MGG 3
Sunday evening ngayon, Kanina pa akong umaga andito sa Cafe at sa buong maghapon madami din yung naging customer namin. Yung iba'y nagbigay pa ng tip.
"Aphrodite, May bagong pakulo si boss. Naghahanap kasi si Boss ng live singer para dito sa Cafe. Naisip ko agad ikaw, Baka pwedeng ikaw ung unang una kumanta. Magaling ka naman kumanta diba? Sanay ka pa maggitara!" Bungad saakin ni Diana pagkapasok ko sa staff's room para magpahinga.
"H-ha? Bakit ako? Ayoko ayoko!" Pagtangi ko. Winave ko pa yung dalawang kamay ko tsaka umiling iling. "Ayoko nga, Baka sumikat pa ako haha joke pero ayoko talaga" Pagtanggi ko. Joke lang syempre yung baka sumikat ako. Hindi naman ganon kagandahan yung boses ko tsaka hindi din naman ako ganon kagaling mag gitara. Natutunan ko lang sa kapitbahay namin na mahilig mag gitara si Jacob.
"Naka-OO na ako kay Boss didit, Wag ka na magback out. Nakakahiya naman. Saka, dagdag sweldo na din yon." Didit ung binigay nyang nickname sakin. Masyado daw kasi mahaba ung Aphrodite pero tinatawag padin naman niya ako nun. Tumango nalang ako sakanya. Nakakahiya nga naman kasing tumanggi. Tinutulungan na nga ako nito kapag ginigipit ako. Dagdag sweldo na nga naman din yon.
Maya maya tinutulak na ako ni Diana papunta sa mini Stage. May Bar Stool sa gitna at may mic din. Inabot sakin ng isang katrabaho ko yung gitara. Ba't kasi naisip ni Boss 'tong ganito, at bakit naman kasi ako agad ang naisip ni Diana.
"Uhm, Hello. Goodevening po" Panimula ko. Natahimik naman sila at sabay sabay na humarap sila sa mini stage. Sinimulan ko ng mag strum. Hindi na kailangan mag pakilala pa dahil for sure ngayon lang naman ako kakanta.
"Stay for tonight
If you want to, I can show you
What my dreams are made of,
as I'm dreaming of your face." Nilibot ko ang paningin ko sa mga nanunuod. Napansin ko ang 3 lalaking kakapasok palang. Sila Sphynx. Umupo sila sa kadalasan nilang upuan. Lumapit sakanila si Diana para siguro kuhanin ang order at ang bruha kinikilig pa.
"How the hell did we end up like this?
I bring out the beast in you.
I fell in love from the moment we kissed.
Since then we've been history" Madaming sikreto ang mahirap sabihin sa iba. Minsan talaga kailangan mo nalang kimkimin. Lumingon ulit ako sa table nila at nakatingin na sila saakin. Si Nyx at Phoenix nakangiti habang nagkkwentuhan. Habang si Sphynx nakatitig lang sakin kaya ginantihan ko siya ng titig.
"They say that love is forever.
Your forever is all that I need.
Please stay as long as you need.
Can't promise that things won't be broken
But I swear that I will never leave
Please stay forever with me.." Tinapos ko na yung kanta, nakatitig padin 'ito sakin. Nagthankyou ako sakanila pero bago pa ako nakaalis nagrequest pa sila ng isa pa. Hinanap ng mata ko yung boss namin. Nakangiti ito sakin at tumango kaya wala ako nagawa kundi umupo nalang at nagsimula na namang kumanta.
Bumaba na ako ng tuluyan. Inabot ko sa isang katrabaho ko yung gitara ko dahil sakanya ata yon. Bumalik na ako sa Cashier.
"Ang galing mo talaga kumanta girl" Sabi ni Diana na may palo palo pa sa braso at may patalon talon pa kaya hinawakan ko siya sa kamay nya para hindi nya na ako mapalo.
"Asa naman no" Sabi ko dito. Kinuha ko yung papel na inabot ng isang waiter at inabot ko yon sa chef namin.
"Oo kaya. Si Ano-- Yung pinaka masungit doon sa tatlong gwapo. Yung Spenx, Shenx, ah basta ayon! Yung lalaking red ung buhok, titig na titig siya sayo. May something ba kayo non?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako dito.
"Gaga! Anong something? Wala kaming something non no. Hindi nga ata ako non kilala tsaka hindi naman kami naguusap niyan" Naalala ko tuloy yung nangyari nung bata pa ako. Ah, Aphrodite! Wag mo na alalahanin yon.
"Omg Girl!! Papalapit sila dito!!" Pasimpleng pagkilig nitong si Diana. Papalapit nga sila sa Cashier.
"Yes Sir, Is there any problem?" Tanong ko sa mga 'to. Sana kung may problema, tumawag nalang sila ng Waiter.
"Ah wala naman. Aphrodite, baka gusto mo sumali sa banda namin?" Tanong ni Phoenix sakin kaya naman napalaki yung mata ko sa sinabi niya. Oo may banda sila. Sikat din naman hindi lang sa ibang bansa syempre. Haha. Pero malakas hatak nila sa mga babae. Si Sphynx ang Vocalist nila.
"Ah hindi na. Makikigulo pa ako sa banda niyo. At saka, si Sphynx lang ayos na maging vocalist bakit nyo pa dadagdagan?" Hindi naman sa ayokong sumali sa banda nila pero ayon nga ayoko din masira yung banda nila dahil sakin. Alam ko naman na puro hates natatamo ko tapos magkakaron pa ako ng kakapalan ng mukha para sumali sakanila.
"Gusto nga din ni Sphyx na may babaeng vocalist e. Tsaka kaming bahala sayo." Sabi ni Nyx sabay kindat. Ngumiti ako sakanila at saka sinabing "Sige pag-iisipan ko" Bumalik na sila sa Table nila at nagusap usap. Napansin ko na naman na nagbabasa na naman ng libro niya si Sphynx. Sabay non ang pagtunog ng cellphone ko.
From: +63922xxxxxxxx
If Eleanor thinks she lives for Park, well I do too. I think I live for you My Ginger Girl
-SPB
BINABASA MO ANG
My Ginger Girl
General FictionThis is a story of a Girl named Aphrodite Meneses. A girl with ginger hair.