IKA-TATLONG KABANATA

66 6 7
                                    

IKA-TATLO—FIRST VICTIM

ZOELLA'S POV

Nagmadali na ako sa pagligo dahil ngayon na ang araw ng retreat namin! Alas-singko raw ng umaga ay nararapat na nasa school na, ngunit alas-kuwatro na ako nagising!

Hinatid na ako ng nanay at tatay ko sa school. Pagdating ko ro’n ay saktong alas-singko na. Nagpaalam na ako sa kanila at dali-daliang umakyat ng bus.

Pagpasok ko sa loob ay saktong ako na lamang pala ang hinihintay para maka-alis na. Nagkatinginan kami ni Caleb at ngumiti siya nang napakalawa. Habang tahimik lang si Shine sa tabi ni Caleb.

Umupo na ako sa upuan ko, katabi si Psyche.

Ang bilis lamang lumipas ng isang buwan. At ito na nga retreat na namin. Ayieee kinikilig ako. Sa sobrang excited ko, hindi ako masyadong nakatulog.

Masaya lamang kami sa loob ng bus. Nagka-kantahan nagku-k’wentuhan, nag-aasaran at kung anu-ano pa. Mamaya-maya ay nag-ayang maglaro ang mga boys ng mobile legends, kaya ayun ang iingay nila lalo.

Tumingin naman ako sa katabi ko ngayon. Malungkot lang siyang nakatingin sa labas ng bus habang naka-suot ng earphones.

Bestfriend ko si Psyche, pero ’di kami gano’n ka-open sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit? Siguro sa tuwing tatanungin ko siya, ayaw niya sabihin ang totoo.

Mahal na mahal ko ang babae na 'to, kaya kapag sinaktan 'to ng lalaking mahal na mahal niya, ah lagot sa ’kin ’yun.

Tumingin naman ako sa aking likuran. Naka-upo ang boyfriend ni Psyche doon na si Ephraim. Nagkatinginan kami at sinenyasan ko siyang magpalit kami ng upuan. Tumango naman siya at lumapit sa amin. Ngumiti lang ako at umalis doon.

Bilang kapalot, ay si Wilbert na ang katabi ko. Busy siya sa paglalaro pero nginitian niya ako pagka-upo ko. Pinanood ko lamang siyang maglaro.

Tawanan, sigawan at mga kalokohan. Iyan ang mami-miss mo sa section namin. Ito na naman ako, pinapa-iyak na naman ako ng mga naiisip ko.

Aba kasalanan ko ba na napamahal na ako sa mga malag na 'to? Itinuring na naming  pamilya ang isa't isa kaya nalulungkot ako dahil isang buwan na lang, maghihiwalay na kami. Ouch.

“Whooooo!” Nagulat na lang ako nang biglang sumigaw ang mga lalaki, kasama na si Wilbert. Ngumiti siya bigla at niyakap ako. “Isang star na lang! Mythic na ako!” Natawa na lamang ako sa sinabi niya.

Sa sobrang bored ko ay nakatulog na pala ako. Ginising lang ako ni Wilbert dahil malapit na raw kami.

“Nakatulog ka sa balikat ko,” sabi nya nang hindi natingin sa ’kin at nakahalukipkip. Napanguso ako. Jusko, nakakahiya.

“Uh, sorry.” Tumingin ako sa may bintana. Ang ganda ng pagsikat ng araw. Ang ganda sa mata ng mga palayan. Sigurado akong napakama-aliwalas mamaya sa labas.

“Malapit na tayo pumasok sa Hacienda,” aniya. Tumango na lamang ako at pinagmasdan ang paligid.

Makalipas ang ilang minuto, huminto na ang bus na sinasakyan namin. Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Nakangiti at tuwang tuwa dahil sa wakas nakarating na kami.

Pina-baba na kami ni Ma'am at pinatigil muna sa isang tabi.

Namangha ako sa paligid. Punong-puno ang buong mansyon ng mga puno, sigurado akong nasa loob ng isang gubat ang mansyon na 'to.

Berde na berde ang buong paligid, nakatutuwa.

Kakaripas na sana ng takbo sina Ian at Caleb papasok sa mansyon ngunit sinaway sila ni Ma'am. Nagtawanan ang lahat dahil pakamot na bumalik ang dalawa sa kanilang p'westo.

SECTION X (ON GOING)Where stories live. Discover now