Chapter 18

75 5 0
                                    

Family

“Dad? Sabihin niyo lang kong  ipapamigay niyo ako ha..Tanggap ko naman po!” –nakakainis. NAKAKAINIS!

“Anak, ang ganda mo. Kaya hindi ka namin ipapamigay lang no!” – Papa

“Eh.. bakit kasi kailangan maging maganda aber?”

“Eh kasi nga..kakain tayo kasama ang mga pearson…nakakahiya naman anak sa mga anak nilang lalaki kong pangit ka…Kaso hindi ang ganda mo!” –Mama

Hay naku!!MGA PEARSON!!! Wala nakong kawala..Nangbobola pa sila.. Eh baka nandun si Kuya Leed eh! At malamang andun din si Rain!

“Nangbobola ba kayo?..Salamat ha..wala akong piso…”

“Anak totoo ang sinasabi ng mama mo! Ang ganda-ganda mo kaya..” –Papa

“Oo nga ate ang ganda mo! Mukha kang prinsesa!” –Miracle

“Salamat ah..Tayo na nga dad naiinip nako..”

“O sige..mabuti pa ngang umalis na tayo baka naghihintay na sila dun..”

Sumakay na kami sa kotse at si Papa yung nagdrive. Trip niya eh..Ayaw niyang may bitbit kaming driver . Si mama sa harap din kasama ni papa. Yung suot nila casual malamang. Si Papa nakapolo. Si Mama naman na dress ng blue pero di naman sobrang ingrande. Si Miracle naka dress din kulay purple cute niya nga eh. At ako naman, ito naka dress ng pink. Parang cute yung dress syempre ako bumili nito eh. Pero above the knee siya ,tube at may transparent sleeves. Cocktail Style.

“Oh nandito na tayo!” –Papa

“Oh mukang nandito na sila Pa! Nandun na mga kotse nila oh.”-Mama sabay turo sa mga kotse.

Mga kotse! Wow ha. Tig-iisa ba silang punta dito? Red yung isa. Black yung isa at  yung isa Blue.

“Oh tama nayan Miracle! Naka-ilang oras kanang naglalaro niyan ha.Hindi pwede.” –Papa sabay turo kay Miracle na naglalaro ng ipadmini2 niya.

“Mamaya nayan papa! Tara na sa loob”- Mama

“Tara na” –Papa

Bumaba si Mama at Miracle. Bumaba din si Papa at pinagbuksan ako.

“Salamat pa”

“Tara na oh kita mo !!Ang bakal mo kasing kumilos ayun na si mama  mo oh”-Papa sabay turo kay mama na nasa loob na.

Isa siyang restaurant. Pero ang nakapagtataka lang. Walang tao.

“Pa bakit walang tao?”

"Hahaha! Yun nga ang problema ko! Yung mga Pearson talaga. Ako yung nag pa set-up na kumain pero sila na ang nag-ayos kung saan, kalian at kung ano-ano pa. Malay ko bang rerentahan talaga nila tong  restaurant na to sa araw na kakain tayo dito.” –Papa

“Wow pa ha hindi ka na nahiya. Sila magbabayad nito. Kung sa restaurant nalang natin kaya. Malaki pa dito yun at wala nang gastos”

“Eh sila yung nagpumilit na dito eh. Saka maganda naman dito”-Papa

Maganda nga. Yung restaurant namin kasi pang sosyal lang. Ayaw siguro nila na pang sosyal yung kinakain. Mukha kasing eco-friendly tong restaurant. Napuno siya nang bulaklak sa paligid.

“Pa!” –tinawag ko si Papa dahil naglalakad na siya papunta sa loob.

“Oh.bakit nak?”

“Papa..uhmmm,,..pano po kapag….kapag…”

“Kapag ano. Dali may naghihintay oh.”-Papa sabay turo sa loob.

“Kapag may boyfriend nako”

“……..”

“Pa!”

“Ipakilala mo nalang sakin Krystal. Kailangan kong makita yan at makilala.” –tapos umalis.

Badtrip naman!Ampupu. Eh nasa loob boyfriend ko eh!

“Kaya mo to Krystal!Fighting!”

The Teardrops in My Umbrella♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon