IKA-ANIM NA KABANATA

61 7 2
                                    

IKA-ANIM NA KABANATA—AKANE

SHINE'S POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nakakatakot na, hindi ko na alam kung saan kukuha nang lakas ng loob.

Kung kanina ay sinisigawan lang ni Myka si Zoella, ngayon ay kakikita lang sa kaniya. Nakabigti sa isang puno sa labas ng mansiyon at at may nakasaksak na kutsilyo sa kaniyang dibdib.

Walang makapagsalita. Walang umiimik dahil sa gulat at takot.

“Boys,” tawag ni Xiara sa mga lalaking nandoon. Tumango sila at umakyat si Ian sa puno matapos marinig ang ini-utos nito. Napapa-iling ako habang unti-unting ibinababa ang katawan ni Myka.

Napa-sign of the cross si Clarence at tinanggal ang lubid sa leeg ni Myka na wala nang buhay. Tumingin si Clarence kay Xiara at sumenyas kung ano’ng gagawin.

Napa-iling na lang si Xiara sa boyfriend niya.

“Buhatin n’yo, dalhin n’yo kung nasaan sila ate,” utos ni Xiara sa mga ’to.

Hindi ko alam kung tama ba na hayaan namin ang mga bangkay nila sa isang lugar. Hindi naman kasi kami maka-aalis rito dahil sabi nga ni Zoella naka-lock daw ang malaking gate at hindi nila mabuksan iyon.

Pero paano kung nandito lang pala sa loob ng mansion ang susi?

Pero imposible.

Paano kung na kay ma’am? Bigla akong kinabahan, tumingin ako sa paligid nang maalala ang aming guro.

“Asan si ma’am?” Tanong ko sa kanila. Nanlaki ang kanilang mga mata at dali-daling tumakbo para hanapin si ma’am.

Maging kami nila Hannah ay nagtatakbo na lang. Paikot-ikot kami sa loob at labas ng mansiyon nang bigla sumigaw si Ian mula sa itaas— sa k’warto namin nina ma’am.

“Bilisan n’yo!” sigaw nito nang sobrang lakas.

Lahat kami ay nagtatakbo nang mabilis patungo sa k’warto.

Tinakipan ko ang aking bibig at naiyak sa aking nakita.

Si ma’am ay naka-higa sa sahig at naliligo na sa kaniyang sariling dugo. Tadtad siya ng saksak sa mukha at leeg. Halos maputol na ang kaniyang ulo dahil doon. Naka-taas ang kaniyang damit at may naka-ukit na letrang X sa kaniyang tiyan at umaagos ang dugo mula roon.

Kaniya-kaniya nang iyakan ang mga kaklase ko. Napa-upo pa ang iba sa sahig at walang ibang nagawa kundi ay umiyak lamang nang umiyak.

Ang teacher naming mapagmahal, na kamuntik-muntikan na kaming sukuan dahil sa kakulitan namin, ngayon ay wala na. Siya ang nagsilbi naming ina sa loob ng sampung buwan. Naging kaibigan at tagapag-payo tuwing nasasaktan kami.

Wala na si maam.

Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya bumaba na ako. Sinundan ako ni Hannah saka ako niyakap pagkuwan.

“H-hannah, ’wag mo ’kong iiwan ha?” Umiiyak ako habang yakap niya.

“Sino ba’ng nagsabing iiwan kita? Baka ikaw ang mang-iwan?” Sa sinabi nito ay lalo ko lamang siyang niyakap.

“Sorry sa mga pang-aasar ko sa ’yo, sorry kung lagi kitang inaaway. Naging matalik kitang kaibigan kahit malayo ang loob ko sa inyong lahat.” Hindi umimik si Hannah sa mga sinabi ko. Yakap-yakap niya lamang ako at pinatitigil ako sa pag-iyak.

Isinara na lang nila ang pinto ng k’warto dahil hindi nila kayang lapitan si ma’am dahil sobrang brutal ng pagkamatay niya.

Alam kong hindi ito ang huli. Alam kong hindi ito matatapos hangga't hindi kami namamatay lahat. Pero ano’ng dahilan? Bakit kami iniisa-isa? May nagawa ba kaming kasalanan?

SECTION X (ON GOING)Where stories live. Discover now