Hanggang paguwi ko, pinagiisipan ko yung alok sakin nila Nyx. Dagdag sweldo din 'yon kung sakali ngang makapasok ako sa banda nila. Malaki laki din maiipon ko. Pero ano nalang iisipin ng ibang tao sakin? Na Gold Digger? Pero dapat mo pa bang isipin ang mga bagay na yon Aphrodite kung para naman ito sa ikagiginhawa ng buhay nyo.
Kinabukasan, Maaga ako pumasok para hindi ako makarinig ng kung ano anong bagay para hindi masira yung araw ko. Nakasalubong ko sila Sphynx. Ang ganda padin talaga pumorma. Ang perfect talaga ng mukha niya. Silang tatlo, ang ggwapo. Kaya isipin ko palang yung mga masasakit na salita na kaya nilang bitawan sakin parang ang hirap hirap ng tanggapin.
"Oh Ginger girl, napagisipan mo na ba alok namin?" Tanong sa'kin ni Nyx. Hindi ko alam isasagot ko, kung tatango ba ako o iiling na lang. Nagsimula na din magsipag datingan ang ibang mga tao. Bat kasi kinausap pa ako ng mga 'to e.
"Ginger girl, we're waiting for your answer" Sabi ni Phoenix sabay hawak sa batok niya. Hindi ko talaga maiwasan mamangha sa kanila. Bakit ba kahit ata anong gawin nila. Ganon padin sila kagwapo.
"Hindi ko pa kasi alam e, pagiisipan ko muna. Sa oras na makapagisip ako sasabihin ko na agad sainyo. Sige ha, mauna na ako." Nginitian ko sila. Tumango sakin si Sphynx at umalis na din ako. Sa totoo lang, si Sphynx talaga ang pinaka gusto ko sakanilang tatlo. Pumunta na ako sa room namin, naabutan ko sila Gaia at ang mga kaibigan niya.
"Hoy aphro, Gold digger ka pala? Hindi ka lang papansin Gold Digger ka pa!" Sabi nito sakin, lumapit ito sakin para sampalin ako. Bago niya pa nagawa yon, naharang na ni Sphynx ang kamay niya.
"Tumigil ka na Gaia. Sumosobra ka na sa pang bubully mo sa mga taong hindi ka kaya labanan ha. Subukan mong saktan ulit 'tong si Aphrodite at iba pang studyante dito. Kami nila Nyx makakaharap mo" Matapang na sabi ni Sphynx kay Gaia. Nakayuko padin ako sakanila. Dahil nasaktan din naman ako sa sinabi niya sakin. Hindi pa man nagsisimula, May mga masasakit na salita na agad silang binibitawan. Humarap ito sakin. "Sige na Didit, maupo ka na"
Tumingin ako sakanya. Tumango ako sakanya at napanganga ako. Nagulat ako sa tinawag niya sakin. Didit.. Bakit pag siya ang tumawag sakin ng ganon parang may kung anong kiliti akong nararamdaman.
Lumakad ako papunta sa upuan ko at kasunod naman na dumating sila Nyx. Mga nakangiti sila ng malapad. Napunta ang tingin nila sakin at tinanguan ako. Nginitian ko naman sila at saka yumuko. Nasa pinaka likod ako ng room, sa may bintana. At may dalawang bakante sa harap ko at isang bakante naman sa likod ko.
Wala na ata akong ibang choice, Dito na ata sila uupo. Hindi nga ako nagkamali. Nakarinig ako ng mga footsteps papalapit sakin. Hindi ko magawang iangat ang tingin ko sakanila pero hindi ako nagkakamali sa pagkakarinig ko sakanila. Tinutulak nila Nyx si Sphynx na maupo sa tabi kaya walang nagawa si Sphynx kundi ang maupo.
Nilabas ko yung libro kong Eleanor and Park, hanggang ngayon hindi ko padin 'to natatapos at mamayang hapon ibabalik ko na 'to sa library namin pero hindi padin ako nakakatapos magbasa. Hanggang kalahati palang siguro ako.
"Nagbabasa ka din pala niyan?" Tanong sakin ni Sphynx kaya napatingin ako sakanya.
"Ah oo, pampalipas oras lang. Maganda din kasi yung storya niya." Ngumiti naman 'to sakin. Nagkakamali siguro ako ng akala sakanya. Hindi din naman siya masungit. Hindi sila masungit kaya siguro walang masama kung susubukan ko ngang pumasok sa banda nila.
"You can borrow my book if you want. Para hindi ka na humihiram sa Library" Pagaalok nito sakin pero nahiya akong kuhanin yung libro niya. Baka masira ko 'yon at hindi ko mabayaran. Atleast kapag sa library, kung may page man akong mapunit hindi nila mahahalata.
"Ay, wag na. Pwede ko naman ulit 'tong hiramin sa library. Tsaka konti nalang din naman matatapos na ako" Sabi ko sakanya sabay ngiti. Binalik ko yung tingin ko sa binabasa ko.
"Eleanor was right. She never looked nice. She looked like art, and art wasn't supposed to look nice, It was supposed to make you feel something" May simpleng way talaga si Park para magpakilig ng reader. Ang galing magsulat ni Rainbow Rowell. One of my favorite author, At oo nga pala. I'm a Mass Communication Student. MasCom din sila Sphynx.
"Iyan ba yung part na tinawag ni Park si Eleanor na hobo clown?" Tanong nito sakin kaya sumagot ako sakanya ng oo. Binalik ko sa bag ko yung libro dahil tumunog na yung bell. Maya maya ay pumasok na din ang professor namin.
Nung lunch, dumeretso ako sa Library namin upang isauli ung hiniram kong libro. Sakto naman na andoon sila Sphynx.
"Hi Ginger, ano na ba sagot mo?" Tanong ulit sakin ni Nyx. Hindi ata nila ako patatahimikin hanggang hindi ako nakakasagot sakanila.
"Uhm, Sige susubukan ko. Pag naging maayos ung takbo itutuloy ko pero kung sakali man na hindi, sorry pero kailangan kong umalis. Okay lang ba 'yon?" Napayes naman sila at napangiti ng malapad.
"Ayos na ayos lang yon samin Aphrodite! Kaming bahala sayo" Yayakapin sana ako ni Nyx at Phoenix kaso pumagitna si Sphynx at may inabot sakin.
"You can borrow it." Tatanggi na sana ako pero kinuha nya yung kamay ko at nilagay don yung libro. "Here. You can't say no, and thanks for joining our band. Hindi ka magsisi na sumali ka" Nagpaalam na sakin sila Nyx pagkatapos nila kunin yung number ko. Patalikod na sa sana si Sphynx kaso pinigil ko siya.
"u-uhm.. Thank you Sphynx. Promise, hindi kayo magsisi na kinuha nyo ko bilang vocalist" Sabi ko sakanya. Nginitian niya ako at dumeretso na palabas sa pinto.
Bumalik nadin ako sa room namin ng nagbell na. Isang subject nalang naman at dismissal na.
Nang uwian na dumeretso na ako sa bahay para magpalit ng pang trabaho. Kaya gusto ko 'tong schedule ko minsan. Hindi sunod sunod. May araw na 12 na yung pasok ko 4 naman ung uwian. Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko.
From: +63925xxxxxxx
Hi. This is Nyx. Thanks for being a part of our band! You won't regret it promise.
From: +63920xxxxxxx
Hi. Phoenix here. Thank you :)
From: +63922xxxxxxx
You won't regret your decision My Eleanor. I promise you. You're my favorite person right now. :)
BINABASA MO ANG
My Ginger Girl
General FictionThis is a story of a Girl named Aphrodite Meneses. A girl with ginger hair.