Chapter 27: Outing

150 1 0
                                    

1st outing namin ngayon na magkakaklase!

Excited na ako!

Uhm, ayos na pala kami ni Jaydee ngayon. Actually matagal na.

Anyways, ayun nga, outing namin. Ako nakaassign sa pagkain.

Preparation lang naman, syempre diko gastos lahat! Haha.

Kakilala ko rin yung may-ari ng resort na pupuntahan namin kaya discounted kami! =)

Oi, oi, kumpleto na ba tayo?

Ganda ng 7am, tae, alas-otyo na oh!

Daan nalang tayo ng grocery mamaya para sa ice cream ah!

Ui, yung boys kayo assigned sa ice mamaya ah!

Yung salbabida? Ilan na yung dala natin?

Eh! Hindi ako marunong lumangoy, turuan niyo ko mamaya!

Excited na ako!

Guys! Tara na, yung driver natin mukhang naiinip na, nakakahiya!

So, off we go!

Pagdating nga namin, ligo agad.

Walang pakialam kahit mainit pa.

Yung ibang late, humabol nalang.

Wala nga pala si Danny-babes, nag-aayos na siya ng papers niya, magmigrate na yata sa CA.

Nakakalungkot lang, kasi parang yearly ba mababawasan kami???

Uhm, so solo namin ang pool. Yung guys may sariling corner, syempre dun sa malalim!

Tapos kami na mga hindi marunong lumangoy, natututo palang lumangoy at nagtuturo lumangoy e nasa may 4-5ft lang.

..

..

Guys! Kain na tayo! Nagugutom na kami!

Oi, kain na raw!

Mga ubebe, ahon na kung ayaw niyo masunog!

Saan tayo kakain?

Sa plato, malamang!

SMs, (which stands for silentmovers, group name ng class) walang hiya hiya! Magkamay ang magkamay!

Tamis ng maduming kuko, LOL. Hahahaha.

Oi, kuha muna lahat bago magluhan! Para fair!

*smile

Hahaha, ang kukulit ng mga classmates ko.

Kung hinahanap niyo si Bryan, eh, hindi pa kami nagkakausap mula kanina, o kahit tinginan man lang.

Allen: Tignan mo si Bryan, mukhang sira.

“Haha, yaan mo. Uhm, nagkausap na kayo niyan?”

Allen: Tungkol san?

“Kahit ano, I mean, today? Hi, hello, whatever?”

Allen: Ah, oo, kanina, hinahanap ka. May tatanong daw yata sayo.

Huh???

Ako??

Hinahanap niya kanina???

Tapos hindi niya man lang ako kinausap???

“Eh? Hindi pa nga kami nagkakausap. Ni hindi naman siya lumapit sakin.”

Allen: Oh? Yaan mo na. Baliw lang talaga yang si Bryan. Hahaha.

Kate! Ansarap ng ulam! Sino nagluto?

Oo nga! Kukulangin yata yung kanin natin, yung boys oh, nakailan na.

“Dad ko.”

Tara na kila daddy! Kila Kate na tayo tumira!

Hahaha, napaghahalataan yung matakaw oh!

Tse!

Hahahahahaha!!!!

After lunch, nagkagrupo-grupo uli.

Yung boys, well, since 9 lang talaga sila sa klase at wala si Dan, ayun bonding sila.

Nagbilliards tapos basketball.

Kami namang mga girls, well, as expected, picture picture!

Ganda kaya ng view dito!

Mini golf-course.

Playground on a paradise garden.

Fish pond.

Romantic bridge.

Team-building amenities.

Tree house.

Clubhouse.

And of course, yung pinakamagandang spot, sa guard tower!

Tapos naglakad lakad din sa may seashore.

Yung iba nga naligo, hahaha, masabi lang na naligo sa dagat!

Then late afternoon, nung mejo malilim na, nagsibalikan na rin kami sa pool.

This time, lumapit si Bryan.

Bryan: Kate, marunong ka lumangoy?

“Slight.”

Sabay hinila niya ako sa malalim!

Sus, habang busy yung iba na nagsslide, hinila niya ako sa may pinakamalalim na part ng pool!!!

Imagine!!!!

Ansama niya!!!

At syempre dahil takot ako, napayakap nalang ako sa kanya.

Ehem..

Ehem..

Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig,

muling pagbigyan ang pusong nagdaramdam.

Nagka-eye to eye kami ni Bryan.

Tapos parehong nailang.

Naku!!!

Mahal ko po si Jaydee!!!!!!

Pero wala akong balak sabihin sa kanya ito.

Dahil mula pa nung una, si Bryan na talaga pinakapinagseselosan niya.

Then yumakap siya sa akin, lumubog kaming dalawa.

Tss!!!!

Alam niyo yun??!

Kung pwede ko lang siya hampasin, ginawa ko na!

Kaya lang, malayo layo ako sa may edge ng pool, hindi ko alam kung malalangoy ko hanggang dun kaya hindi ako makabitaw sa kanya.

Paglutang namin uli, tawa lang siya ng tawa.

Tinatawanan niya ako!

><

*pout

Bryan: Bakit kasi di ka mag-aral lumangoy?

“Eh, sa ayaw ko! Tss, tawa ka pa!” ><

Bryan: Hahaha, gusto mo turuan kita?

“Ayaw ko nga diba?”

..

..

..

..

..

Nagsmile lang siya tapos lumubog uli kaming dalawa.

Asaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaar!!!!!!

Buti nalang 5pm na.

Oras na para umahon, kaya ayun, umahon na kami.

Pero siya, tawa pa rin ng tawa.

Parang baliw talaga.

Ay hindi!

Disregard the word “parang”

Baliw talaga siya!

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon