-9-

173 7 1
                                    

Chapter Nine.

"Frozen"

 

"Bakit parang hindi ko nakikitang kasama mo si Kai?" Lourd asked curiously pagdating sa Dining room. Andun na din pala si Mom and Dad pati na din si Fier at ang asawa niya. Siyempre hindi naman mawawala si Lourd at Monique. I wanted to choke or something dahil ako lang yung mag-isa at walang kasama.

It's been three weeks when I lost my temper and kind of yelled at Eleanor at hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya kinakausap. Kasalanan ko naman siguro so I won't blame her if she doesn't talk to me.

Baka naubusan na siya ng pasensya sa isang bitter na katulad ko. Wala naman yun sakin kung ganun nga. Hindi ko naman hininga na tulungan niya ako.

It was Monday and hindi muna ako pumunta ng office para makapag-lunch with the family. Napatingin lang ako kay Lourd at napansing lahat sila ay inaantay ang sagot ko. Kahit hindi naman sila magtanong or magsalita, alam kong nacucurious sila kung ano ba ang meron samin.

Ano nga ba ang meron samin? Wala. Nothing. We're friends at ako na isang gago ay tinulak pa siyang palayo.

I scoffed, "Why ask me? We're not even together." I avoided their lingering stares when I realized that my voice sounded bitter. Hindi na sila nagtanong uli at nagpatuloy sa pagkain. Iniba na ni Fier ang usapan at napunta sa nalalapit na kasal ni Lourd at Monique. Ang lapit na pala talaga dahil one week na lang ay ikakasal na sila.

But I was too distracted to care. My thoughts are on some girl na hindi ko pa rin nakakausap dahil malamang galit yun sakin.

"Will you bring a date to the wedding, Chance?" My mom asked at sa pangalawang pagkakataon ay natahimik na naman ang lahat as they waited for me to reply. Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa mga nakahaing pagkain.

"I can only try, Mom." I gave her a reassuring smile. I was thinking about bringing Eleanor to the wedding pero pano? Hindi ko pa nga siya nakakausap. How can I expect her to come with me at Lourd's wedding?

Karma lang yan, Chance Sandoval. You've been such an asshole.

Natapos ang lunch at nagbihis ako into a three-piece suit before driving to my office. Usual work pero nakukulangan talaga ako. Sanay na naman akong minsan ay nagiging missing in action si Eleanor because well, she is Eleanor pero naiinis ako.

Naiinis ako sa sarili ko for being such an asshole. Naiinis ako kay Fier at Lourd na paulit-ulit binabanggit sakin si Eleanor kaya mas lalo kong naaalala na hindi ko pa din siya makausap kahit sa phone. Naiinis ako sa araw na to. Damn.

Siguro nasanay na ako sa presensiya ni Eleanor sa tabi ko. Madami na kasi kaming napuntahan at madami na siyang pinakilalang babae sakin pero if I were to be honest with myself, alam ko namang wala akong pakealam sa mga babaeng pinapakilala niya sakin.

Masaya kapag single ka dahil parang lahat ng taong makikilala mo, may possibility. pero hindi naman siya masaya if you're interested to another girl and she's nowhere around kaya ito at nababagot ka sa buhay mo.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon