdan ko sila habang kumakain, madami naman kaming nagseserve dito kaya hindi masyado mahirap kahit madami ang kumakain. 

"Ang pogi nila no? Lalo na yung Phoenix. Pero mas gwapo yung Nyx" Sabi ni Diana sakin at tumabi. 

"Ah oo, gwapo naman sila lahat. Si Sphynx din sana kaso ang sungit hindi man magawang ngumiti kahit sandali lang." I imagined myself making spyhnx smile. Ha, bat ko ba naman iniisip ung ganong bagay. Haha

"Crush mo si Sphynx no?" Panunukso sakin ni Diana kaya agad ko syang pinatahimik dahil baka may mga makarinig sakanya.

"Hala, wala nga sa dictionary ko ang magcrcrush e. May mga tao pakong bubuhayin kaya wala pa sa isip ko yan. Tsaka na kapag maayos na ang buhay namin. Atsaka, sa itsura ko ba namang 'to may magbalak pa kaya manligaw. Wala no. Kaya manahimik ka pa dyan baka may makarinig pa sayo at isiping totoo ang sinasabi mo" Sabi ko naman dito.

Alas nuwebe na ng matapos ang duty namin ni Diana. Magsasarado nadin ang MCS dahil hanggang 11:30 lang naman talaga iyon bukas. Inayos namin ang buong lugar para sa pagsasarado.

"Aphrodite, eto daw ung sweldo mo sabi ni boss. Binigay nya na din ung sweldo ko ngayon. Tumaas nga e dahil daw maganda ganda ung takbo ng MCS ngayon. O sya una na ako ha. Inaantok na din kasi ako. May duty na naman tayo bukas. See you." Paalam nito sakin tiningnan ko ung sobre na may laman ng sweldo ko.  Tumaas nga ung sweldo namin. Siyam na libo ang sweldo namin buong linggo. Hindi na masama. Mas tumaas pa nga kung tutuusin. Ang bait talaga ng boss namin. Minsan nya na din daw kasing naranasan ang maging mahirap at magpart time job dahil sa hirap ng buhay nila noon. Kaya hanggang kaya nya ay tinutulungan nya kami.

Umuwi na ako sa bahay. Pag nakaahon na kami sa buhay, Aalis na kami sa lugar na 'to. Kaya gagawin ko ang lahat makaahon lang kami dito. Tiningnan ko ang pamilya ko. Si Mama, Si Sean, Si Sheila. Gusto ko silang iaalis sa lugar na 'to. Ayokong lumaki sila na ganito ang nakasanayan. 

Tiningnan ko ang pipitsugin kong cellphone para icheck kung may nagtext man na importante. Malay naman natin biglang maghimala at itext ako ng mga tiga campus at bawiin na nila ang pambubully nila sakin. Hahaha. How I wish. 

May isang text message akong napansin. It was from unknown number.

From: +63922xxxxxxxx

Goodnight Ginger, It was a long a day for you. I hope we'll see each other in my dreams. Always remember, I'm always here for you no matter what. I'll be your Park and you'll be my Eleanor. Goodnight. :)

- S'PS'B

HIndi ko mapigilan ngumiti kahit na hindi ko alam kung sino yon. I wonder how he knew Eleanor and Park. Ang sarap pala sa feeling ng may nagcacare sayo pero nakakatakot sa feeling ung hindi mo kilala kung sino sya.

My Ginger GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon