Chapter 44: Get-together continuation

128 2 0
                                    

Early morning, nagising uli ako sa chest pain. Gigisingin ko sana si Bryan para magpabili ng pain reliever sa baba kaya lang naalala ko kailangan niya ng tulog, sasakit na naman ulo niya pag ginising ko siya ng wala sa oras. I managed myself with one Bayer and one mefenamic acid. Tsaka ako bumaba at bumili ng gamot para sa sarili ko. Then sa sofa nalang ako nahiga, hangga’t mag-ease yung pain.

Naririnig ko, gising na sila. Pero hindi ko kaya gumalaw ng maayos. Dapat pala binili ko na sila ng breakfast kanina, kahit tinapay lang. Kaya lang masakit talaga yung chest ko. Nahihirapan ako huminga kaya nawala sa isip ko.

Bryan: Ang tahimik mo muna Yna.

Yna: Waaah!!!! Gag* you!

Rain: Tang’na mo Bry, pinansin mo pa kasi!

Bryan: ayos ah, na-gag* na, na tang’na pa.

Yna: Ayup!

Rain: Bwiset!

Tapos nagsitawanan sila doon na nasa kwarto. Gusto ko sana makitawa kaya lang hindi pa kaya. Maya maya, nagsibabaan na sila. Pero nakahiga pa rin ako. And in the count of three, nasa CR na naman ako at nagpupuke. Shit! Wrong timing talaga! Nanghihina na ako...

Yna: Nak, ayos ka lang?

“Ayos lang.”  --halatang halata sa boses ko yung panghihina.

Rain: Akala ko Bry, hindi ka pupunta? Bakit, naconnect mo na ba? Hahaha.

Bryan: E, sabi ni Kate pumunta ako. Hindi pa nga ako nakakauwi sa bahay.

“Wala akong sinabi. Sabi ko, umuwi ka muna.”

Bryan: Sabi mo kaya dito ako matulog.

Ay oo nga, pero diko naman sinabing hindi na siya umuwi diba? Pwede naman umuwi lang siya para masabi na umuwi siya at gawin yung gusto niya gawin tapos dito nalang siya sa bahay matulog. Tsaka, hindi niya naman kailangan sundin yung sinasabi ko, diba?? Diba??

Yna: diba august din nung dati si Allen at Ralph? Yung nasa bldg 5 si Ralph tapos nandito pala kayo sa bldg 2 si Allen.

“Yup. Pabigla bigla nga sila, sakto kalalabas ko pa naman ng hospital nun.”

Bryan: Hospital?

“Oo, one week confinement.”

Bryan: Si Allen yun, bigla bigla nagtetext na pupunta raw dito.

Rey: Oh, pusoy na uli!

Tignan niyo po ito si Rey, kagigising nagyaya ng pusoy. Siraulo rin. Pinatulan naman nung iba. Ayan tuloy naglaro uli sila.  Ginamit ko naman yung chance na yun para matulog at magpahinga sa kwarto..pero before ako umakyat, I accidentally opened this file of pictures from Bryan’s RIP Tunes – he’s with a girl. Oh. Okay, akyat na sa kwarto!!!! Feeling ko sinilip ako ni Bryan bago sila magstart. I can feel na nagwoworry siya but I can’t tell. 1pm gising na ako, feeling better. 3pm na nung natapos sila. Grabe, I guess we’re just all the same, kakain lang kung kailan mapagtripan. 3pm, sakto lahat gutom na. Nag-aayos na rin sila para umuwi.

Rey: Anong chords ng torete? Tsaka stramming?

Bryan: Impossibleng hindi mo alam yan Kate.

So, Bryan could still remember eh? Inperform kasi namin ni Allen yung torete nung 2nd year HS. If my mind serves me right, kumanta siya nun, Just so You Know by Jesse McCartney. Psh.. tuloy inabot sa akin ni Rey yung gitara para tugtugin ko. Tumugtog ako habang kinakanta, yung first verse lang naman. At alam niyo yung nakakapuzzle dun??? After ko kasi tumugtog nahuli ko si Bryan na nakatitig na naman sa akin – it’s like nashock siya at first time niya ako makita at marinig tumugtog. Tinaasan ko nga ng kilay pero ngumiti lang. Maya maya, itong si Bryan biglang yumakap sa akin.

???

------

Sa Chow King kami maglulunch. Kaya ito, lakad lang. Sa sobrang init, napilitan kami magpayong. May mga payong si Rain at Yna. Kaya itong si Rain tsaka si Jonas magkashare tapos si Yna at Rey. Buti may dalang payong si Bry, pinayungan niya ako. =)

Bryan: hindi ka ba naiinitan?

“Naiinitan, ang hapdi nga sa balat nung init.”

Bryan: Tignan mo yung balat ko, parang kinuha na nung araw lahat ng makukuha.

Oo nga, ang dry.

Bryan: Hahaha, by partners pala tayo dito. Yung dalawang nasa unahan parehong nakabag, itong si Rey at Yna nakapants, tapos tayo nakashorts.

“Hahaha, oo nga, nakaline-up pa tayo.”

Bryan: Parang sira lang.

*chuckle

Okay...malamang sa malamang, alam niyo na kung saan ko nakuha yung line ko na ‘Parang sira.’ Psh, mula HS, yan kasi talaga pinakanaaalala ko na lagi niyang sinasabi. Pagdating sa Chowking, kanya-kanyang order na. Sa seats naman, uupo sana ako sa dulo, sa may seat 1. Nasa seat 3 kasi si Bryan. Pero sabi niya, yung seats1-3 daw para sa guys, kaming girls sa 4-6. Minsan talaga illogical din itong si Bryan. Not unless, gusto niya akong panoorin kumain? Wew... i knew. So i seated sa tapat niya.

Seat 1                    seat 2                    seat 3

Seat 4                    seat 5                    seat 6

Bryan: Parang sira Kate, chicharon? Ginagamitan ng spoon?

“Eeeh, sa ayaw ko hawakan.”

I knew it...sabi ko nga papanoorin niya na naman akong kumain. Psh. Antahimik namin, mga mukhang nagutom. Ako kasi 1st rice ko ito in three-days time. Sila kaya? Pagkatapos, nagpakuha kami ng picture sa crew. Well, I guess, that ends the day.

Rain: Magsisimba pa kami ni Jonas.

Yna: Nak, sabay na tayo. magPNR ako.

Bryan: See you next year!

“Ingat!”

Then we parted ways.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon