A..BA.. KA .DA👌
ayusin ang pagsulat ng letra
Asul patungo sa susunod
Na namang asul na linya
Minsa'y mula sa asul naman
Hanggang sa linyang kulay pula
....
Ito ang natutunan ko sa elementarya
Noong ang aking papel
Ay binubuo pa ng linyang
Kulay
asul
at
pula
Na parang ako at ikaw
balanse ang bawat galaw
Sa bawat linyang pula
Na sumisimbolo sayo😊
Nakasunod ang asul na linya
Na walang iba kundi ako😎
..
Natuto akong timbangin
Ang bawat pagsulat
Di paglagpas sa linya
ng limitasyon na syang dapat👊
...
ISA...
DALAWA..TATLO
numero naman ang isinusulat ko
Pagbilang...
Pagbilang ng mga sandali
Na kapiling ka💕
Pagbilang ng mga nadamang
Lungkot at saya
..
Ngunit parang sa paglipas ng oras
..
Nagbago
...
Naglaho't
Kulay ay kumupas...
Ang linyang pula
Na pinakainiingatan ko
Ang kulay pula
Na sumisimbolo sayo
...
Unti unting lumayo
Nilimot ako't sumuko💔😭
Na para bang
pagtungtong ko sa sekondarya
Ang tuluyang pagkawala
Ng kulay pula sa papel kong
Paulit ulit inuusisa😢
Ikaw na bumalot sa puso ko
Sayang dala ng kulay mo💔
..
Ay nawala
..
Naglaho na
..
Ang kulay mo'y tuluyang nabura
At
Ang tanging lamig na lamang
Ng kulay asul na ako😔
Ang natira
Pagbabago ng buhay ko
Ay parang
Pagbabago ng papel ko
Papel na sinusulatan ko
At ng papel...
....
PAPEL KO SA BUHAY MO😪
....
Pero wag kang mag alala
Di ko na muling hahanapin pa
Ang kulay na pula
Sasanayin ko na ang sarili ko
Sa pagbabagong
Di ka na muling babalik pa
...
At ako...
Ang kulay asul na iniwan mo
Ang asul na linyang natira
Ay magiging matatag
At bubuoin ang papel....
Hindi sa buhay mo
Kundi ang papel ko
Sa sarili kong buhay
Na minsa'y napasaya't
Kalauna'y winasak mo.
****