Chapter Eighteen.
"Gambling"
"Where are we going, anyway?" Tanong niya. We were already at the airport that time. Nagpark na ako bago siya balingan ng nakangiti, "We're going to a vacation." I said sheepishly.
"What the hell." Saad naman niya. Tinikom ko na lang ang bibig ko. Nauna akong bumaba ng sasakyan para pinagbuksan siya ng pinto. Nakanguso lang si Eleanor at sumunod sakin papasok ng airport.
It actually surprised me na wala siyang ginawa at hindi naman siya nanlaban masyado. I readied myself for the worst reaction I can get from her: a punch in my face or a kick in my family jewels. But whatever it is, nakakabigla lang na kalmado siya ngayon and that she took things calmly. Eleanor can be really weird at times. Mabuti na lang at naipahanda ko na kay Claire ang lahat para sa plano kong ito.
I know it's lame and this plan absolutely sucks but I have to do it. Kasi kung ang kapalit nito ay makasama ko si Eleanor at hindi siya sumama sa ibabang lalaki, then so be it.
"Paano ang mga damit ko?" Tanong niya as she took a seat in one of the drab gray chairs para sa mga nag-iintay. Nakatayo lang ako sa harapan niya, studying her.
"Glad you asked," I smirked. "Naipaalam ko na sa family mo ang tungkol dito. They gave me permission para isama ka dito. Yung housekeeper niyo ang nag-empake ng gamit mo. Our things will be here in a while."
Napakunot ang noo ni Eleanor, "You planned everything? Bakit parang handang-handa ka?"
Napangiwi ako, "Sabihin na nating 50% lang yung pagiging handa ko." Hindi niya naman iyon pinakinggan dahil pinandilatan niya lang ako ng mata. I forgot na galit pa rin pala siya sa mga nangyari.
"Kung sinabi mo na lang na gusto mo kong makasama, diba? Hindi yung aabot pa tayo sa punto na kikidnapin mo ako!" She said, half-amused and half-irritated.
Napahawak ako sa batok ko, "Can we forget about that already? I know I messed up. My plan sucks."
"Tss. Buti alam mo." She rolled her eyes. Maya-maya pa ay dumating si Claire kasama ang driver namin na dala-dala ang luggage naming dalawa.
"Thanks a lot, Claire." I grinned and gave my Assistant a wink. Napangiti lang siya ng mapang-asar sa aming dalawa ni Eleanor bago mabilis na nagpaalam at hinila ang driver papalayo. Dinala lang nila ang gamit namin at umalis na din kaagad. Well it's good for me dahil ayokong sagutin ang mga tanong nila.
Napatayo si Eleanor mula sa pagkakaupo at tumingin sakin. "You're unbelievable. You even dragged Claire into this?" She grumbled.
Napangisi na lang ako bago bitbitin ang gamit namin at dumiretso sa ticket counter. Binigay ko kay Eleanor ang tickets. I was grinning like an idiot the whole time kahit nasa loob na kami ng plane. Pakiramdam ko ay para kaming mag-asawa on our way to our honeymoon. I sound cheesy, alright.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
Fiction générale[For my beloved Chance Lucas Sandoval] Chance Lucas Sandoval meets Eleanor Kai Gonzales in the most unlikely place, and you can guess that the most unlikely thing happens. He agrees to date other women, as Eleanor has stated, to help him move on wit...