DEDICATED TO ZAYN MALIK. I'LL ALWAYS BE HAPPY IF HE'S HAPPY WITH HIS DECISION. I WILL ALWAYS LOVE ONE DIRECTION AND I'M A PROUD DIRECTIONER. I'M SO PROUD OF THESE FIVE BOYS: ZAYN, HARRY, LIAM, NIALL AND LOUIS. --
Chapter Twenty-One.
“Thinking”
“So by December 12, tapos na ang finals niyo?” I clarified nang makaupo kami ni Eleanor. Nasa loob na kami ng plane para makabalik na ng Maynila. Hindi din ako makapaniwala. Tapos na yung bakasyon namin―kung bakasyon man nga iyon.
“Right.” She smiled as she nodded.
“Okay. So hindi na lang muna kita gagambalain. You should study for your finals. Kailan pala uli ang start ng next sem niyo?” Tanong ko.
“January 26, if I’m not mistaken.”
“Ah, okay.”
***
Today is Tuesday and as usual, andito ako sa office para magtrabaho. At simula kahapon, nang makabalik kami ni Eleanor galing Boracay ay hindi ko na siya ginambala. She should focus on her Finals this December considering na last year niya na ito sa kanyang Law School. One more sem at gagraduate na din siya with her degree in Law.
At ngayon ko lang na-realize na boring pala talaga kung wala siya. Masyado na din kasi akong nasanay na kasama siya. Madalas din kasi siyang bumibisita ng office ko kahit walang pasabi. And I got used to the idea of her by my side.
Is that a bad thing?
“Sir Chance, remind ko lang po na may meeting kayo with Senior Sandoval in ten minutes. Then after that, naka-schedule po ang pagdating ni Mr. James Aldea para daw bisitahin kayo.” Napapitlag ako ng magsalita si Claire. Ni hindi ko napansin ang pagpasok niya. Napangiwi tuloy ako at napatingin sa kanya.
“Okay. Thanks for reminding me.” She nodded and made her way out.
Napasapo ako sa noo ko. Mukhang masyado na nga akong nagiging dependent sa presensiya ni Eleanor at nalilimutan ko na ang mahahalagang bagay. Hindi naman ako ganitong distracted pagdating sa trabaho. Nawawala na yata ang sense of purpose ko sa mga bagay-bagay.
Napatayo ako at inayos ang sarili ko. Bihira na lang bumibisita si Dad sa kompanya at ang madalas na nagiging dahilan ng kanyang pagpunta ay ang pagpupumilit niya sakin na maghanap na ng mapapangasawa. I don’t even know why they keep on pushing that. 24 pa lang naman ako at yung iba nga diyan ay mga early thirties na nag-aasawa.
With a shrug, dumiretso na ako sa conference room to meet my father. Nadatnan ko siya na nag-aantay sa loob with the usual look on his face. Sa aming magkakambal, si Lourd ang nakakuha ng facial features ni Dad. Mas kamukha ko naman si Mom katulad ni Fier kaya hindi mo aakalain na twins kami.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
Ficção Geral[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...