Chapter 6

118 8 0
                                    

True

“Nako friend kailangan mong magsorry dun!”-Jhae

“Bakit naman ako magsosorry dun?Eh wala naman akong kasalanan ah!”-sagot ko.

“Pwes,makunsyensya ka!”-sigaw nilang tatlo.

Yun nga, natapos ang araw na ito ng puno ng kalungkutan.Nakukunsyensya ako.Naglalakad na ako ngayon dito sa garden namin sa bahay, ang lamig at ang sariwa ng hangin. Pero hindi parin maalis sa isipan ko si Rain, pero… kasalanan niya yun, hinatak niya ko kaya nakakuha siya ng malakas na sampal. Matawagan ko nga si kuya Leed.

Tatawag na sana ako kay Leed nang merong unang tumawag sakin. Si kuya Prince.

[Krease?] “oh? kuya xander bakit?”

[Diyan ba sina mom at dad sa bahay?] “Si mom merong overtime ngayon dahil merong naaksidenteng bus kanina, kulang yung doctor kaya nag extend time of work niya.”

[At si Dad?] “Si dad, hindi ko alam hindi pa naman siya tumawag pero siguro pauwi nayon”

“Ma’am Krystal,si sir po hindi makakauwe merong emergency daw sa seoul kaya pumunta siya don ngayon.”-sabi ng katulong namin.

“Oh kuya narinig mo naman siguro sabi ni manang hindi ba?” [Oo narinig  ko......si-- si Miracle pala?]

“Dun sa kwarto niya with her personal yaya”[Alam mo naman siguro ano..]

“Yes, Diyan ka sa kaklase mo matutulog no?” [Oo]

“Pupunta muna ako kina  Leed kuya” [ Sige bahala kana malaki ka na eh, sige busy kami bye!]

“Bye!!!”

                Hay.Ganyan ang family namin, minsan lang kami buo sa bahay. Minsan nga hindi na kami nabubuo eh. Kaya walang pake sina dad at mom if ever nakikitulog si kuya kahit saan. At nakikitulog din ako kahit saan. Si Miracle lang ang palaging naiiwan sa napakalaking bahay. Syempre marami din kaming katulong dito kaya safe naman siya kahit wala kaming lahat.

“Hello Kuya Leed?” [ Oh taltal, bakit?]

“Punta ako diyan ok lang ba?” [Ok naman kaso wala dito sina mama at papa eh]

“Si mama din nga wala dito.” [Dito ka ba matutulog???]

“Ewan, hindi ko pa alam pero pupunta ako diyan ngayon ok? [Ok!]

                Parang kuya ko na si kuya Leed kung kayat Taltal tawag niya sakin, shortcut daw ng Krystal. Naging close kami sa isa’t isa noon dahil pumunta si mom sa paris para sa isang trip at sinama niya ako at kasama din namin ang kanyang ka co-workers na mga parents ni kuya Leed. And isinama din siya. Naging close kami sa paris ng sobra dahil tuwing may pupuntahan sina mommy at ang parents niya kami ang naiiwan sa hotel. Nagbobonding kami at naging para ko na siyang kapatid.

“Taltal!!”-sigaw niya sakin nang nakababa na ako sa kotse.

“Tenten!!!”-sigaw ko sa kanya pabalik –shortcut yun ng Austen- niyakap niya ko.

                Sa aming dalawa wala nang malisya ang paghalik sa cheeks at pagyayakapan dahil ganun talaga kaming dalawa ka close.

“Ikaw lang tao dito?”- tanong ko sa kanya.

“ Hindi, nandito si Maen at si Steph.”-sagot niya.

OHnoes STEPH!! Patay!! 

                Pumasok kami sa loob ng bahay nila. Ang gwapo talaga ng kuya ko, ang linis, ang puti at makikita mo talaga sa mukha niya ang kabaitan.

“Movie!Nood tayo ng movie!”-sabik na sabik na sabi niya sakin.

“Sige nuod tayo” –sagot ko.

“Diretsyo kalang sa kwarto ko ha, don tayo manood. Kukuha lang ako ng pagkain”-sabi ni kuya Leed.

                Dumiretsyo ako sa room niya at pagkaopen ko ng pinto.

“Ah!”-napasigaw ako.

The Teardrops in My Umbrella♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon