Chapter 16

76 5 0
                                    

Night

                 Nandito nako sa higaan nakaupo, nagcocompose pa kasi ako ng excuse ko kina mama at papa kong bakit hindi ako ngayon makakauwe.

~Ring.Overdose~

“He-hello?” [ Oh, Princess! hindi ka ba uuwi sabi nina mama?]

“Kuya prince, ikaw nalang muna bahala kina mama. Gumawa ka nalang nang kong anong excuse bahala ka pero hindi ako makakauwe ngayong gabi.” [Sure princess pero next time , ikaw naman gumawa ng excuse sakin ah!]

“Oo na!” [Sige, hindi na ako magtatanong kong nasaan ka pero mag-ingat ka diyan ah.]

“Oo, sige babye kuya! The best ka talaga thank you ulet!” [Neh!Love you princess!]

~endcall~

                Sabay ng pag-end ng call lumabas na mula sa bathroom si Stephen.

“O_O”

“Oh bakit ganyan ka makatingin”

                Hindi ko siya pinansin kundi nahiga nalang ako sa kama at pumasok sa loob ng kumot.

“Wala, pagod na ko. Matutulog na ko goodnight!”

                Hay walang asal! Lumabas nga ng bathroom hindi pa nakapagbihis tanging lampin lang yung gamit niya! Nyemas naman lampapa! Kita ko abs niya!. Pagod na talaga ako ngayon. Another day nanaman bukas marami namang poproblemahin. At si kuya Leed pa ang nangunguna sa problema ko. Nagulat nalang ako ng may biglang nahiga sa tabi ko.

“Oh? Saan ka matutulog?”

“Here..”

“Here?!!?? Doon ka sa sala!”

“Ako ang magbabayad ng room na to kaya ako ang may right para mahiga dito..”

                Ipinikit na niya yong mga mata niya para malaman ko na dapat na kong tumigil sa pagdadaldal. Pero bahala siya ayaw ko siyang makatabing matulog!

“Doon ka!” –sigaw ko sa kanya at naipoke ko yong ulo niya.

“Stop poking my head beauty. I also need to rest”-sabi niya at kasabay nito niyakap niya ko.

“Uy, Stephen!”

“What…”

                Magkadikit na yong mga katawan namin ngayon na nakahiga.

“Bitawan mo nga ako!”

“Why, what’s wrong?”

                Arghh!!

“WALA!!!”

“Goodnight beauty” –sabi niya sakin at kasabay nito ang paghalik sa ulo ko.

“Goodnight” –sabi ko sa kanya at nahiga na ako sa chest niya.

Nakatulog ako doon.

Morning

“Oh, anong tinitingin-tingin mo?!” –sigaw ko dahil pagkamulat nang mga mata ko nakita ko siya sa harapan ko nakangiti.

                Tinitingnan niya ako. Baka matunaw ako ano ba! Magkaharap kami ngayon sa malaking higaan na to.

“You are so beautiful beauty.”

“Wow Stephen alam ko na yon!”

“Ako, gwapo ba ko?”

“Wow ha!Ikaw na ang feeler ngayon THE ang panget mo!!”

                Nabigla nalang ako dahil bigla niya akong hinalikan.

“Panget parin ba ako beauty?”

“The, sa isang kiss magbabago ang desisyon ko? Ganon?”

~Ring.SOMEONE CALL THE DOCTOR~

                Bigla akong napatayo sa higaan at sinagot.

[Princess!!Umuwi kana hahanapin ka ni Papa!]-sigaw ng kapatid ko sa phone na para bang may masamang nangyare.

 “Bakit anong nangyare??”

[Sorry princess, palpak ako. Sabi ko kay mama may group project ka!!]

“Eh, ano ngayon!?”

[Papunta na si Papa sa mga kaibigan mo susunduin ka raw niya roon!!]

“Bakit ba??”

[Hindi ko rin alam princess pero yung tatlong bahay ng kaibigan mo pupuntahan niya ngayon yon!]

“Anong gagawin ko??”

[Umuwi ka nalang para ma solve to!!]

“Sige, sige UUWI NA KO!!!!”

                Dali-dali kong binaba ang cellphone ko at nag-ayos na. PATAY! Wala akong damit !!pantulog toh! Anong gagawin ko! Hay! Bahala na nga!!

“Stephen!”

                Bigla naman akong nagulat dahil nakita ko nalang siya na nakaupo sa kama at pinagmamasdan ako. Ay LAMPAPA to ah! Habang nababaliw na ko dito kong anong gagawin ko , siya naman to ngayong parang kalmado lang na kung tutuusin siya pa ang may pakana kong bakit ako nandito!!

“Hoy!!”

“Oh!” –Cool niyang sagot!

                ARGGG!!Papatayin kita!!!Pero hindi ngayon!

“UY! Yung uniform ko dalhin mo muna pauwi! Kukunin ko nalang yon mamaya sa bahay niyo pero kailangan ko na talaga ngayong umuwi!!” –sigaw ko habang tinuturo ko siya.

“Fine!”

“Sige babye na!”

                Bigla akong tumakbo palabas, diretso sa elevator. Kita ko naman na nagtitinginan yong mga tao dahil damit pantulog yung suot ko ngayon!! Pero bahala sila!!

The Teardrops in My Umbrella♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon