UNANG KABANATA

81 7 7
                                    

SIMULA - CALEB

ZOELLA's POV

Katulad ng ibang klase ay ganoon din kami, magulo, pasaway at maingay. Sa gitna ng mga kaguluhan, tawanan at sigawan nilang lahat ay sumigaw ang adviser namin na kapapasok lamang sa loob ng classroom namin.

Tahimik lang ako habang ang iba kong mga kaklase ay panay pa rin ang k’wentuhan at daldalan. Napa-nguso agad ako matapos kong makita si Caleb—ang ultimate crushie ko—na kausap si Shine.

Kung ipagkukumpara kami ni Shine, marami kaming pagkaka-iba. Tahimik siya at minsan lang mag-salita. Habang ako daig ko pa ang wang-wang ng pulis sa sorang ingay. Payat siya, sige oo siya na. Ako kasi medyo mataba e, ngunit hindi naman gano’n ka-taba.

At higit sa lahat, mahal siya ni Caleb.

Iyon ang masakit, e. Siya mahal habang ako, nevermind, hehe. Masakit kaya ang umasa.

Pinagmasdan ko lamang silang dalawa. Napapa-nguso ako sa tuwing ngi-ngiti si Caleb sa kaniya. Hanggang sa nagkatinginan kaming dalawa ni Caleb, naka-ngiti siya habang nakatingin sa ’kin. Nataranta ako bigla kaya umiwas na lamang ako nang tingin.

Minsan nahuhuli ko talaga si Caleb na nakatingin sa ’kin, minsan naman ako ang nahuhuli niya. Hindi na ako umaasa sa kaniya pero sa tuwing gagawin niya 'yon natataranta ako at minsan nago-overthinking na baka gusto niya ako.

Pero, nevermind. Ayoko na.

Humarap na lang ako sa kaibigan kong si Psyche at Denise na nag-uusap.

“Ewan ko ba r’yan kay Ephraim,” wika ni Psyche. Kumunot agad ang noo ko sa pagtataka.

“Bakit? Ano’ng nangyari?” tanong ko. Umayos naman ng upo si Psyche, gano’n din si Denise.

“Hindi ako pinapansin e.”

“Iyon lang?” Tumango-tango siya. “Baka naman may problema?”

“Sino? Siya?” bulong ni Psyche at pasimpleng itinuro si Ephraim na nasa isang tabi.

“Ay hindi ako?” sarkastiko kong sabi. Inirapan niya ako at saka sumimangot. “Joke lang. Tingnan mo mamaya bati na kayo,” sabi ko habang pataas-taas ng kilay.

Tumahimik na lang ako ulit at hindi na muna umimik. Nakaka-pagod kaya umimik nang umimik.

Umub-ob na lang ako sa lamesa ng upuan ko. Hayst buhay nga naman parang life.

Mamaya-maya ay may umupo sa tabi ko. Kinalikot niya ang buhok ko at hindi ko na lang pinansin ’yon.

“Bakit parang ang tahimik mo ata ngayon?” Nang marinig ko ang boses nya biglang tumibok nang mabilis ang puso ko at lumaki agad ang mata ko. Tumunghay ako at tama ang hinala ko, si Caleb nga.

“H-ha? A-ah, ano kasi,” paputol-putol kong sabi. “Wala ako sa mood.”

“Ahh.” Tumango-tango siya at ngumiti. ’Yan na naman yung singkit niyang mga mata na inaakit ako at parang balon na malalim kung saan napaka-dali kong mahuhulog mula roon.

Kaya ayokong tumatabi sa ’kin ’to e. Pero ano’ng magagawa ko, seatmates kami? HAHAHAHA awit talaga sa ’yo Zoe.

“Libre mo ’ko dali,” aniya at piningot ako sa ilong. Aba ang lakas nito ah?

“Ayoko nga.” Umiling-iling ako.

“Dali na.” Napairap na lang ako sa ere.

“Sige na. Basta bukas ilibre mo rin ako?” Tumango naman si Caleb. Huminga ako nang malalim.

SECTION X (ON GOING)Where stories live. Discover now