MGG 5

123 4 2
                                    

Ito yung unang araw na haharap ako sa maraming tao para magperform kasama ang banda nila Sphynx. Nandito kami sa quadrangle ng school. Madali lang para sakanila magperform dito dahil kabanda naman nila si Nyx na syang anak ng may ari ng school. Kasama ko si Diana para manuod. Wala din naman daw siyang pasok sa trabaho kaya eto sumama siya sakin sa Thomas High. 

"Kinakabahan ako Diana" Sabi ko dito. Kinakabahan talaga ako. Iniisip ko kung ano iisipin ng mga tao sakin. Ngayon palang din kasi nila ako ipapakilala bilang bagong vocalist ng Plan X. 

"Wag ka nga dyan kabahan! Ganda ganda naman ng boses mo!" Pagcheer up saakin ni Diana. Nakita kong papalapit sakin sila Sphynx.

"Ready Ginger girl? Wag kang kabahan. Kami muna una kakanta tapos tatawagin ka namin. Okay?" Sabi ni Nyx. "Goodluck to us." Nakakahiya makisalamuha sakanila dahil nakakaangat sila sa buhay samantalang ako ay walang wala. Hindi ko padin sila gaanong kinakausap dahil nadin nahihiya ako.

Umakyat na sila Nyx sa stage. "Today, we'll meet someone. Someone with pure talent and beauty. But before that, kakanta muna kami" Nagsimula ng mag strum si nyx. "This is for you guys" Sigaw naman ni Sphynx atsaka kumanta ng Ain't it fun.

Natapos na ni Sphynx yung pagkanta. Ipapakilala na nila ako. Kinakabahan ako. "Ayan na D! Mamatay na ata ako sobra akong kinakabahan" Gravity ang kakantahin ko.

"Sabi nila, kung mahal nyo ang isang tao. Dapat matutunan nyong magustuhan ang mga taong nakapaligid sakanila. Ngayon na may bago kaming band member sana magustuhan nyo siya katulad ng pagkagusto nyo saamin. Let us all welcome the Plan X's new vocalist! Ms. Aphrodite Meneses Smith!" Pagpapakilala saakin ni Phoenix na siyang drummer. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang umakyat sa stage. Nang tuluyan na akong makaakyat sa stage. Nakita ko silang lahat na nnagtitinginan at parang gulat gulat. Nagbubulung bulungan din ang iba sakanila. Hindi pala 'iba' lang. Lahat pala ng nanonood ay nagbubulungan.

"This girl, we met her on a coffee shop. Isa siyang working student at wala kaming pake don. Nung narinig namin siyang kumanta natulala kami sakanya. Not because she's pretty. It's because of her voice. Parang angel lang na nahulog galing sa langit. So Aphrodite, Thanks for being a part of our band. Hindi ka magsisising tinanggap mo yung offer namin" Sabi ni Phoenix ng nakasmile and mouthed thankyou. Ngumiti lang ako sakanya and mouthed welcome.

"Uhm, Hello. I'm Aphrodite Meneses. Sana magustuhan nyo din ako" Sabi ko. Lalong lumakas ung mga bulung bulungan tulad ng bakit daw ako kasali sa banda nila. Lalandiin ko lang daw siguro sila. 

"Wag mo sila pansinin. Kaya mo yan" Bulong ni Sphynx sa likod ko. Ako muna ang vocalist nila ngayon. Hahaha. Pinagtama ni Phoenix ang drum stick niya at nagsimula na silang magtugtog ng intro.

"Do you remember feeling invincible? 

When there was trouble it was us against the world. 

We kept running, running through the night

Chasing the sun 'till everything felt right" Unti unting humina ang mga bulungbulungan at nakatingin na ung iba saakin. Pumikit ako. 

"Can you save me now? I got lost up in the clouds

Can you save me now? You were my gravity.

Can you save me now? When the ground drops out I get lost in the clouds.

Save me now? Now my world is shattering. 

You were my gravity. You were my gravity" Natuwa ako kasi tumigil na sila sa pagbubulungan. Napangiti nalang ako habang kumakanta sana matanggap nila ako ng buong puso nila

"Now my world is shattering. You were my gravity" Tinapos ko yung kanta ng may mga ngiti sa labi. Pumapalakpak kasi sila para sakin. Nakakataba ng puso.

Nagpaalam na ako sakanila at bumaba na ng stage. Bumaba na din sila Sphynx ng stage. 

"That was hot Aphrodite! You did well!!" Sabi ni Nyx yayakapin sana ako nito kaso humarang si Sphynx. 

"Congrats Aphrodite. Nagustuhan ka nila" Sabi ni Sphynx sakin kaya napathank you ako. "Ikaw ba pre? Nagustuhan mo ba si Aphrodite?" Sabi naman ni Phoenix sakanya.

"Omg girl! ang galing galing mo!!" Sabi ni Diana na may halo pang talon talon. Kaya natawa nalang ako panay ang thankyou.

"Sige ha una na ako. Thanks. Sa uulitin" Nagpaalam na ako sakanila. Kinuha ko yung cellphone ko dahil pag may nangyayaring maganda sa araw ko. Nagttext ang unknown number sakin.

From: Phoenix

Congrats aphrodite. Thank you :) 

From: Nyx

You're so awesome ginger girl! Thanks

From: Park Sheridan

You're like an art. But you look like nice. And I like how you perform a while ago. 

My Ginger GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon