Agad akong napahawak sa sintido ko dahil sa pagkahilo. Kumikirot ang ulo ko sa sobrang sakit. Tumingin ako sa buong paligid, umuulan pala.
Pero nasaan ako?
Puro puno ang nakikita ko, nasa loob siguro ako ng kagubatan, pero paano ako napunta rito?
Tumayo ako at napansin kong puno ng putik ang aking katawan.
“W-wag kang umalis.” Napatigil ako sa paglalakad matapos kong marinig ang boses ni Psyche. "W-wag mo akong iwan." Napahawak ako bigla sa sintido ko.
“Tama na!” sigaw ko dahil paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Psyche sa utak ko.
Tumakbo ako habang umiiyak. Hindi ko siya iniwan! Hindi ako umalis!
Kahit malakas ang ulan sinikap kong maka-alis sa lugar na iyon. Gusto kong makita si Psyche!
Habang tumatakbo ay bigla kong naalala ang mga nangyari. Dahil dito ay mas lalo akong napahagulhol sa sobrang lungkot.
Ngayon ko lamang naalala na wala na ang iba kong mga kaklase. P-patay na sila. Ang tangi kong naalala sa mga nangyari ay mayroong, p-pumapatay, mayroong gustong mag-higanti.
Nakaramdam ako nang matinding kirot sa paa ko matapos akong makatapak ng matilos na bato. Napaupo at napapikit ako sa sobrang sakit ng paa ko.
“A-aaaaah!” Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. “W-wag!” Napatakip ako ng bibig dahil muntik na akong mapasigaw sa takot.
Hindi ito maaari.
Kahit masakit ang paa ko ay tumayo ako at nagpatuloy sa pagtakbo. Kailangan ko silang mahanap. Kailangan ko silang tulungan!
Paika-ika man tumakbo, hindi ko na inisip ang kirot ng paa ko. Mas inisip ko ang kaligtasan nila Psyche at Denise.
Nagtagal pa ako sa loob ng gubat na iyon ngunit nakalabas rin ako ’di kalaunan. Naaninag ko agad ang mansyon, umuulan man ay kitang-kita ang ganda nito.
Hindi mo aakalaing sa loob ng mansyon na 'to, may mangyayaring masama kagaya nito. Hindi namin inakala na mangyayari ’yon. Retreat ang ipinunta namin dito, pero ito ang naging resulta.
Ang pagkamatay ng mga kaklase ko.
Papasok na ako ng mansion nang biglang may humila sakin. Sisigaw na sana ako ngunit tinakpan niya ang bibig ko at dinala sa tagong lugar sa likod ng mansyon.
“Mmmm!” Pinilit kong sumigaw at kumawala sa kaniya ngunit napaka-lakas ng taong humahawak sa ’kin mula sa likuran.
“’Wag kang maingay, Zoe!”
“Maririnig niya tayo.” Huminto siya sa paghila sa ’kin at binitawan ako.
“Caleb,” pabulong ko siyang tinawag. Nginitian nya ako kaya niyakap ko siya nang napaka-higpit. “A-akala ko wala ka na.”
“Ako? Mawawala? Haha, sa lakas kong 'to?” Pagmamayabang niya. Hinampas ko siya sa braso tapos bigla siyang napa-aray.
Naguguluhan kong tiningnan iyon. May hiwa siya sa braso at alam kong napakasakit no’n, umaagos din ang dugo mula roon.
“C-caleb.”
“Huwag kang umiyak diyan, hindi pa ako mamamatay.” Niyakap ko siyang muli.
Sa kalagitnaan ng ka-dramahan namin, naalala ko ang iba pa naming kaklase.
“Nasaan sila?” tanong ko sa kaniya. Malungkot akong tiningnan ni Caleb saka umiling. “Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi ko alam, nagkahiwa-hiwalay kami nila Ashton. Wala rin akong ideya kung nasaan ang iba pa nating mga kaklase.” Pumikit ako nang mariin.