Ina

3 0 0
                                    

Pinagmulan ng mga
prinsipe't prinsesa
Kaagapay ng hari,
sa tahana'y mausisa
Siya ang tanging
napakagandang reyna
Ilaw ng tahanan,
dakilang tawag ay "Ina"

Siya ang kumot
Na sayo'y magpapainit
Poprotekhan ka sa lamig
ng mga problemang
 maaari kang maipit

Siya din ang tsinelas
Na magpoprotekta sa 'yong paa
Sa mga bubog ng balakid
na maaari mong matamasa

Siya ay si Ina

Ang calculator na
nag aayos ng gastos
Ang gripo ng pag asa
na tuloy-tuloy ang agos
Ang electricfan na sa gabi nagpapalamig
Siya si Ina na sinisiguradong makakakain
Kami kahit di magkalaman
ang kanyang bibig

Ina, nanay, mama,mommy,mudra
O kung ano pang tawag sa kanya
Nais kung sambitin ang mga katagang ito para sayo
Iniidolo kita, bilib ako sayo

aking inay
Patawad sa'king pagiging pasaway
Na kung minsan ubos na ang pagkain
Na sanay baon namin pag nalalaman ko
kung saan ito nakalagay

Ikaw ang nagsisilbing tinta ng ballpen ko
Maubos man ang pasensya mo..
Sigurado akong mga aral at payo mo'y
 nakasulat na sa utak ko
Salamat sa lahat ng sakripisyo
Salamat sa iyo... mahal kita
Mahal ka naming talaga
.....
Aking ina
......
Aming ina
.....
At sa lahat ng ina sa buong mundo
Kayo ang bida sa tulang ito

Kayo ay mga bayaning tunay
Sa'ming pangarap nagsisilbing tulay
Sa'ming buhay isa kayo sa nagbigay kulay
Inay , sa 'yong pagmamahal ay
Walang makakapantay.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon