Chapter 34: Bakit nga ba???

133 3 0
                                    

Okay, magkikita na naman kami.

Trip lang.

May nameet kasi kami sa rooftop, mga old friends.

Yung isa, nagstand as tatay namin.

Yung isa, ex boyfriend ni Yna, kasama ko dito sa bahay...well, boy na rin namin, siya kasi naging tagaligpit/tagabili namin.

So nandito kami sa rooftop ngayon.

Kwentuhan lang. Nakapacircle kami.

Yna: Ui, Brigs! Lumayas ka nga rito! Panira ka ng gabi! Tay, paano ka nakatagal sa pangit niyan?!

Tatay: Naku nak! 2 years nga kayo niyan! Hahahaha!!

Yna: Yun nga tay! Nasusuka ako kapag naaalala ko!

Brigs: Wow ha! Ang ganda mo Yna!

Yna: I know right! Hahahaha.

Tignan niyo yan. Si Yna at si Brigs. Mag-ex yan.

Dati ang sweet sweet nila sa school, ngayon, magkita lang sila parang war na agad.

May lilipad na hanger, o kaya mga tsinelas. Uulan ng mura tsaka kalaitan.

Ayos lang naman si kuya Brigs.

Tanggap yata na bullied talaga siya.

Though siya pinakamalaki sa aming lahat at naturingan pang lalaki, siya yung pinakakawawa.

Rain (kasama ko rin sa bahay): Yna! Tang’na! Ang landi mo nanaman!

Yna: Tang’na mo rin! Wala nga dito yung boyfriend ko, kayo nga dyan ni tatay! Anlandi niyo talaga.

Uhm, so, for your informatioin, ang murahan sa bahay ay normal.

It’s like vitamins to everyone of them.

Yung tipong bawat sasabihin may mura.

Sample?

“Good morning rain, gag*, i love you!”

“Good morning din, gag* you, love you rin”

“Ayup, umagang umaga panay kagag*han kayo.”

Mula pagkagising hanggang pagtulog, umuulan ng mura.

Kung paano ako nakakatagal sa kanila?

Ewan ko...

Sa masaya naman sila kasama.

Pinakapinagpapasalamat ko lang, eh, hindi naman ako natuto sa kanila.

Bryan: Hanep! Umuulan ng mura dito ah!

Yna: Wew! Bryan! Anlinis mo! parang dika rin nagmumura. Tang’na.

Bryan: Ampucha! Di naman ganyan sa inyo!

Uhm, si Bryan.

Nakikiclose na rin siya dito sa mga kasama ko sa bahay.

Effort?

Nevermind.

Tumayo si Rain at si Tatay, magpapaload lang daw.

Si Brigs at Yna naman nagsisigawan pa rin.

Ako? Dito sa tabi ni Bryan.

Siya lang naman bisita dito.

Malay ko nga ba at napunta ito dito, pasulpot sulpot lang.

Hindi naman invited.

Si Bryan?

Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka.

Sino ba itong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba.

Meron pang dalang mga rosas, suot nama’y maong na kupas.

At nariyan pa ang barkada, nakaporma’t nakabarong

Sa awiting daig pa ang minus one at sing along.

Puno ang langit ng bituin, at kay lamig pa ng hangin

Sa iyong tingin ako’y nababaliw, giliw

At sa awitin kong ito... sana’y maibigan mo.

Ibubuhos ko ang buong puso ko...

Sa isang munting harana...

Para sayo.

Bryan: Naaalala mo pa?

Ha??

Yung kanta?? O nung reco??

Oo. Tandang tanda ko pa.

“ *smile – oo naman.”

Napangiti nalang din siya.

What is he up to???

Kailangan binabalik yung mga ganung memories???

Parang naiilang tuloy ako.

..

..

..

..

..

So sa rooftop kami matutulog, sa unit nila tatay.

Ako, si Yna, si Rain tsaka si Bryan.

At dahil bisita ko nga si Bryan, kami uli yung magkatabi.

Bryan: 1st kiss mo? Hahaha.

“Sira! Hindi noh!”

Totoo naman. Hindi talaga yun yung first kiss ko.

Pero, yung samin kasi ni Bryan...er, nevermind.

><

Okay, I’m not talking about that anymore.

Bryan: Weh? Sino?

“Si ex ko, malamang! Hmp!”

Tapos yumakap na siya sa akin. Humawak siya sa hands ko...

Ako naman, nakasandal lang sa kanya tapos pumikit na, at kung saan pa mapunta yung usapan namin.

He’s tugging my hair so it won’t look messy on my face...brushing it with his hands.

After few minutes, hindi pa rin ako nakakatulog, pero nakapikit lang ako.

Tapos bumulong siya...

Bakit kasi siya pa, nandito naman ako.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon