May pasok na naman, nagayos ako para pumasok sa school namin. Nang makapagayos na ako para pumasok nagpaalam na ako kay nanay. Sa baranggay lang nagaaral yung dalawa kong kapatid. Libre daw yon sabi ni nanay. Kaya hinayaan ko nalang din pero sa oras na tumuntong na sila ng gradeschool sa public school na sila malapit saamin kaya kailangan na talaga namin magkaroon ng pera. Mag gra-grade 1 na si Sean sa susunod na taon. Si Sheila naman ay 2 taon pa bago mag grade 1.
Naglalakad ako papunta sa school namin, maaga pa naman at exercise nadin naman. Eto ung gusto ko sa schedule ko, madalas sa klase ko 8 ang umpisa hanggang 11. Kinakabahan ako sa sasabihin ng mga classmate ko at ng mga schoolmate ko.
Ilang sandali lang natanaw ko na yung school namin. Madami na din nagkalat na estudyante.
"A!!!" Rinig kong tawag saakin pagkadating ko sa tapat ng school kaya naman hinanap ko kung sino yon. Nakita ko si Althea na tumatakbo papunta sakin.
"Hi Thea!" Bati ko dito ng makalapit na 'to sakin.
"Tara sabay na tayo maglakad. Hindi kasi pumasok ngayon si Ares e." Malungkot na sabi nito. Close na close siguro yung dalawa na 'yon. Sana maging ganon din kaclose si Sean at Sheila paglaki nila.
Naglakad kami papasok sa school, naglalakad palang kami ay pinagtitingian na agad kami.
"Narinig mo na ba kumanta si Aphrodite at Sphynx ng sabay? Grabe ang ganda. Bagay na bagay sila"
"Oo narinig ko nga din sila sa MCS. Ang galing nila pati si Ares at Thea ang galing din pala nung mga yon"
"Di padin sila bagay ni Sphynx no" May mga humahanga at may mapanghusga na sabi sabi sa paligid pero patuloy padin kami ni thea sa paglalakad.
Puro padin bulungan hanggang sa marating ko na ung building ko. Hindi naman ganon kalayo ung room ko, sa room ni Thea.
"A, text nalang kita mamaya ha? Sabay naman break time natin diba?" Tinanguan ko 'to at pumasok na sa room. Madami dami na din naman yung classmate kong andito.
Naupo ako sa may bandang likod hindi sa may pinakalikod dahil pwesto nila Sphynx 'yon. Sa tabi na din ako ng bintana naupo para kung sakali makapag muni-muni ako don.
Tininingnan ko sa cellphone ko kung anong oras na, 7:55 na daw, 5 minutes nalang dadating na ung prof namin.
Maya maya, sunod sunod ng nagpasukan sila Sphynx, Nyx at Phoenix. As usual, habang naglalakad na naman sila may mga babaeng natutulala sa kagwapuhan nila. Lalakas talaga ng mga appeal ng mga 'to.
"Gingeeeeeeeer!" Masayang bati ni Nyx sabay patakbo papunta saakin. Umupo siya sa likuran ko at kinurot ung pisngi ko. Isa sa mga reason kung ba't masarap kasama si Nyx. Makulit din kasi siya kahit may pagkaplayboy.
"Ah-ray ko Nyx" Sabi ko sakanya at mahinang tinatampal ung kamay nya. Tinanggal naman nito agad.
"Sorryy Ginger. Naexcite lang ako makita ka hahaha" Sabi nito saakin nginitian ko lang 'to at hinimas ung pisngi ko. Panggigilan daw ba ako.
"Ang cute cute mo Ginger lalo na kapag namumula lalo pisngi mo" Sabi naman ni Phoenix. Tumabi 'to kay Nyx sa likod. Si Sphynx, sa tabi ko naman umupo.
"Uh, Sphynx, may nakaupo na ata diyan." Sabi ko kay Sphynx. Alam ko kasi may nakaupo na doon.
"I don't care" Napabuga nalang ako ng hangin. Sungit naman nito.
Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa dumating na ung prof namin. Wala ako sa katinuan kaya hindi ko masyado siya naintindihan magdiscuss.
Nang magbreak, kinuha ko agad yung cellphone ko para tingnan kung may text si Althea.
From: Althea
Nasa labas na ako A. See you!
Text saakin ni Althea kaya inayos ko na yung sling bag ko at nilagay ko na din doon ung cellphone ko. Kukunin ko na sana 'to at isasabit sa braso ko ng biglang inagaw saakin ni Sphynx ung bag ko.
Napatulala naman ako sa ginawa niya. Nauna ng lumabas si Nyx at Phoenix at akala ko kasama na siya don.
"Let's go" Sabi nito saakin at nauna na. Sungit. Kinuha na nga yung bag ko nagsusungit pa. Nagmamadali naman ako kuhanin 'to sakanya.
"A-ah, Sphynx ung bag koo!" Habol kong sabi dito. Nang makalabas ako ng room nakita ko na sila Althea na nagkwkwentuhan.
"Uuuuuy, anu yan ha?" Panunukso sakin ni Althea kaya nahampas ko siya ng mahina sa braso niya.
Pilit ko naman inagaw kay Sphynx yung bag ko pero ayaw niya padin ibigay kaya nakarating kami sa canteen na pinagtitinginan at yung iba pinagbubulungan pa kami.
"Ah, Sphynx. Yung bag ko please? Ibigay mo na sakin" Mahina kong sabi dito. He looks so hot with my bag on his shoulder. Kung yung iba nakakaturn off pero 'tong si Sphynx hindi. Ang gwapo niya na lalo pa siyang nagiging gwapo kaya hindi maiwasan ng mga paru-paro na magwala sa tyan ko. Ugh gutom lang yan Aphrodite Pysche Smith.
"Ay.o.ko" Mariin na sabi nito kaya di ko nalang pinilit. Bahala nga siya. Nakarating kami sa canteen umorder kami ng pagkain at nahiya pa ako dahil si Sphynx ung nagbayad nung inorder ko ayaw niya kasing ibigay sakin ung bag ko andon ung pera ko, atsaka ayaw din naman niyang pabayaran.
Nahihiya man ako, pumayag na ako.
"Anong meron sa inyong dalawa ha?" Tanong ni Althea. Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.
"Wala no" Mabilis kong sabi dito.
"I'm courting her." Sabi ni Sphynx na nakapagpalingon saakin at lalong nakapagpasamid sakin.
"Aaaah! omg I knew it!! Sphrite shipper na ako simula ngayon" What? Sphrite? Sprite lang ang peg? Hahaha. Pero no way, another issue na naman 'to.
"Ha? Nagjojoke lang yan ano ka ba naman Althea nagpapaniwala ka agad hehe" Awkward kong sabi. Alam ko naman na nagbibiro lang yon.
"Of course, Hindi ako nagbibiro. I'm serious Aphrodite, I'm courting you from now on. I'm not asking for your permission. I'm informing you that from now on. I'm courting Aphrodite Pysche Smith."
Napatulala ako sa sinabi nito. HIndi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Sasandali palang kami nagkakakilala. Mahirap lang ako mayaman siya. Paano magiging kami? Langit siya, lupa ako.
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, Gulong gulo.
---
A/N: Incase na naguguluhan kayo. Meneses ang surname ng mommah niya and Smith yung sa father niya arayt? Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
My Ginger Girl
General FictionThis is a story of a Girl named Aphrodite Meneses. A girl with ginger hair.