Chapter 14

96 6 0
                                    

   Right

            Nagulat nalang ako sa sinabi ni Kuya. At nakita ko din na may mga patak ng luha na bumabagsak sa kinatatayuan niya.

“Kuya.. Huwag kang umiyak”

“Krystal!!!”

                Hah..Familiar yung voice OMG si-s-Stephen!! Tumakbo si Kuya agad agad palayo. At lumapit naman sakin si Stephen.

“Hinintay mo ko?” –tanong ni sakin.

                Hindi ako makasagot. Grabeh nakakaStress lahat nang nangyare sakin ngayon.

“uhmm”

                Nabigla nalang ako dahil hinalikan ako ni Stephen sa cheeks.

“Ano ka ba!”-sigaw ko at itinulak siya.

“Hindi mo kasi ako pinapansin kaya napilitan akong halikan ka.”

                Anong gagawin ko. Gusto kong  icontrol yong time para naman makapagpahinga naman ako kahit kunti lang. Tiningnan ko Stephen. At nakatingin din siya sakin.

“Ohh..bakit ganyan ka makatingin Beauty?”

“Wala” –sagot ko at niyakap ko siya.

                Naramdaman ko din ang pagngiti niya sa mga likuran ko. Napapikit ako ng mata habang niyayakap siya. Hay, kahit sandali nakahinga din ako nang maluwag.

“Thank you” – sabi ko sa kanya at umalis na ko.

“Opppss, san ka pupunta” –tanong niya sakin at hinawakan ang kamay ko.

                So nakaholding hands na naman kami ngayon.

“Pagod na ko Rain, Uwi na ko.” – sabi ko sa kanya.

“Tara nood tayo ng sine” – sabi niya at kinaladkad ako papunta sa kotse niya. Hindi naman ako makalaban kaya nandito na kami ngayon sa loob ng kotse niya.

“Pagod nga ako diba! Hindi ka ba marunong umintindi non! Gusto ko nang matulog at makapahinga.”

“Yun nga, dadalhin kita sa sinehan para ma refresh din yong utak mo…”

“Refresh eh nakakapagod yun diba!” –sigaw ko.

“You know beauty, sabi ko manood tayo ng sine, para din yon sayo para makatulog ka nang mabilis.. kailangan mo muna makapagrefresh..at isa pa hindi naman natin gagawin ang nakakapagod na bagay sa sinehan….”

“Manyakkkkkkk!!!!” –sigaw ko sa kanya.

                Nagpikit ako ng mga mata ko at nakatulog ako. Pagkadilat ko ng mga mata ko. Nandito na kami ngayon sa mall.

“Tara” –sabi niya sakin

“Hay, naku Stephen iuwi mo nalang kaya ako.”

“Ano!  Nagdrive na nga ako kahit pagod rin ako tapos pagdating dito wala din naman palang saysay yong effort ko?”

“Sige na nga tara na!”

                Hay, sobrang pagod na kasi talaga ako. Dumiretso kami sa third floor ng mall para manuod na nang movie.

“Gusto mo popcorn?”

“Ahh, Huwag. Pagod narin akong kumain tara nasa loob para naman makatulog na ko..” –sabi ko sa kanya.

“Mabuti pa nga” – sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko.

                Nandito na kami ngayon sa loob ng sinehan. Hay, hindi ko alam yong title ng movie na pinasukan namin ni Stephen. Pero muka siyang fairytale na palagi nalang may kumakanta kaya nakakaantok tuloy. Kung titingnan sa paligid.. hay nako, wala din namang ditong tao.

“Stephen..”

“Bakit?”

“Inaantok ako..”

“Halika nga dito”-sabi niya at inakbayan ako.

                Wow,.swerte ko naman sa boyfriend ko. Nakasandal ngayon yong ulo ko sa braso niya. Napatingin ako sa kanya. Gwapo rin naman. Nakataas yong buhok niya kahit ang gulo yun yong hairstyle niya eh, tapos ang strong ng aura niya. Oo nga talagang napakaswerte ko nga. Sabi nga nang mga ewan kong kaibigan, si Stephen na ang pinapangarap ng lahat. Gwapo, active din siya sa student council at oo nga pala vice president si Stephen sa regular student council at isa din siyang basketball player. Member din siya ng team ng volleyball, badminton at marami pang iba.. Hindi ko alam na isa din pala siya dancer, folkdance.Sumali sya this year. Ano kaya magiging reaksyon ko kapag nakita ko tong sumayaw. Nakakatawa siguro.

“Beauty…”

“Uhhmmm??Bakit??”

“Baka matunaw ako…”

“Hah? A-ano ka!!! feeler mooo!” – sigaw ko at napunta ang direksyon ng mga mata ko sa palabas.

“Crush mo din naman kasi ako. Nagpapanggap ka pa.”

                Aba feeler talaga. Pinikit ko ang mga mata ko.

“Beauty.. beauty….”

“Ah..hah?bakit?”

“Tapos na yung movie!”

“hah, tapos na ba? ano yong ending?”

“Namatay si Lannie”

“ Hahh??Sinong Lannie??”

“Halatang hindi ka nanood…”

“Ahhh..si Lannie yong ,…yong …yong karibal??”

“Beauty…” –bigla niyang inilapit yong mga mukha niya.

“Ohh??”

“Keep quiet”  -at bigla niyang hinatak yong kamay ko at lumabas na kami sa mall.

                Pumunta kami sa kotse ni Stephen. Gosh nakakahiya sa mga tao dito nakasuot pa kasi kaming dalawa ngayon ng school uniform namin.

“Ayaw mag-start!”

“Hahh???Bakit ayaw?”

“Ewan ko..”

                Naku po pagod na pagod na po ako. Ano bang nagawa ko at talagang ang malas ako ngayon. Sa kasamaang palad yong kotse ni stephen ayaw mag start.

“Naku!!”

                Bigla akong napasigaw dahil bigla ring umulan.. Talagang anak ng tokwa malas talaga.

The Teardrops in My Umbrella♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon