Chapter 15

85 5 0
                                    

Rain

                Lumabas kami ni Rain para makisilong sa isang shop malapit sa parking lot na to.

“Mag taxi nalang tayo”-sabi ko kay Stephen.

“Sa tingin mo makakasakay tayo sa taxi na ganito tayo ka basa?”

                Aba! Oo nga pala basang basa kami ngayong dalawa!! tinakbo namin tong shop na to para makasilong pero aba’y parang lahat na ng parte ng uniform ko basa pati narin yong skirt ko! Gosh.

“Tara..”- bigla niya nalang akong hinila.

“Saan tayo pupunta??”

“Dito..”

                Naku po, hotel to ah. Omg may mangyayari mamaya na hinding hindi ko talaga gusto!!

“Hi Sir and Ma’am” – bati saamin ng babaeng sa counter ng hotel na to.

“Hi Ms, can I have a room?” –tanong ni Stephen.

“ You need 2 -2 -2 ro-rooms sir?”

                Nako, the way magsalita tong babaeng to parang daga ah. Nagpapacute yata kay Stephen tapos parang matutunaw na dahil nakikita niya na yung abs ni Stephen. Basa rin yung uniform niya kaya halos mamatay na yung malanding babaeng to.

“No, I need only one.” – sabi ni Stephen.

“Para sa inyong dalawa sir??”

                Nako ang landi!!! hindi, hindi para sa inyong dalawa nalang gusto mo? Arghhhh!!

“Yes..” –sabi ni Stephen.

                Bigla naman napatingin saking yung girl at tiningnan ako paa hanggang ulo, ulo hanggang paa. At mababasa ko sa isipan niya na sinasabi niya na kitams naman na mas maganda ako. Hay nako kung hindi lang ako pagod ngayon aba talagang natamaan na yan  ng kidlat sa special powers ko.

“ Ito po sir, room 2788 po sir.”

“Ok, thank you” –sabi ni Stephen at bigla niya nalang akong inakbayan. “Tara na beauty.”

“Welcome po sir!” – sigaw ng girl.

                Nako sorry ka,  sorry na sorry ka! Pumasok na kami ngayon dito sa room 2788 na to. Malaki din siya pagkaopen palang meron nang sala at television set at kapag pumasok ka naman sa isang room na to isang kama lang talaga at merong isang bathroom. Meron pa nga pala akong problema paano ako makakatulog nang mahimbing nito dahil wala akong mga damit. Ano? matutulog ako ng ganito, basa?.

“Where here.” –biglang sinara ni Stephen yong pintuan at inilock.

                Bigla naman siyang lumalapit sakin at lumalayo din ako. Lapit. Layo. Lapit. Layo. Lapit. Patay nandito nako sa dulo!! trap nako dito!!! ahh!!!mamamatay na ako!!!.Nabigla naman ako dahil bigla niya nalang akong hinalikan. Hindi ko alam, hindi niya sinasabi kong anong gagawin niya. Dumidiretso nalang siya kong ano talaga yong gusto niyang gawin. Hinahalikan niya ko at pinapasok niya yung mga lips niya sa lips ko ng sobra. Napahawak din naman ako sa uniform niya malapit sa chest. Hinahawakan ko to na parang nilulupot. Nako, hindi ba siya titigil. Hinalikan pa niya ako ng hinalikan at hinawakan niya ko sa likod at pinalapit sa kanya. Hindi ko nalang namalayan na sa sobrang tagal niya nakong hinahalikan binabalikan ko na pala siya ng mga halik.

~knock.knock~

                Bigla kaming nagtinginan. Binitawan niya ako at pumunta sa pinto. Pagkabukas niya nang pinto. Nagulat nalang ako dahil yung girl yong nakita ko.

“Hi sir ito napala yong mga damit sir”

“Thank you” –dali-dali ding kinuha ni Stephen yung mga damit at pumasok sa isang room. Pumasok din ako dun para makapagbihis.

“You first”-sabi niya.

“Hah? Ikaw nalang.”

“You first ito..” –bigla niyang ibinigay sakin yong pantulog na damit. “Suotin mo yan”

“Ikaw nalang”

“Bat ba ang kulit mo ikaw na sabi! So then kong ayaw mo, let’s save the water then.”

“Huh?”

“Let’s shower together”

“Ako na!!” bigla nalang akong pumasok sa bathroom.

Bahala siya ako nalang yong mauuna.

The Teardrops in My Umbrella♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon