MGG 6

121 9 4
                                    

Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung sino yung nagtetext sakin. Hindi ko siya nirereply-an dahil baka niloloko lang ako non. Pagkauwi ko ng bahay kwinentuhan ko yung dalawa kong kapatid sa nangyare saakin sa araw na 'yon. Nung nag six na naghanda na ako para pumasok sa coffee shop. 

"Didit! Di ko padin makalimutan performance mo kanina sa school nyo. Ang galing pala talaga nila no? Pati ikaw ang galing galing mo talaga friend!" Sabi ni Diana habang pumapalakpak pa. 

"Sayang naman hindi kami nakapanuod. Pero sigurado naman na maganda yung kinalabasan. Yaan mo Aphrodite sa susunod manunuod na kami" Sabi pa ng iba. Nginitian ko sila at nagthank you. Pumunta na ako sa Staff's area at nagayos. Tinali ko yung buhok ko. Lumabas na din ako pagkatapos kong magayos. 

"Dits, andiyan sila Sphynx. Inaantay ka ata magperform." Bungad sakin ni Diana pagkalabas ko. Ha? Inaantay nila ako magperform? Wala na nga ako balak magperform. 

"Hindi naman ako magpeperform e. Sige lapitan ko lang" Sabi ko kay Diana at lumapit sa table ng Plan X.

"Hello, Ano order nyo?" Tanong ko sakanila. Kinuha ko ung maliit na papel sa bulsa ko pati yung ballpen para mailista ko kung ano order nila. 

"Coffee nalang para samin tatlo. Hindi ka ba magpeperform Aphrodite?" Tanong sakin ni Nyx.

"Ah hindi, Tsaka ayoko din magperform. Nakakahiya" Sagot ko sa tanong ni Nyx. Si Phoenix may kausap sa Cellphone habang si Sphynx naman ay nagbabasa ng libro nya. Bakit kaya nagpared hair 'tong si Sphynx pero sure naman na gwapo din siya kapag nagpablack na siya. Inabot ko kay Diana yung order nila. 

"Aphrodite, tawag ka ni boss." Sabi ni Roger. Tumango ako sakanya. Nagtungo ako sa office ni Boss.

"Goodevening po. Pinapatawag nyo daw po ako?" Tanong ko kay Boss pagkapasok ko sa office nya at naupo sa upuan sa may harapan ng table nya.

"Ah oo Aphrodite. May nagrequest kasi na lagi ka nalang daw sana kakanta dito sa Coffee Shop. Kapag nangyari yon madadagdagan yung sweldo mo." Sabi sakin ni boss. magandang opportunity na din yon.

"Okay lang naman po sakin yon. Araw araw po ba yon? Baka po kasi hindi ko kayanin kung araw araw akong kakanta." Tanong ko dito. Baka kasi kung araw araw akong kakanta baka mamaos na ako. Dagdag mo pa na kasama nadin ako sa Plan X.

"Hindi naman araw araw. Siguro ische-schedule nalang kita ng MWF. Kung ayos lang naman sa'yo yon." Sabi ko sakanya na ayos lang naman saakin kung mwf ako kakanta. Atleast may pahinga ako kahit papaano. May iba pa kaming pinagusapan na kapag may nirequest yung mga customers na kanta at kapag alam ko daw kantahin ko. Hanggang dalawang kanta lang daw ako pero kapag lumagpas daw sa dalawa bibigyan daw naman niya yon ng bayad. At kung pwepwede daw, huwag daw puro gitara ang gamitin kong instruments. Sabi ko susubukan ko. Gitara at Piano lang din kasi ang alam kong Instruments na gamitin. Iyon lang din naman kasi ang meron sila Jacob. 

Hindi naman kami ganon kayaman para magkaron ng pambili sa iba't ibang instruments kaya pasalamat nalang ako na mabait sila Jacob at tinuruan ako kahit walang bayad. 

"Ano sabi sayo Didit?" Kwinento ko sakanya kung anong nagyare doon sa loob. Napansin kong andito padin sila Sphynx. At hanggang ngayon nagbabasa padin siya. Tiningnan ko yung wrist watch kong mumurahin lang. Mag 10 na pala. Maya maya ay magsasarado nadin kami at bukas may pasok na naman.. Aaminin kong nakakapagod yung Daily Routine ko na papasok sa umaga trabaho sa gabi. Pero kung hindi ko gagawin yon baka mamatay nalang kami ng pamilya ko.

My Ginger GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon