Ikaw, ako at ang dating tayo
Waring dalawang isdang
Nasa loob ng aquarium😊
Kapus sa pera ang may ari
Kung kaya't di pa makabili ng marami😅
...
Dalawang isda lang ang meron
Tayo lang muna sa ngayon...😍
Masayang lumalangoy
Sa Tubig ng buhay na kalaban ay apoy
Apoy problemang Magkasamang hinaharap 💪
Tinataguan ang mga kamay
Na lumulublob sa tubig
Na waring tayong dalawa'y hinahanap hanap😥
Ayaw magpahuli sa kadahilanang
Ayaw mapalayo
Ayaw lumaya
Dahil sapat na,
sapat na sa ating dalawa
Makasama ang isat isa at lumangoy
Sa kwadradong malasalamin
Ng buhay na malayo sa
problema😊
...
Balakid😎
...
Kawalan.😎
..
Araw-araw nangangamba
Na baka may madagdag na isa
May makakahati sa tirahan
Pagkain, libangan,
May makakahati sa paraiso
May makakahati ako sayo😣
...
ang kulungan ay kalayaan
Lumot ay kagandahan
Mga mali, nakikita koy tanging
kanilang kabaliktaran😉
...
Masaya akong makasama ka
Ay mali,sa ngayon pala
Masakit mang aminin
Ngunit ito pala'y nagdaan na😢
...
Inibig, nakasama, sumaya
Inibig mo ko't inibig kita
Nakasama natin ang isat isa
Sumaya ako nung kapiling ka😔😊
...
Ikaw, ako at ang dating tayo
...
Dati... kasi nagdaan na
Kasi dumating ang panahon
Na pinalaya mo ko't
Pinalaya din kita
Pinalaya tayong dalawa
..
Inilipat sa mas malaking mundo
dating sa aquarium lang
Pero ngayon nasa fishpond na tayo😂
...
Marami ang nakikilala
Nakakasalamuha
nakakasama
Kasalukuyan
Kasalukayan na tumalo sa nakaraan😞
...
Gayun paman, nagpapasalamat ako
Na ang mga salitang "ikaw" at "ako"
Ay minsang napag isa
At Naging "tayo"😌
...
Masasayang sandaling di mabilang
Salamat at naging parte ka ng nakaraan
Sumaya ako sa piling mo
Naging parte ka ng estorya ko😊
...
Pero sa ngayon
Nasa dagat na ako...
Dagat ng kalayaan,kasiyahan at kasalukuyan
At ang
....
Ikaw,
ako
at ang DATING TAYO
..
Ay isang kabanata na lamang ng ating nakaraan...💔💕