Mga tuyong dahon

3 0 0
                                    

Mahabang panahong nakakapit
Nakakapit at umaasa
Na para bang mga dahong
Nakakapit sa sanga
Hinaharap ang malalakas ng hanging
Nagsisilbing balakid
mula gabi hanggang umaga

Hanggang kailan?
Hanggang kailan tatanawin
Ang milyon milyong taong
Dumadaan..hihinto.. sasakay
At di man lang mapansin pansin ang tulad kong nakakubli lang
At natatakpan
Tanging nakasilip sa liwanag
Na tumatagos sa aninong
Nais masilayan

Sa pagdaan ng panahon
Tulad ng pagdaan ng bawat
Tao't Sasakayan
Ang matingkad na kulay ng pag asa'y
Unti-unting nandidilaw
Naglalaho... nalalanta't
Tumutuyo

Hangga't isang araw
 na di namamalayan
Bumitaw na pala

Bumitaw na pala AKO
Sa sanga ng
pag asang mapansin mo
Sa pag asang mabighani ka
Sa matingkayad na dahong tulad ko
Na sa katotohana'y
Tanging pangarap lang pala ito

Ngayo'y ramdam ang magaspang,
Matigas at malamig na lupang
Pinagbagsakan
Malamig na pusong naiwan
...
Nasaktan
..
Kinalimutan
..
Teka.. di ko nga pala
Masasabing kinalimutan
Dahil ni minsan
Di mo man lang ako natapunan
Ng kahit katiting na tingin
O kaya'y pasimpleng pinagmasdan

Tuyong dahon na ngayon nakahiga
Sa semento ng kawalan
Na sa bawat pagdaan mo'y
Tila bang pagdaan ng bawat sasakyan
Kasabay ng hangin na umiihip
Sa mumunting dahon
Na sumasabay
Sa pagragasa
Pag anod
Paghila
Pag ihip

Sumasabay na wari bang lumilipad at
Nakikipagkarera sa iba pang mga dahon sa daang walang katapusan
Sumusunod sa sasakyang
Tuloy tuloy ang pag andar
Tanging hangin ang nagdadala
Tanaw tanaw ang sinusundan
At hinihiling na sana'y lumingon ka

Lumingon ka sa isang tulad ko....

Pero gaya ng dati
Nawala din
Nawala ang ihip ng hangin
Pag ihip na tumulong
saking masundan ka
..
Maabutan ka
Sa kalsada ng pagmamahal
Na tanging ako lang
ang lumalaban at humahabol
Dahil kailanma'y di mo ko babalikan

Dahil ito ang kalsada ng pagmamahalang
 one way lang !
...

At ang tuyong dahon ay muling
Naiwan sa malamig na daan
Hinihintay ang pagbabalik mo
Na susundan ko na naman..
Aasa na naman
mangangarap na naman
Na huminto ka't
Ika'y maabutan

Walang katapusang pag sunod sayo

Pagsunod ng munting tuyong dahon
Sa sasakyang kailanma'y di nito maabutan.

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon