IKA-APAT NA KABANATA—ALCAZAR
ZOELLA'S POV
Nangangatog akong lumapit sa bangkay ni Anna at wala akong ibang nagawa kundi ay mapaluhod sa harap nito.
“Zoe.” Sinubukan akong itayo ni Caleb pero hindi ako nag-padala sa kaniya. Umiiyak at nanlulumo kong hinawakan sa pisngi si Anna.
Naging malapit kami sa isa't isa ni ate. Sobra ko siyang hinahanggaan sa mga ginagawa niya. Tapos ngayon matatapos lang ang buhay niya?
Sinong gumawa nito? Anong dahilan niya para patayin si ate?
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo na. Hinarap ko sila Caleb na nakabusangot ang mukha. Bigla niya na lang ako nilapitan at niyakap nang mahigpit. Ewan ko pero it makes me feel more better.
Nagtatakbo agad ang mga kaklase namin papunta kung nasaan kami ngayon.
Napatakip sila ng bibig at ang mga babae ay napa-iyak na lang.
“Ano 'to?! Sino’ng gumawa nito?” Napasigaw na lamang si Ma'am. Umiiyak siya at nangangatog na lumapit sa malamig na katawan ni Anna. Umiling ito at napamura.
Lahat kami ay nagkatinginan. Ang iba ay umiyak nang umiyak, ang mga lalaki ay hindi makapag-salita.
“Sa ngayon, kailangan na nating humingi nang tulong. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung sino ang tutulong satin” sabi ni Ma'am na balisang-balisa.
“Ma'am nasaan po ang bus?” tanong ni Ashton.
“Umalis na, babalik ang bus sa biyernes.” Napa-upo si ma'am sa couch at napatakip ng mukha.
Tiningnan ko isa-isa ang mga kaklase ko. Ano ba ang nangyayari? Kagagawan ba ito ng isa sa amin?
“Clarence and Stephen, kunin niyo ang mga phones sa k’warto ko. Kailangan na nating umalis rito, at hindi rin p’wedeng magtagal si Anna ng ganiyan ang kalagayan,” sabi ni maam kaya tumakbo naman ang dalawa kong kaklase.
“Ma'am natatakot na po ako,” sabi ni Hannah. Nakayakap siya kay Shine na malungkot din.
“Magpakatatag lang kayo, makaka-alis na tayo rito.”
“Ma'am!” Napatingin kaming lahat kay Clarence na takot na takot. “Y-yung mga phones namin sira na!” sigaw nito kaya dali-dali kaming pumuntang lahat do’n.
Pumikit ako nang mariin matapos kong makita ang phones naming nakalagay sa box pero basag na.
“Tingnan ninyo baka may gumagana pa! Gusto ko na umalis rito!” sigaw ni Xiara.
Lumabas muna ako ng k'warto para makapag-isip. Pumunta ako sa may main door, na-upo roon at nag isip-isip.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay may nalaglag mula sa second floor. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagbagsak nito sa harap ko.
Puro dugo ang aking nakita at nagkalat ang wari ko'y utak. Na-istatwa ako, hindi agad ako nakapagsalita. Ni paghinga ay nalimutan ko na ata.
“Zoella?—What the hell!” Dahil sa sigaw ni Akane ay napatayo na ako at doon ko lang na-realize na si...
S-si Spencer iyon!
Sumigaw ako sa galit at takot. Hindi ko na napigilan pa ang pagluha. Umaapaw ang galit ko. Gusto kong lapitan si Spencer ngunit natatakot ako.
“Ano’ng nang—” Hindi na naituloy pa ni Psyche ang sasabihin niya dahil maging siya ay napa-iyak.
Nakatulala lang ako. Hindi nila ako maka-usap. Wala akong iniimikan kahit si Ma’am o si Psyche.