-7-

201 7 1
  • Dedicated kay my readers
                                    

Chapter Seven.

"Very Important Person"

 

"Sir, meeting with the board members in 30 minutes." Tipid na ngumiti si Claire habang hawak-hawak ang makapal niyang planner. Napasulyap ako sa phone ko bago tanguan si Claire, gesturing her to leave. Tumango naman siya bago umalis ng tahimik.

Napapikit ako bago sumandal sa swivel chair. Hindi na naman ako naninibago sa mga araw na parang hindi ko ma-contact si Eleanor. Pareho naman kaming busy na tao. Naiintindihan ko na nagrereview siya for the coming Board kaya bakit ba lagi ko na lang siyang iniisip?

Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko before standing up. Inayos ko ang necktie ko at sinuot ang coat. I grabbed my phone and heaved a sigh before going to the conference room kung saan naghihintay na yung mga board members.

We'll be having the monthly meeting tungkol sa sales stock ng company at tungkol din sa bagong investments. The usual work, that is. Kaya mukhang magiging busy na naman ako dahil dun.

Napatayo si Claire ng lumabas ako ng office at walang imik na sumunod sakin papunta sa meeting. Natahimik ang lahat pagpasok ko ng conference room. Andun na ang lahat ng board members at mukhang ako na lang ang inaantay. I nodded as my greeting before settling in my chair.

Tumayo naman si Jace Alarcon, President ng Finance at isa sa nakakausap ko sa company dahil halos magkaedad lang kami. Nagsimula na ang meeting. I was half-distracted kaya pilit kong iniintindi ang report ni Jace.

"Investors from Thailand have come to offer us a deal. This can be beneficial for the company since we haven't reached out to other countries in South East Asia." I nodded as Mr. Alarcon continued his report.

"What do you think Mr. Sandoval? Should we consider the offer?" Binalingan ko siya with the usual poker face. Kapag nasa trabaho, hindi ko gusto na laging nakangiti sa mga employees ko dahil gusto kong seryosohin nila ang lahat. I want to be efficient in this job kahit tinanggap ko lang naman ang pagiging CEO para sa kaligayahan ni Lourd at ni Monique.

Napatingin sa akin ang lahat ng board members, waiting for my response. Napabuntong hininga ako bago tumayo at lumapit sa kinatatayuan ni Mr. Alarcon.

"I think it would be a good idea if we consider this offer. As Jace have said, this would be beneficial for the company." I stated. Inantay ko naman ang magiging reaction ng board members.

"Pero Mr. Sandoval, nagkaroon na ng ganitong scenario noong si Senior Sandoval pa ang CEO ng company. Hindi naging maganda yung kinahinatnan ng deal. Meron din kasing reputation ang mga investors from Thailand kaya yung ibang companies ay umiiwas na lang sa kanila. We lost millions of money from the account and we even have to remove employees. We can't risk that now. We're still on the verge of recovering from the incident." Mr. Nolasco suggested. Isa siya sa pinakaclose na business partner ni Dad. Nakita ko naman ang pagsang-ayon ng iba sa kanya.

"We have to take risks, Mr. Nolasco. Pano ba tayo makakarecover if we don't step out of our shells, if we don't reach out to others?" I pressed my lips into a thin line pagkatapos ko yung masabi. Para kasing hindi tungkol sa company ang pinagtutuunan ko.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon