IKA-LIMANG KABANATA—MYKA
ZOELLA'S POV
“Bumalik na tayo,” mas mahinahon kong sabi sa kanilang dalawa.
“Saan?” Tumayo na si Caleb at tinulungan si Ashton.
“Sa mansion.” Naglakad na ulit ako at dahil hindi nila ako pinigilan ay kahit pagod pa rin mula sa pagtakbo kanina ay sinikap kong bumalik doon sa gate kung nasaan ang mga bisikleta namin.
Malayo-layo na ang aking nalakad nang mapansin kong napakatahimik. Tumingin ako sa likod at hindi ko na makita sila Caleb.
“C-caleb?” tawag ko. Babalik pa sana ako upang tawagin sila ngunit may narinig akong kasulkos kaya napatakbo ako nang walang dahilan.
Iniisip ko kung sino ang maaaring pumapatay sa aming magkakaklase. Ano ang maaari niyang dahilan?
Kung iisa-isahin sila, wala akong maisip kung sino, at ayokong magturo nang walang sapat na ebidensiya. Ang mahalaga ngayon ay mag-ingat ako sa posibleng mangyari.
Nakarating agad ako sa gate at tahimik lamang akong sumakay muli sa bisikleta na aking ginamit kanina patungo rito. Bago ako umalis ro’n ay napaluha pa ako nang maalala ko si Wilbert.
Nasaan na kaya si Wilbert?
Mabilis at kinakabahan akong nagpidal. Palingon-lingon din ako sa aking likuran dahil maaaring kasunod ko lamanng ang taong iyon.
Kung tutuusin ang bilis niya lang pumatay, sobrang bilis ng mga pangyayari na animo’y ipinlano ng masinsinan.
Dumating agad ako sa mansion. Dali-dali akong bumaba sa bisikleta at nakita agad ako ni Ephraim at Christian kaya tumakbo sila papalapit sa ’kin.
“Ba't nandito ka na? Nasaan sila Caleb?” tanong ni Ephraim. Hindi ako makapagsalita kaya yumuko na lang ako at naglakad na. Haggang sa nagdatingan na silang lahat at pinukol ako ng masasamang tingin. Animo’y nagdadalawang isip pa sila kubg lalapit sila sa akin o hindi.
“Ma'am sorry po. Hindi po kami nakalabas.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagtulo ng aking luha. Una-unahan sa pagragasa ang mga ito, imbis na pahirin ko ang mga ito ay hinayaan kong mabasa nito ang aking mukha at damit.
“Pero nasaan sila?” Lumapit sa akin ang aking guro at masinsinang pinagmasdan ang aking itsura. Tagaktak ang pawis at halos habulin ko na ang aking hininga dahil sa pagod.
“Hindi ko po alam dahil magkakasama lamang po kaming tatlo nila Caleb at Ash kanina, ngunit nawala po sila sa likod ko,” pagpapaliwanag ko, hindi lang kay ma'am kundi pati na rin sa kanilang lahat.
“Si Wilbert?” nag-aalalang tanong ni Akane sa akin.
“Hindi ko rin alam. Kinuha niya ang atensiyon ng killer kaya nahiwalay siya sa amin.”
“T-teka, killer?” tanong naman ni Joanna na lumapit sa akin.
“Oo may killer. Kitang-kita ko kung paano niya itinutok ang baril kay Ashton. At sigurado akong siya ang pumapatay dahil nakamaskara ito at may ekis iyon sa noo.”
Napaupo kaming lahat sa sahig sa sala at sinigurado ni ma'am na kumpleto kami. Walang nawawala sa amin, maliban kina Caleb na hanggang ngayon ay hindi namin alam kung nasaan.
Tiningnan ko sila isa-isa. Nakayuko ang iba at tila takot na takot na. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang takot at pangamba na may mangyaring hindi inaasahan sa pagkakataong ito.
“Wala namang mangyayaring ganito kung wala tayong retreat e!” palahaw ni Myka. Inis na inis niya akong tiningnan saka tumayo at ako’y itinuro.
Napatayo si ma’am sa sinabi niya. Hindi ito maka-imik at tanging tingin lang ang naipakita niya. Wala man lang kaemo-emosyon si maam. Tila hinahayaan niya lamang kaming magtalo.
“At ikaw Zoella! Alam kong may kasalanan ka rito, hindi mo lamang maamin!” Dahil sa mga paratang ni Myka ay napatingin silang lahat sa ’kin na pawang nag-aabang sa aking isasagot mula kay Myka.
“A-ano ba’ng sinasabi mo ha?” Dahil nainis na rin ako ay sumigaw ako pabalik, “Anong kasalanan ko? Pinag-bibintangan mo ba ako, na ako ang pumapatay?”
“Oo ganon na nga?! Alam kong ikaw ang pumapatay at pinatay mo na sila Caleb!” Galit na galit niyang sabi sa ’kin.
Sumangayon sa kaniya si Justine. Pareho nila akong tiningnan na parang natatakot silang mapalapit sa akin at gayundin ang pandidiri.
“Magagawa ba ’yon ni Zoella ha?” Bigla naman akong nakabalik sa aking huwisyo nang marining kong nagsalita si Psyche at iipinagtatanggol ako. Nagkatinginan kami at tinanguan niya lang ako na pawang sinasabing hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Myka.
“Oo!—” sigaw ni Myka.
“Tanga ka pala, e ’di sana ikaw na ang inuna nitong si Zoella!?” bulyaw ni Akanw kay Myka na naguumpisa nang pumula ang pisngi sa inis at hiya.
“Tama na girls! Hindi n’yo na maibabalik ang nakaraan. Nasimulan na ito kaya ’wag kayong mag away-away please lang!” Galit na galit na pasaring ng aming guro at umalis sa kaniyang puwesto patungo sa itaas.
Tahimik lang ang ibang natitira kong kaklase na wari mo’y nanonood ng sine at punong-puno ang mukha at damdamin ng emosyon.
“T*ngina, so ano? Sige patayin mo na ako!” Lumapit sa akin si Myka at itinulak-tulak ako.
“Tumigil ka nga Myka! You're acting like a kid!” sigaw ni Psyche dahil hindi ako umimik at pinagmasdan lang si Myka. Nakataas ang aking kilay at seryoso ko siyang tinitingnan. I clench my fists. Gusto ko siyang suntukin sa mukha.
“Bobo ka pa rin pala Myka ano?” sabat ni Shine na ikinagulat naming lahat. “Pagbibintangan mo si Zoella sa bagay na hindi naman niya ginawa. E paano kung ikaw naman pala yung killer at nagmamaang-maangan ka lang?”
Lahat sila ay napa-oo sa sinabi ni Shine, na maging ako ay nadala. Nagsimula nang umiyak si Myka at mabilis pa sa alas-kuwatro nang bigla itong umalis mula sa kinauupuan at tumakbo sa kung saan.
Huminga ako nang malalim pagka-alis niya. Lumapit sa ’kin sila Akane at niyakap ako nang napakahigpit.
MYKA'S POV
Tumakbo ako palayo dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nila. Hindi iyon totoo! Hindi!
Lumabas ako ng mansion at umiyak nang umiyak. Gusto ko nang umuwi, gusto ko nang umalis rito!
“Psst!” Bigla akong nakarinig ng sitsit kaya tumigil ako sa pagiyak. “Myka!” halos pabulong nitong tawag.
Kunot noo kong pinagmasdan ang paligid dahil wala namang tao at pinunasan ko ang aking luha. Nang biglang may kumaluskos sa aking itaas.
Pagtingin ko roon ay mayroong taong nakatayo sa may puno. Bigla niyang ibinagsak ang hawak niyang lubid sa aking leeg.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Hindi na ako nakasigaw at ang alam ko na lang ay nakalutang na ako dahil hindi ko na maramdaman ang lupa. At tila kinakapos na ako sa paghinga.
Narinig kong humalakhak iyong naka-maskara na humatak sa akin pa-itaas. Tama nga ang sinabi ni Zoella.
Hawak-hawak ko ang aking leeg at pinilit kong tanggalin ang lubid ngunit unti-unti akong nawalan ng lakas at hindi na rin ako makahinga.
Sa huling pagkakataon, nakita ko pa ang mukha niya. Nakangisi ito sa akin at mukhang tuwang-tuwa.
“Hay nako, Myka. Kung hindi mo lang sana ikinalat yung nangyari sa amin ni Zoella, e di sana hindi ikaw ang nakasabit diyan?” Tumawa ito at unti-unting bumaba sa puno.
“Bobo ka kasi e. Ikinalat mo pa. Dapat lang na mangyari ’yan sa ’yo.” Tumawa siya at inihagis ang isang kutsilyo na tumama sa aking dibdib.
Unti-unti na akong pumikit dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Namamanhid na ang aking paa paitaas sa aking dibdib hanggang ulo. Wala na akong maramdaman hanggang sa unti-unti na akong mawalan ng malay.
Patawad, Zoella.
***