"Hindi ko alam kung bakit sila ganon sakin. Hindi ko alam kung bakit porke't mahirap kung ano ano nga bagay ibinibintang nila" Sabi ko habang nakatingin sa malayo. Nandito kami ngayon sa park. Hindi ko alam kung pinapakinggan ba ako nung katabi ko o hindi. Kanina pa ako satsat ng satsat para maglabas ng sama ng loob pero di pa din siya nagsasalita at kung ano anong kinakalikot sa cellphone nya. Pero para sakin okay na din yon atleast di ako nag mumukhang tanga na nagsasalita magsalita.
Beep Beep
Tumunog yon ng cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha. Pipichugin nga lang ang cellphone ko kaya nahiya pa akong ilabas yon dahil naka iphone si Sphynx samantalang ako cherry mobile lang na keypad pa, pero sa huli inilabas ko padin kasi baka mamaya emergency pala 'yon.
From: Park Sheridan
Stop crying my Eleanor. Alam naman nating hindi ka ganong tao. Smile, I love seeing you smile. Being emo doesn't really suits you.
Dahil sa text ni Park Sheridan na 'yon kaya di ko na din napigilan sarili ko na mapangiti. Minsan naiisip ko na gusto ko na din siya makita. Nilagay ko pabalik sa bulsa ko yung cellphone ko at lumingon ako sa katabi ko.
Pero mukhang nagkamali ako, dapat ay siguro hindi na ako lumingon dahil sa paglingon kong yon ilang inches nalang ang layo ng mukha naming dalawa ni Sphynx. Napatitig ako sa mata niya, ganoon din siya.
Bigla ko naman naramdaman na may nagkakarerang mga kabayo sa puso ko, at nagwawalang paro-paro sa tyan ko nung pinagpapalit palit niya ang tingin niya sa mata ko at sa labi ko. Palapit siya ng palapit pero mali 'to. Hindi 'to dapat kaya naitulak ko siya ng mahina na nagpabalik naman sa aming dalawa sa katinuan.
"A-ahh. I'm sorry. Nacurious lang ako sino yung nagtext sayo" Sabi nito. Habang ako naman ay pulang pula dahil sa nangyari kaya agad akong tumayo. Aalis na ako. Grabeng hiya ung nangyari! Bakit naman kasi hindi agad ako nakaatras ayan tuloy.
"A-ah, S-sige una ako Sphynx. Mamaya na lang ulit." Hindi ko na siya inantay na siya inantay na magsalita at nagmadali na ako maglakad.
"Aphrodite!" Tawag sakin nito ng nasa medyo malayo na ako. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sakanya. "Wag ka na umiyak ha?! Hindi pala bagay sa'yo! Smile palagi!!" Sabi nito kahit na may panlalait ay napangiti ako nito.
"Salamat Sphynx!" Sabi ko dito at tumakbo paalis ng park. Sa kabilang kanto lang naman yung mansion namin kaya hindi masyado malayo. Nakakagaan din pala ng pakiramdam kapag may taong andyan para makinig sa mga problema mo.
5 oclock na ng nakarating ako sa bahay, sumalubong sakin ung mga kapatid kong pawis na pawis at si nanay na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Nagshower lang, teka paano ako nakapagshower e wala naman kaming shower? Ah, Nagbuhos lang ako at nagbihis ng pangtrabaho. Nagpaalam na ako sakanila at naglalakad na ako ngayon papunta sa Midnight Coffee Shop.
Peep Peep
May bumusina na kotse sa likod ko kaya tumabi ako kasi baka kako dadaan tapos nakaharang ako pero nagulat ako ng tumapat yung kotse sakin at binaba ung window, Si Nyx ang unang dumungaw kasunod nun si Phoenix at si Sphynx na nagdri-drive. Napansin ko naman na may dalawa pang tao sa back seat. Isang babae at isang lalaki.
"Ginger, Sabay ka na samin, papunta na din naman kami sa MCS" Sabi ni Nyx sakanya. Nahiya naman ako kaya agad akong tumanggi dito pero mapilit talaga sila kaya sa huli ay napasabay din nila ako. "Nga pala aphro, Yang dalawang katabi mo bagong member din ng Plan X. Si Thea at saka si Ares" Nakipagshake hands naman ako sa dalawa. Sana makasundo ko si Thea. Pagkarating namin sa MCS, hindi muna daw ako duduty ngayon dahil kailangan ko daw maghanda para sa pagkanta mamaya.
"Hi Aphrodite!" Masiglang bati saakin ni Thea. Tumabi ito sakin. Magisa lang kasi ako ngayon prinapractice ko kasi ung kakantahin namin para sureball mamaya na wala akong makakalimutan.
"A-ah hello!" Bati ko naman dito. May konting ilang dahil hindi ko pa siya ganon kakilala at may hiya din ako sakanya.
"Ako si Althea Ramirez, at yung lalaki kanina si Ares kambal ko yon. Fraternal Twins kami. Ako yung sa keyboard at si Ares naman yung isang guitarist pa. Ang swerte mo nga e, Hindi ka na nila pinagaudition nakita ka lang nila kumakanta inalok ka na agad. Kami ng kambal ko dumaan pa kami sa pa-audition nila para lang makasali." Pagmamaktol nito sakin. Ngayon ko lang nalaman na nagkaroon pala sila ng pa-audition dati. "Sana maging friends tayo Aphrodite, Tiga Thomas High din ako nagaaral! Pero quiet ka lang ha crush ko talaga si Phoenix kasi ang cool cool nya" Sabi nito sakanya kaya natawa siya. Hindi niya na napigilan na matawa dahil nakita pa niyang parang kuminang ang mata neto habang dinedescribe si Phoenix.
"Ready ka na Aphrodite? Kakanta na tayo." Sabi ni Nyx at nagmamadali na din pumunta sa back stage kaya niyaya ko na si Thea na pumunta na kami sa backstage. Katulad padin ng dati kinakabahan padin ako pagkakanta ako, parang nung kumanta lang ako sa school non pero this time, mas nakakakaba dahil kasabay kong kakanta si Sphynx. Nakarating na kami sa back stage, nakapaikot sila kaya sumama kami ni Thea.
"Kaya natin 'to. Kahit anong mangyare, buo tayo walang makakapaghiwalay satin kahit bago lang tayo. Let's go team" Ginawa namin yung patong patong ang kamay sabay taas nito. Pagkatawag saamin ni Boss ay umakyat na din kami.
Si Phoenix na Drummer ay mag bbeatbox muna ngayon. Beat Box na instrument ha. Si Thea, tulad ng pagkakasabi niya kanina magppiano siya. Si Ares na sa guitar din at syempre si Nyx din. Nagstrum strum sila para itest kung nasa tono ba ang guitar nila. Tiningnan di ni Thea kung maayos na tumutugtog yung piano.
"Ready?" Bulong sakin ni Sphynx kaya napatingin ako dito. Tumango ako dito. Bigla ko naman naalala nung nangyari kani kanina lang. Feeling ko lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko!!!
"Oh bakit kayo namumula dyang dalawa? Magready na! Ngayon pa ba nagkahiyaan?" Sigaw saamin ni Phoenix. Maya maya din ay nagbilang na ito.
Nagstrum na si Ares at Nyx. Pati si Thea ay sumabay na din.
"I don't wanna be left behind
Distance was a friend of mine.
Catching breath in a web of lies
I've spent most of my time
Riding waves, playing acrobat
Shadowboxing the other half
Learning how to react. I've spent most of my time" Si Sphynx siya ang unang kumanta. Ang ganda ganda talaga ng boses niya. Paminsan minsan akong lumilingon sakanya habang kumakanta. Ang gwapo. Yung panga niya, yung matangos nyang ilong, yung labi nyang kala mo di naninigarilyo dahil sa pagkapink. Anak mayaman talaga.
"Catching my breath, letting it go, turning my cheek for the sake of this show.
Now that you know, this is my life, and I won't be told what's supposed to be right" May part na sumasabay siya sa akin sa pagkanta at nagkakatinginan kami "Catch my breath, no one can hold me back, I ain't got time for time for that. Catch my breath, won't let them get me down, It's all simple now" Tulad niya, inenjoy ko lang din yung pagkanta. Nagkakangitian kami at nagtitigan tapos sabay kaming tumingin sa likod at halata sa mga mukha nilang nageenjoy din sila.
"Ca,ca,ca,ca,catch my breath, no one can hold me back, I ain't got time for that.
catch my breath, won't let them get me down. It's all simple now" Sabay kaming tinapos yung bawat kanta. Nagngitian kaming lahat at tumayo ung mga nanunuod samin. Sarap pala sa feeling. Parang Heaven. Hahahaha.
"Morre!!!" "Isa pa!!" Nagkatinginan kami ni Sphynx.
"Ano isa pa daw oh?" Sabi nito halatang pinipigilan ang tawa. Iba si Sphynx sa school at iba siya sa labas ng school. Masayahin siya pero pagdating sa school nawawala yon I wonder why.
BINABASA MO ANG
My Ginger Girl
General FictionThis is a story of a Girl named Aphrodite Meneses. A girl with ginger hair.