Chapter 37: Luneta

138 1 0
                                    

It’s Friday again!!!

Andami namin ngayon, and sasalubungin naming housemates yung iba sa Chow King, kasi mamaya pupunta kami ng Luneta.

Well, nakasanayan na namin ito.

Meron nga one midnight, habang nagplaplano kami sa paglalaro ng badminton, may lumapit sa amin na guard. Malamang kasi, teenagers tapos forum tapos nasa Luneta, kaya akala kung ano yung ginagawa namin. Thank God, may dala akong notes sa Politics and Governance, our 1997 Constitutional Rights! Palusot nalang namin na nag-ggroup study kami. The guard can’t argue with that, may dala akong notes! Hahaha!

Anyway...kumpleto na lahat. Magdidinner muna kami. Lahat nag-order ng rice except for Bryan na nag-order ng halo-halo, nagdinner na raw kasi siya.

Bryan (holding up a spoon na parang susubuan ako): Gusto mo?

“No, thanks.”

Rey: Ayee, buti pa sila ang sweet.

Yna (ginaya si Bryan): Ito Rey oh, kain ka na. Wag ka na mainggit.

Tatay (Baboy): Ano ba yan nak! Ang landi mo na naman!

Yna: Inggit ka lang tay!

Rain: Nagseselos si Brigs oh!

Brigs: Gag*. Paparinig ka lang kay baboy eh.

Rain: Gag* rin you!

Gio: Oi, walang ganyan, nagseselos din si Hija oh!

Hahaha, tae, ang gulo ng mga kasama ko.  Si Ralph at Allen, ako at si Bry, natatawa nalang.

Mas malakas loob namin gumala ngayon since marami kami at malalaki naman itong mga kasama naming lalaki, lalo na si Tatay, baboy yun, tapos si kuya Brigs, kalabaw naman, si Ralph na kuba at pagong, si Gio na paminta at bakla tsaka si Rey na itik at laging emo. Tapos si Bryan, no one dares calling him names, takot kasi sa kanya, tsaka first time niya sasama sa amin sa Luneta. Where did I get those names? Uhm, nakasanayan lang na yan ang tawag sa kanila –symbolizes their imperfections. LOL.

Habang nasa Luneta, lumayo kami ni Allen.

Pinag-usapan namin yung tungkol kay Bryan.

Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin maikwento sa kanya ng buo.

Siguro kasi close rin sila ni Bry.

At siguro kasi alam niya naman na before, na may something talaga sa amin.

At dahil din siguro sa sobrang bad image ni Bryan, na mukhang hindi magmamatch sa sobrang linis na image ko.

Dahil may attitude si Bryan na...Ewan ko.

>.<

Nagpunta kaming dalawa doon sa may dancing fountain.

Nagpapakabasa.

Haha.

Tapos naglakad lakad, magkaholding hands tapos yung tumatalon talon pa.

Wala lang.

Gusto lang namin magpakabata.

Hahaha.

Ang swerte ko talaga na kaibigan ko itong si Allen.

Tinetext nga kami nung iba pero hindi namin pinapansin.

Lakad lang kaming dalawa, nag-eenjoy habang yung mga kasama namin nag-aalala na pala sa amin.

But unexpected things do happen.

Saktong sakto sa tapat ng kinauupuan namin ni Allen, may sinaksak na lalaki.

><

Takot kami kaya nagreply na kami sa mga kasama namin.

Pinuntahan naman nila kami agad.

Si Bryan inis na inis kasi kung saan saan daw kami nagpupunta.

Umuwi naman na kaming lahat.

Natakot na rin kasi kami.

“Ambobo nung sumaksak, nandito naman ako, nandamay pa ng iba.”

Allen: Sira!

Tapos si Bryan lalo yata nainis dahil sa sinabi ko, hindi na nagsalita hanggang pag-uwi sa bahay e. Tsaka pag-uwi parang may trauma sa lahat. Sa dinalas dalas kasi namin sa Luneta, ngayon lang kami nakawitness ng ganun. Pero after couple of minutes na pagabsorb siguro, nagsimula na rin yung ingay... kulitan to the max! :)

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon