Chapter 40: Unexpected visit

136 1 0
                                    

So.. it’s been months.

August na naman.

Well, it’s August 13 today, 2011.

Kalalabas ko ng hospital kagabi.

August must really have a great impact on me, kahit physical body ko nag nenervous breakdown eh.

At buti nalang nagtext si Allen..

Pupunta raw sila ni Bryan ngayon.

S-si Bryan na naman.

Bakit ba kasi ganito...

Mahal ko pa si Jaydee hanggang ngayon, pero iba talaga yung nagagawang impact sa akin ni Bryan...

(disregard all the kisses and hugs)

Mula nung sinabi niya sa akin yun...

Bakit kasi siya pa, nandito naman ako.

Bakit kasi siya pa, nandito naman ako.

Bakit kasi siya pa, nandito naman ako.

Bakit nga ba hindi nalang siya???

I did try reconsidering...

Bakit si Jaydee pa...

><

Pagdating nila ni Allen, diretso kami agad sa kwarto.

Nasa ibang unit na kasi ako ngayon.

Iba na rin yung mga kasama ko sa bahay...mga pinsan ko na.

Doon kami nagkakwentuhan, nalaman kong itong si Allen pala at si Ralph eh may LQ.

At habang nandito siya sa unit ko, sa building 2...nandun si Ralph sa dati naming building, kasama nila Tatay at kuya Brigs.

Nagkakwentuhan din tungkol sa mga classmate namin nung HS.

“Wala na akong balita sa mga classmates natin. Maliban sa break-up ni Angie and Max.”

Allen: Oo nga, nagdradrama si Max sa text.

“Ay, oo, nakausap ko rin siya. Ito namang si Angie mukhang may past issues kasi.”

Bryan: Nasunod nga yung sabi nilang sumpa noh? Kada-special section may nagiging mag-on. Akala ko ligtas tayo dun. Sino pa ba sa atin?

Nagkatitigan kami ni Allen tapos sabay kaming nagsabi, Sila “friends nalang kami” with the quote sign. Puzzled naman si Bryan.

Bryan: Sino?

“Hala, hindi pwede sabihin.”

Bryan: Psh. Sinimulan niyo na, hindi niyo pa sasabihin? Sino kasi?

Allen: Baka magalit.

Bryan: Psh. Antagal na yun eh.

“Ay, oo nga, nung minsan nga Allen babes nagsusumbong sa akin yung guy, kinukulit daw siya ni ano.”

Allen: OH?!!

Bryan: Tae yan, sino kasi???

Tapos yumakap siya sa akin tapos kinikiliti niya na naman ako.

“Hindi nga pwede sabihin. Allen-babes, tulong!”

Tinulungan niya naman ako, habang tinutulak ko si Bry, tinatanggal niya yung pagkahawak ni Bry sa akin. Kaya lang talo talaga kami. >< Siraulo itong Bryan na ito.

Allen: Ayuup ka Bry, chansing na yang ginagawa mo.

Bry: Parang sira! Sabihin niyo na kasi.

Tapos kinikiliti niya na rin si Allen. Ang ingay na namin. Nagalit yung mga pinsan ko kaya ayun, napilitan kaming lumabas. Doon kami sa may parking lot.  Consistent pa rin si Bryan. Binuhat niya nga ako, napasigaw ako bigla at napawrap ako ng arms ko sa neck niya. Hindi niya raw ako bibitawan hangga’t hindi namin sinasabi ni Allen. So sinabi namin. The greatest secret of Via. Nashock nga siya, niligawan niya pa man din yun. For a moment, nagkaroon ng awkward silence.

“Ayos ka na? Balik na tayo? Ui, wag na tayo maingay.”

Allen: Teka, sarado yung ilaw sa unit nila tatay. Baka nasa labas sila Ralph.

“Gusto mo makita?”

Allen: Syempre hindi.

“Kaya, tara na.”

Nauna kami ni Bryan na naglakad. Para silipin sa daan kung may signs nina Ralph. At we could say na boses palang, ingay pa lang, sila na nga yun, kaya itong si Allen tumakbo papasok ng building namin. Tapos kami ni Bryan yung naging center of attraction.

Brigs: Uiiii...

Tatay: Hanggang ngayon pala kayo.

Rain: Kayo ha...

Say what????????!!!!

Nag smile nalang kami ni Bry sa kanila tapos nagpaalam.

Tahimik kaming bumalik sa unit. Nahiga na rin, anong oras na kasi.

Si Allen, nananahimik, katext daw kasi yung crush niya. Sira talagang babae ito.

Kami ni Bryan? Okay, kinukulit niya ako.

Tinatakpan ko kasi yung mukha ko, tinititigan niya na naman kasi ako.

Tapos tinatanggal niya yung kamay ko. Hinawakan niya na nga tapos inkiss niya ako sa forehead tsaka sa cheeks.

Akala ko ba magbebehave na itong lalaking ito?????

Allen: Ang landi mo na naman Bry.

Bryan: Ano pa tawag sayo?

Allen: Maganda! Hahahaha.

Tapos tinakpan niya yung bibig ko ng kamay niya may sasabihin sana ako. Parang sira talaga. Kinagat ko nga.

Haha, ang mean ko. Tapos tumalikod na ako sa kanya para matulog.

Inextend niya yung kamay niya, in-poke niya ako and nagsignal na sumandal ako sa kanya.

Ginawa ko naman, tapos yumakap na rin siya sa akin, our hands are locked tapos natulog na.

Kinabukasan, ang ganda na naman ng gising niya. Habang si Allen, tinatamad daw pumasok, ito namang si Bryan, natutuwa. May exam pa raw kasi siya. Okay, anong nakakatuwa sa exams??? Nag-aayos na si Allen, si Bryan nakayakap pa rin sa akin. Pinaupo niya uli ako sa lap niya. Psh. Nung umakyat nga sa kwarto yung pinsan ko, ewan ko kung sumagi sa isip niya na boyfriend ko itong si Bryan. Nung nakaayos na si Allen, siya naman yung sumunod, humiram nga siya ng towel. Psh, parang sira lang, kasi dalawa yung gamit ko na towel pero tuwing kasama ko siya parang sa kanya yung isa. Tapos hinatid ko na sila sa may gate.

...................

Last meet up for 2011.

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon