Estorya nating dalawa

4 0 0
                                    

Di ko alam kung
paano
Saan
Kailan
O sa paanong paraan
Ko 'to sisimulan
Pero sige

Hahalungkatin ko
Aalahanin at hahanapin
Sa messenger
Sa facebook
O maging sa memo
At gallery ng cellphone kong ito
Ang naka save na detalye

Detalye kung saan
Detalye Kung kailan at
kung sa paanong paraan
Una ka saking nagparamdam

"Hi friend nakon sa fb"
Diba yang yung unang chat mo
 Chat na naging dahilan ng maagang pagkagising
Ng tita ko, mama ko, mga kapatid ko
Maging ng mga pinsan ko na noo'y nahihimbing

Nagising, Nagising di dahil sa alarm
O sa kadahilanang sinadya silang gisingin
Kundi dahil sa talim
Sa talim at lakas
Ng boses kong nagpupumiglas
 
ng sigaw, ng tili
Na nooy lumabas
sa animoy nakamegaphone na bibig ko
Di dahil may sunog, lindol, bagyo,
Aksidente, O kung ano paman
Pero dahil lamang sa chat mong
kay tagal Ko nang inaasam

Lumipas ang bawat minuto
Na sa bawat message mo
Halos maibato ko na ang phone ko
Pinagmumunimunihan ang bawat reply
Reply ko na sa bawat pag sent at delivered
Ay may halong kaba at excitement sa dibdib ko
Kaba sa iyong pagreply
Pagreply na nadudulot ng di pangkaraniwang
 daloy ng kuryente saking  katawan

Kilig
Na Dahil sa pasaway na kilig na yan
Napagalitan ako ng mama ko
Di dahil bawal o ayaw nya
Pero kasi....
Di ko napansin

Di ko napansin na natotorture na pala ang dingding
Ang haligi, ang kurtina, ang sahig, maging ang mga kagamitan Ng aming bahay
 naalarma na din  ang mga kapitbahay
Sa mga sipa,sigaw at pagwawala
Na di ko mapigilan
Sa sobra sobrang kilig na iyong dala
Sa pusong pinakainiingatan

Lumipas ang ilang segundo
Naglakbay papalayo ang bawat minutong
Dumadaan sa makulay na
 nooy mala desyertong
Pahina ng libro
Libro kung saan nakalathala
Ang estorya
 nating dalawa

Pinagpatuloy natin ang pag uusap
Nang maya maya'y
Napag usapan natin SYA
SYA na kasama ko
noong wala ka pa

Andami mong tinanong
Di naman sa masyado akong nagaassume
 baka naman kasi reporter ka lang talaga
Pero... hindi.. may kutob na kumain
Sa isip at damdamin ko
Pero mali!
Di tama..
binura ko ang kotob na yun
Dahil baka mali
Baka mali ako

Kahit na sa gitna ng
gutom at pagkauhaw
Tanging hinahangad ko'y ikaw
Kahit na sa gabi't araw
Nais makasama ay ikaw
Ngunit sa oras na toh
Nais kong malinaw
Malinaw Ang lahat
Ang lahat lahat

"Bat ba ang curious mo masyado"
Walang pagaatubiling reply ko sayo
Sa bawat paglitaw at pagkawala
Ng tatlong bilog na nagsasabing
Nagtatype ka pa
Di ko mapaliwanag ang kaba
Kaba na may halong saya

Hanggang sa!

Nak ng!
Besfriend ko na talaga si kupido
Nais kong magmura
O kaya'y tawagin diyos at  mga santo
At pasasalamatan sila

"Crush nga pala kita"
Putspa! Tandang tanda ko pa!
Sa pangalawang pagkakataon
Nakita ko ang pag aalala
Ng mga kasama ko bahay
Dahil na naman s'aking pagwawala

Animo'y hayop na nakawala sa zoo
O bilanggong nakatakas sa mga rehas
Na nooy nakakandado
O di kaya'y ang paglaya sa
Aquarium ng isdang si nemo

Ansaya!

Halo halo ang naramdaman
At sarili'y di napigilan
At agad agad ding inamin
Ang bugso ng damdamin
Na nooy ako lang nakakaalam
Na nooy sa tamis ng  imahanasyo'y
Karamay koy tanging mga langgam

Ansaya, ansaya ng araw na yun
Araw ng pag aaminan
Ng dalawang pusong noon pala'y
Nagtataguan lang

Sa panahon na yun ko nalaman
Na noon ka pa pala may nararamdaman
Noon, noon na maging ako'y sunodsunoran
At paraparaan sa pagsilay sayo na ngayo'y
di ko akalain na ganun
Ganun na ganun kadin pala sakin

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon