Katanungang bumabagabag
Sagot ay nais mailatag😪
...
Pag ibig,💕
sagradong pakiramdam
Dumadating ng walang pasintabi't
Di mo namamalayan
..
Meteor garden,
nagsimula sa asaran😂
Cinderella,
nang dahil sa sapatos na naiwan😎
I'm not a robot,
Lunas sa kapansanan😊
Iba't ibang pangyayari
Ibat ibang paraan
Ibat ibang klase
Ng pagkahulog sa bangin ng pagmamahalan❤
...
Mga taong nakakasalamuha
sa araw araw na paggagala
Paano nga ba malalaman
kung sino ang susi sa kandado
ng pusong sarado
Pero paano kung Sa katotohanan
Di pala sa pisikal na anyo masisilayan
Pagkatao'y nakakubli
Maging boses ay di mawari🙊
...
Paano nga ba?Kung isang parihabang materyal lang ang nagsisilbing tulay nyong dalawa
..
Kung ang liwanag lamang ng cellphone
Ang umiilaw sa mundo nyong magkaiba
..
Kung ang tanging mareregalo mo lang ay emoticons,sticker,emoji at gif
Na umaaasang sa paraan na ito ay mapapasaya mo sya
..
Kung tanging battery ang nagdidikta kung magpapatuloy pa ang buhay ng cellphone nyong dalawa
...
Kung ang signal ang tumatayong kontrabida sa storya
...
Kung ang "i love you" ay hanggang sa cellphone lang mababasa
...
MAAARI NGA BA?
..
Maaari nga bang mahulog ka
Sa taong nagsisilbing kaluluwa
Ng cellphone mong kaharap mula gabi hanggang mag umaga?
...
Matatawag nga bang pag ibig ang lahat?😕
Mahuhulog ka nga ba sa taong nakakausap mo lang sa chat?
...
Walang kasiguraduhan,nagdududa
Dahil baka niloloko ka lang
At sa likod ng matatamis nyang salita
Ay ang lakas ng kanilang tawanan
..
Para sa akin, ang pag ibig ay sagrado
Tayo ang nagsisilbing hurado
Kung paano maging sigurado
Dapat ang pakiramdam ay plakado
..
Pero kung ramdam mo naman ang
Saya😊😍
Ng pagiging maalahanin nya
Yung pakiramdam na online daw sya
Para sayo lang at di sa iba
"Kumain ka na ba?"
Simpleng tanong mula sa kanya
Na di mo namamalayang nagpapangiti na pala at nagpapaningning ng yung mga mata
...
MAARI NGA BA?😕
..
makaka ani nga ba ng bulaklak
Sa hardin ng teknolohiya?
Nakakagawa nga ba ng daan
Ang internet sa puso't kaluluwa?
...
MAARI NGA BANG mahulog sa taong
ka chat mo lang pero lagi mo nang naaalala?😕
...
Ang pag ibig ay di dinidikta
Nararamdaman ito ng kusa
Di dahil sa pisikal na nakikita ng mata
O sa tunog na naririnig ng tenga☺️
...
Para sa akin...
Kung pakiramdam mo'y mahal mo na sya
Kahit ang tamis at anghang
Ng pagmamahal ay nadadama
Dahil sa chat o text lang...
Sige, sumugal ka😃
Sige,hayaan mong mahulog ka
..
Dahil ang pag ibig...
Ay isang malayang ibon
Na dadapo sa kahit anong sanga
Na kahit di pa alam ang panganib na maaring nakakubli lang at di nakikita
Sumusubok, sumasaya
...
MAAARI NGA BA?
...
wag gawing kumplikado ang estorya
Kung mahal ay mahal,
Ikaw na ang bahala
Basta't ang importante ay masaya
At kung matalo man sa laro ng pag ibig ay bumangon ka't ngumiti dahil 😊
Ang pagiging imperpekto ng buhay ay iyong nadama👌
Ingatan, pasayahin ,at ibigin mo sya
Kahit sa chat lang
Dahil pag puso ang nagdikta
Kahit anong apps, lugar, o paraan payan
Di parin mababago
ang kahulugan ng salitang "mahal kita".
..
Kahit sa paanong paraan
Diligan ang halaman na pag ibig
Mamumulaklak at mamumulaklak ito
Kahit paano o kahit saan
..
Kaya't "OO"
.....
Para sakin ay oo
Ang sagot sa tanong na
"MAAARI NGA BA?"
maaari nga bang mahulog sa taong sa chat lang nakilala😌
...
Uulitin ko..
Kung mahal ay mahal💕
Wag gawing kumplikado
Wag mong pigilan,Sumugal ka
Wag magpatali sa katanungang....
..
"MAAARI NGA BA?"