Pitong Letra

3 0 0
                                    

Sa kalawaka'y
Natatanging bituin
Pinakamagandang bulaklak
Sa no'oy maladisyertong hardin

Ikaw ang Tinig sa kanta
Tunog sa aking musika
Ikaw ang bumuhay sa tula
Dahil ikaw ang hanap kong tugma

Ikaw ang pangangib
Ngunit kahit ganun
Sinisigaw ka ng dibdib
Mula pa ito noon

Lahat ng letra
Sa alpabeto'y nagkaisa
Magawa ko lang at maipakita,
Maipadama na mahal kita

At kahit pa sabihin nilang
Pag ibig ay di tama
Di para sa isa't isa
At di raw tinadhana

Pwes, ayoko nang maging perpekto
Maging tulad ng inaasahan nyo
Maging sino ang nais nyong maging ako
Kung wala ka rin naman sa piling ko

Kung ang pagmamahal
Ko sayo'y di tama
Nanaisin ko pang
Maging mali nalang sana

Pitong letrang inuusisa
ng libo libong mata
Pitong letrang nag-uugnay
Sa ating dalawa

Pag di na masaya
Ibig kong ulitin pa
Pag di umayon ang tadhana
Ibig kong tayo nalang ang maglathala

Pag!
Kasi pag nawala ka
Ibig ko pa kayang sumaya?

Pitong letra
Na inuugnay ng linya
Linyang patungo sa
Magkabilang banda

Pitong letrang
Sa gitna'y dinudugtong
tayong dalawa

Ito... ang pitong letrang
Magpapaliwanag ng

Pinakamagandang musikang narinig
Pinakanagpapasayang hilig
Pinakaweirdong nadama ng dibdib
At.. tanging makakapagpaliwanag ng pintig

Pitong letra....
PAG-IBIG.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon