"Binigyan mo ng kulay ang aking mundo"
Linyang namumulaklak
Sa isip ng bawat tao😍
Sa tuwing maaalala ang bagay
Na kung tawagin ay krayola
..
Saya, makulay at pag asa😊
Ang nabubuhay sa pag uunawa
Dahil ito ang inihaharap sayo
Ng mapanlinlang na mundo
..
Buksan mo ang kabilang pinto
Ibang dimensyon, ibang mundo
Ibang pangangahulugan
Ng naiibang diksyonaryo
..
At ihambing ang krayola
Di sa kanya
Kundi
Sa sarili mo👀
..
Ako ang krayola
Krayolang nagbibigay kulay
Wika nga nila😊
Krayolang bumubuhay
Sa isang masining na likha💕
..
Simulan natin sa mga kulay na ito:
...
Berde't kayumanggi
Pagsibol ng punong magpoprotekta
Sayo mula sa init palagi
...
Asul
Kalangitan mo at
Maaari ring maging tubig
...
Pula,kahel at dilaw
Kung pagsasamahin ay magpapainit
Magbibigay liwanag sayo't
Maging sa buong daigdig
....
..
ITIM
minsa'y kawalan ng kulay at "Mga tuyong dahon"💔
By: Ronnie J.
Mahabang panahong nakakapit
Nakakapit at umaasa
Na para bang mga dahong
Nakakapit sa sanga
Hinaharap ang malalakas ng hanging
Nagsisilbing balakid
mula gabi hanggang umagaHanggang kailan?
Hanggang kailan tatanawin
Ang milyon milyong taong
Dumadaan..hihinto.. sasakay
At di man lang mapansin pansin ang tulad kong nakakubli lang
At natatakpan
Tanging nakasilip sa liwanag
Na tumatagos sa aninong
Nais masilayanSa pagdaan ng panahon
Tulad ng pagdaan ng bawat
Tao't Sasakayan
Ang matingkad na kulay ng pag asa'y
Unti-unting nandidilaw
Naglalaho... nalalanta't
TumutuyoHangga't isang araw
na di namamalayan
Bumitaw na palaBumitaw na pala AKO
Sa sanga ng
pag asang mapansin mo
Sa pag asang mabighani ka
Sa matingkayad na dahong tulad ko
Na sa katotohana'y
Tanging pangarap lang pala itoNgayo'y ramdam ang magaspang,
Matigas at malamig na lupang
Pinagbagsakan
Malamig na pusong naiwan
...
Nasaktan
..
Kinalimutan
..
Teka.. di ko nga pala
Masasabing kinalimutan
Dahil ni minsan
Di mo man lang ako natapunan
Ng kahit katiting na tingin
O kaya'y pasimpleng pinagmasdanTuyong dahon na ngayon nakahiga
Sa semento ng kawalan
Na sa bawat pagdaan mo'y
Tila bang pagdaan ng bawat sasakyan
Kasabay ng hangin na umiihip
Sa mumunting dahon
Na sumasabay
Sa pagragasa
Pag anod
Paghila
Pag ihipSumasabay na wari bang lumilipad at
Nakikipagkarera sa iba pang mga dahon sa daang walang katapusan
Sumusunod sa sasakyang
Tuloy tuloy ang pag andar
Tanging hangin ang nagdadala
Tanaw tanaw ang sinusundan
At hinihiling na sana'y lumingon kaLumingon ka sa isang tulad ko....
Pero gaya ng dati
Nawala din
Nawala ang ihip ng hangin
Pag ihip na tumulong
saking masundan ka
..
Maabutan ka
Sa kalsada ng pagmamahal
Na tanging ako lang
ang lumalaban at humahabol
Dahil kailanma'y di mo ko babalikanDahil ito ang kalsada ng pagmamahalang
one way lang !
...At ang tuyong dahon ay muling
Naiwan sa malamig na daan
Hinihintay ang pagbabalik mo
Na susundan ko na naman..
Aasa na naman
mangangarap na naman
Na huminto ka't
Ika'y maabutanWalang katapusang pag sunod sayo
Pagsunod ng munting tuyong dahon
Sa sasakyang kailanma'y di nito maabutan.💔At Kadalasa'y
ang pagkawala niya sa buhay mo
ang gagamiting paghahalintulad😢😒
...
Ako ...
Ay ang mga krayola
Na sa mundo mo'y nagpapaganda
Ako...
Na hinahayaang mabawasan
Ang sarili ko
Makulayan ko lamang
ang mundo mo
Ako...
Na nagbibigay kulay
Sa obrang pinakamamahal mo
...
Ako ang bumubuo ng mundo
Pero kahit na
Mabali
Mabawasan
Mapudpod na ako't
Maubos
Balewala parin😢
Dahil kahit anong gawin ko
Ang sketch o panimula
Ang mismong obra
ang tatatak sayo
Sya ang hahangaan, iingatan
SYA na minamahal mo't
Di AKO💔
...
maaaring ako nga ang nagbibigay
Kulay sa itinuturing mong
MUNDO
Mundo na hindi AKO...
dahil isa lamang akong pampaganda
Sa isang orihinal at panimulang obra
...
Na hindi AKO kundi IBA
..
Hindi AKO kundi SYA
...
Sya ang 'yong mundo
At ako'y mananatiling kulay lang
Na kung tutuusin ay
Nagsisilbi lang talagang
Di mapansin na anino....
Anino ng SYA
Anino
..
.ng..
..
iyong
..
MUNDO